“Didi? Ayaw mo bang maging maid of honor ko?” kunot-noong tanong ni Ate Greta sa kanya. Mukhang kanina pa nagsasalita ang ate niya at kinakausap siya. Dahil sa kawalan niya ng sagot sa mga sinasabi ng kapatid, inisip nitong tumatanggi siya sa alok nito.
“O-of course not, Ate Greta. Of course, I’ll be your maid of honor. Walang problema sa akin iyon. Pero akala ko ay ako ang magbi-bake ng wedding cake mo?” sabi niya.
Alam na rin nga niya kung ano ang flavor ang design ng wedding cake na gusto ng kapatid. It would be a chocolate with peanut butter, buttercream and red velvet with hazelnut cake. And the design would be gold lace floral detail along the sides of each of the four tiers of the cake. There will also be a gold pair of edible wedding rings on top of the cake. Matagal nang nasabi sa kanya ng kapatid na iyon ang gusto nitong maging wedding cake nito. And that was even before her sister ever met her groom.
“Oh, you’ll be doing that too, of course. I mean, how hard could baking a cake be lalo na at araw-araw mo naman nang ginagawa iyon? I’m sure kaya mong pagsabayin ang pagtulong sa akin sa pag-aasikaso sa mga kailangan sa kasal ko at sa pagbi-bake ng cake ko,” pabalewalang sagot ng ate niya bago ito bumaling muli sa ina nila at ipinagpatuloy ang pagbibigay sa ina nila ng mga pangalan ng ibang miyembro ng wedding entourage nito.
Samantalang si Didi naman ay napangiwi sa sinabi ng ate niya tungkol sa madali lang raw na trabaho niya. Obviously, her sister has never baked a wedding cake before. Hindi alam ng ate niya kung ilang oras ang kailangang gugulin sa paghahanda, pagbi-bake at pagdi-disenyo ng wedding cake para masabi ng ate niya na madali lang iyon. Just when she thought it was the start of a new phase in her relationship with her sister, her sister goes to ruin her belief again.
“Muntik na sana akong maniwalang sinapian ng sampung mga santo at santa ang ate mo kanina kaya pinili kang maging maid of honor niya. Pero mukhang nag-level up lang ang kamalditahan at pananamantala niya sa iyo. Mas napasama pa ang pagiging maid of honor mo. Mas dumami lang lalo ang gagawin mo para sa kasal niya. Do you think I should warn Brandon about her evil ways?” pabirong mahinang komento ni Lio sa kanya.
“Shh!” saway niya sa lalaki.
“Don’t worry, hon. I’ll help you. We will be the best maid of honor and best man in the history of weddings, you’ll see,” kindat pa ni Lio sa kanya.
Napakurap siya sa pamilyar na term of endearment na ginamit ni Lio sa kanya. Iyon ang madalas itawag ng binata sa kanya noon kapag silang dalawa lang ang magkasama. He always calls her by her name whenever they are with other people. Nagiging ‘hon’ lang siya nito kapag sila lang nasa pribadong lugar at walang ibang nakakakita o nakakarinig sa kanila. Ni minsan hindi ginamit ng binata iyon kapag nasa harapan sila ng ibang tao. Kaya labis siyang nagtataka na marinig iyon mula sa mga labi nito kung kailan hiwalay na sila.
“Ano’ng ginagawa mo, Lio?” hindi na niya napigilang itanong sa binata. Noong isang araw, umaakto ang binata na parang nagseselos sa kaalamang may namamagitan sa kanila ni Johnny. Ngayon naman ay umaakto ang binata na para bang you and me against the world ang drama nila laban sa pamilya niya.
Sinalubong naman ni Lio ang tingin niya. Isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan ng binata. Pagkuwan ay bahagyang umiling-iling. Pero hindi siya sinagot. At hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong tanungin ulit ang binata dahil inagaw na ni Brandon ang atensyon nito.
Habang pinag-uusapan ang mga detalye sa kasal nina Brandon at Ate Greta ay biglang naitanong ng ina ni Brandon kung saan tutuloy sina Brandon at Ate Greta pagkagaling sa honeymoon ng mga ito. Nagkatinginan naman ang Ate Greta niya at si Brandon saka ngumiti sa isa’t isa. At parang iisang tao lang na sabay pang sumagot ang mga ito.
“We’ll live at Brandon’s house.”
“Sa bahay ko na muna kami titira.”
Agad na napakunot-noo naman ang ina niya at si Dr. Felipe.
“Hindi ba sa studio type apartment ka lang nakatira, Brandon? Hindi ba parang maliit naman yata iyon para sa inyong dalawa? Bakit hindi na lang kayo dito tumira sa bahay namin, Brandon? Malaki naman ang bahay,” malumanay ang tono at kalmado ang anyo ng ina ni Didi. Pero batid ng dalaga ang abot-langit na pagtutol, pagkadismaya at pagakayamot ng ina sa ideyang titira sa isang maliit na apartment ang ate niya. Sa opinyon ng ina nila, para na ring sinabi ni Brandon na ititira nito sa kalsada ang ate niya kung sa isang maliit at ubod ng simpleng studio type apartment lang dadalhin ni Brandon ang ate niya.
“Pansamantala lang naman iyon, Mom. Kasi nakabili na kami ng lupa sa Laguna. Magpapaggawa kami ng sarili naming bahay. Kami mismo ni Brandon ang magde-design ng lahat,” saad ni Ate Greta.
Wala sa loob na napasulyap si Didi kay Lio. Bigla kasi niyang naalala iyong minsang naging usapan nila ng binata noong sila pa. Magkatabi silang nakaupo sa leather sofa sa bahay ni Lio at nanonood ng isang boxing match sa TV. Nang mag-commercial ay ipinakita ang isang ad para sa isang kilalang fashion and style magazine. At sa partikular na issue ng naturang magazine ay pawang tungkol sa mga naglalakihan, elegante at magarbong mansyon ng mga sikat na celebrities. Front page ang bagong tayong bahay ng sikat na sikat na Hollywood actor at dating male model na si Dylan Ashe. Ipinakita sa commercial ang ilang pahina ng magazine na may mga litrato ng napakalaki at napakagandang bagong mansyon ng bagong kasal na aktor.
“Ganyan ang gusto kong ipatayong bahay kapag may sariling pamilya na ako. Well, something like that kasi imposible namang makapagpatayo ako ng eksaktong tulad ng mansyon ni Dylan Ashe. Wala naman akong milyon-milyong halaga na tiyak ginastos nila diyan. Pero gusto ko halos ganyan din ‘yung design ng magiging bahay ko.
“May malaking backyard para sa swimming pool at malaki rin ang garden sa harapan. Gusto ko parang Japanese garden rin ang disenyo ng garden,” nangangarap na komento ni Didi nang ipakita sa TV screen ang exterior ng bahay ni Dylan Ashe at ng asawa nito. Very Asian ang disenyo ng buong mansyon.
Pero ang Japanese garden talaga ang pinaka nagustuhan ni Didi. There are a lot of rocks, sand, little bridges over small ponds, stone lanterns and water basins, garden fences, trees, colorful flowers at fish ponds. Sa gitna ng hardin ay may mga maliliit na estatwa rin ng Buddha. Pero pinaka-paborito niyang parte ng hardin ay ang shishi-odoshi o sozu. Isa iyong uri ng water fountain na gawa sa bamboo tube. At kapag napupuno na ng tubig ang bamboo tube ay umiikot iyon para ibuhos ang lamang tubig sa isang rock basin, dahilan para lumikha iyon ng malakas na ingay kapag tumama sa rock basin.
Umarko ang mga kilay ni Lio at sinulyapan siya na para bang ang sinabi niya ay ang pinaka-imposibleng bagay na mangyayari sa buong mundo.
“I don’t know, hon. I mean, wouldn’t you rather have a huge and modern kitchen rather than a huge and pretty garden? Sa tingin ko kasi ay mas malaki ang magagastos natin sa pagpapaggawa ng Japanese garden mo kaysa sa mismong bahay. And that’s just not practical. Lalo na at natitiyak kong mas madalas kaysa hindi ay sa kitchen ka rin naman maglalagi at hindi sa garden,” mariing ani Lio na may kasama pang pag-iling.
Kunot-noong nilingon niya ang lalaki. Pero sa loob-loob niya ay kinikilig siya nang marinig ang pagsambit ni Lio ng salitang ‘natin’. Sa sinabi kasing iyon ni Lio, parang ipinapahiwatig ng binata na magkasama silang bibili ng lupa at magpapatayo ng bahay.
“Are you saying that since I’m the woman, I should just stay inside the kitchen? That it is ‘my rightful place’?” sabi niya na iminwestra pa ng dalawang kamay ang open and close quotation marks. Pigil na pigil niya ang pagngiti.
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Lio.
“Why do I feel like there’s a trap somewhere in that statement?” sabi ng binata na masusing tinitigan siya.
Painosenteng nginitian at pinapungayan naman niya ito ng mga mata.
“I’m telling you right now, Didi, hindi ako magbubungkal ng lupa kahit na ano pang pagmamaka-awa ang gawin mo. We’ll just get a landscape artist and hire gardeners, okay?”
Nalilitong matamang tinitigan niya ang anyo ng binata. Tinitingnan kung seryoso ba talaga ang lalaki sa sinabi. Seryoso ba ito? Balak nitong bumili sila ng bahay at magpaggawa ng garden na gusto niya? Hindi ba dapat mauna muna ang kasal nila bago ang pagbili ng bahay?!
But then she caught the smirk that he tried to hide from her. Noon niya natuklasan na binibiro lang siya ng binata. Natawa na lang siya at nang magtama ang mga mata nila ay nag-duweto na ang mga halakhak nila.
Pero ang mga sinabing iyon ng binata ay tumatak sa isip ni Didi. Dahil iyon ang araw na umusbong ang pag-asa sa dibdib niya na balang-araw ay titira nga sila ni Lio sa ilalim ng iisang bubong, may hardin man iyon o wala. Pinaniwala siya ng mga salitang iyon ng binata na balang-araw ay magkatulong silang magdidisenyo ng bahay na para sa pamilyang bubuuin nilang dalawa.
Hindi niya alam na hungkag pala ang mga salita ni Lio. Walang ibang ibig sabihin maliban sa nagbibiro lang ang lalaki.