HIS BROTHER

1665 Words
                                                                         Nang iparada ni Lio ang sasakyan niya sa harapan ng bahay niya ay natigilan siya nang makitang naroon ang sasakyan ni Kuya Rhys. Hindi niya inaasahan ang pagbisita ng kapatid. At sa totoo lang, wala siya sa mood na kausapin ang lalaki. He was still thinking about what happened at Didi’s mom’s house a couple of hours ago. Hindi siya sigurado kung tama ba ang ginawa niyang pagpapalabas sa pamilya ni Didi na may relasyon pa rin sila ng dalaga. Hindi lang kasi niya matiis na pakinggan ang pang-iinsulto sa dalaga ng sariling ina nito.          Kahit noong magnobyo pa sila ni Didi, hindi na niya gusto ang klase ng pagtrato ng pamilya ni Didi rito. Parang hindi anak ang trato sa dalaga ng sariling ina nito. Ang problema, ayaw ni Didi kapag sinusubukan niyang komprontahin ang ina at mga kapatid nito. Nagtatalo lang sila kapag ganoon. Pero mas lalo namang hindi niya maaaring hayaan na lang na imaltrato at abusuhin ng pamilya nito sa mismong harapan niya ang dating nobya. Kaya kahit nagtatalo sila ni Didi noon sa tuwing dinidepensahan niya ang dalaga laban sa sariling pamilya nito, hindi niya binabalewala lang ang nasasaksihan niyang maling sitwasyon.          Ipinatay ni Lio ang makina ng kotse niya. Wala man siya sa mood na harapin ang Kuya Rhys niya dahil sa sariling sitwasyong kinasusuungan, hindi rin naman niya maaaring paalisin na lang basta-basta ang kapatid. Lalo pa at mukhang kaunting lakas pa ng ihip ng hangin ay tuluyan nang bibigay ang katinuan ng kapatid niya.          Bumaba siya mula sa sasakyan niya at humakbang palapit kay Kuya Rhys. Dumiretso ng tayo mula sa pagkakasandal sa hood ng kotse nito ang kuya niya. Mukhang mahigit isang linggo nang hindi naliligo at nagpapalit ng damit si Kuya Rhys. Ayon sa mga kapatid niyang sina Ate Lovely at Ivy, sa bahay pa rin ng pamilya nito tumutuloy sina Keisha at Camie. Hindi raw pinayagan ni Kuya Rhys ang mag-ina nito na umalis roon. Sa halip ay si Kuya Rhys raw ang nag-empake ng mga damit at gamit nito. Umupa ito ng isang studio type apartment malapit lang din sa dating bahay nito si Kuya Rhys para araw-araw pa rin nitong makita si Camie.          “Kuya Rhys? Ayos ka lang ba?” kunot-noong tanong ni Lio sa kapatid. Hindi naman ito amoy alak. Mukha lang pagod na pagod at desperado.          Puno ng kapaitan ang ngiting umiling si Kuya Rhys. “Ano sa palagay mo, Lio? Mukha ba akong ayos lang?”          Napabuga ng hangin si Lio. Binunot niya ang susi ng pedestrian gate ng bahay niya. “Halika sa loob.”          “Can I stay here tonight? Ayokong umuwi sa apartment ko ngayong gabi,” sabi ni Kuya Rhys.          Saglit na natigilan siya. Pagkuwan ay walang maggawa na nagkibit-balikat. He’s not an asshole and he can definitely see that his older brother needs someone to talk to tonight. Pero naihiling niyang sana hindi siya ang napili nitong puntahan ngayon. Nariyan naman ang isa pa nilang kapatid na lalaki na si Alex. Hindi kasi siya neutral party sa nangyayari sa relasyon ng kapatid at ng asawa nito. Baka lalo lang makadagdag sa bigat ng loob ng kapatid niya kung malalaman nito na ilang linggo lang ang nakakaraanay sinubukan siyang akitin ng asawa nito. Ayaw niyang maisali na naman ang pangalan niya sa isang love triangle na matagal na niyang inayawan at tinalikuran. Sa malas, pilit pa rin siyang ikinakabit ni Keisha sa gulong ito.          “Sure. Hindi ko nga lang sigurado kung malinis ang guestroom. Doon kasi natulog kagabi si Brandon.”          “It doesn’t matter if it’s clean or not. I just don’t want to go home to my empty apartment tonight. Gusto rin kitang makausap.”          Tumiim ang bagang niya. Saka tipid na tumango. Sa ayaw at sa gusto niya, mukhang maisasali na naman siya sa triyanggulong ito kasama nina Kuya Rhys at Keisha.                                                                                                                                                    Natatawa si Didi sa sintunadong pagkanta ng asisstant manager niyang si Leoniflor. Feeling Adele ang babae na ginawa pang mikropono ang hinuhugasan nitong spatula. Iiling-iling na niyuko niyang muli ang isinasaling mixture sa molder para sa lemon cupcakes na isasalang na niya sa pre-heated na oven. Buti na lang at maganda kahit papaano ang boses ng babae kaya kahit feel na feel nito ang pagko-concert habang hinuhugasan ang mga ginamit nilang baking tools ay hindi sumasakit ang tainga niya sa pakikinig rito.          “Ma’am, ma’am!” ang natatarantang tawag sa kanya ng isa sa mga staff niya na humahangos na pumasok sa loob ng kitchen area ng Sweet Ices Bakeshop. Si Milo ang nag-iisang lalaki sa apat na staff niya at ito rin ang pinakamatagal sa mga tauhan niya. Ang lalaki ang cashier s***h service crew nila.          “Bakit?” nagtatakang tanong niya sa lalaki. Prone to panic si Milo. Kaya kadalasan ay hindi na siya masyadong natataranta sa tuwing ganito ang bungad ng lalaki sa kanya. Kahit maliit na bagay lang kasi ang problema ay parang katapusan na ng mundo kung mag-react at ibalita ni Milo sa kanya. Iyon ang punong rason kung bakit sa halip na ang lalaki ang gawin niyang asisstant manager ng bakeshop niya ay si Leoniflor ang mas pinili niya kahit pa tatlong taong mas nauna si Milo na pumasok sa bakeshop.          “Si Sir Lio, Ma’am, nasa labas!” mataas ang tonong anunsyo ni Milo. Aakalain mo na presidente ng Pilipinas ang dumating na kailangan nilang humandang harapin ang mga Presidential Security Guards na kukwestyon sa police clearance, NBI clearance at kung ano-ano pang security clearances nila.          Pero dahil sa narinig na pangalang binanggit ni Milo ay parang nahawa na rin si Didi sa pagkataranta nito. Agad namang lumapit sa kanya si Leoniflor at kinuha ang bowl na hawak niya. Pero may bakas ng agam-agam sa anyo ng babae. Alam ng staff niya ang tungkol sa naging paghihiwalay nila ni Lio dahil saksi ang mga ito minsang mag-breakdown siya habang naglalagay ng icing sa isang wedding cake. Naalala niya kasi na isa sa mga favorite flavors ni Lio ang chocolate buttermilk cake na nilalagyan niya ng icing. Kaya naman eksaktong nilalagyan niya ng butter cream roses ang cake ay tumulo ang luha niya. Nataranta sina Leoniflor at wala man sa plano niya na ipagtapat sa mga staff niya ang paghihiwalay nila ni Lio ay iyon ang ginawa niya.          Hati ang opinyon nina Milo, Leoniflor at ng dalawa pang staff niya na sina Carmela at Regie. Ang dalawang lalaki na sina Milo at Regie, umaasang magkakabalikan pa sila ni Lio. Pero ang mga babae na sina Leoniflor at Carmela naman ay mas boto na humanap siya agad ng ipapalit kay Lio. Bagay na ikinagulat niya dahil noon ay sina Leoniflor at Carmela ang botong-boto kay Lio bilang boyfriend niya. Samantalang sina Milo at Regie naman ay nagdududa kay Lio.          “Ako na ang magtutuloy nito, Ma’am. Sige na, harapin na ninyo si Sir Lio,” parang labag sa loob ang pagkakasabi niyon ni Leoniflor. At natiyak ni Didi ang kutob niyang iyon sa sumunod na sinabi ni Leoniflor. “Pero kung nandito siya para lang paiyakin na naman kayo, senyasan ninyo lang kami at tatawagan ko agad ang mga kapitbahay kong barako para bumugbog sa kanya.”          May katabi kasing gym ang apartment na inuupahan ni Leoniflor at ang mga barakong tinutukoy nito ay ang mga regular na nagpupunta sa naturang gym. Minsan nang nagawi rito sa bakeshop niya ang ilan samga iyon at talaga namang kahit siya ay napanganga sa naglalakihang muscles ng mga iyon. Pati yata buhok at mga kuko ng tatlong lalaki ay may muscles.          “Ma’am, huwag kayong makinig kay Leoniflor. Manhater iyan kaya gusto niya lahat ng babae matulad sa kanya na walang boyfriend. I’m sure nandito si Sir Lio kasi na-miss niya kayo. Malamang pinagsisisihan na niya ang pakikipaghiwalay sa inyo,” sabat ni Milo na umiling-iling pa kay Leoniflor.          Inirapan naman ni Leoniflor si Milo.          “At paano mo naman nalaman iyon, aber? Sinabi bani Sir Lio iyon sa iyo?!” naghahamong ang tonong ani Leoniflor sa lalaki.          “Hindi.”          “Hindi naman pala eh, kaya shut up ka na lang diyan,” paangil na ani Leoniflor kay Milo na kagyat namang namula ang mukha. May kutob siya na matagal nang may crush si Milo kay Leoniflor pero dahil nga sa tila galit sa lahat ng lalaki na attitude ni Leoniflor.          “Basta, ma’am, senyas lang kayo ha?” sabi ni Leoniflor nang bumaling ulit sa kanya.          “Thanks, Leoniflor, pero sa tingin ko naman hindi na kailangan pang ipabugbog si Lio. May itatanong lang siguro siya tungkol sa wedding preparations nina Ate Greta at Brandon,” medyo natatawang sabi niya.           Pero sa totoo lang, fifty percent ng kabuuan niya ay tutol na harapin ang binata nang mga oras na iyon. Bumunot siya ng malalim na paghinga bago humakbang palabas sa kitchen area ng bakeshop. Ano kayang sadya ni Lio sa kanya? Pinagsisisihan kaya ng lalaki ang pagsasabi sa pamilya niya kagabi na sila na ulit ngayon? Malamang gustong linawin ni Lio sa kanya na ginawa lang ng lalaki iyon para sagipin siya mula sa matinding interogasyon at nakakailang na komento ng pamilya niya. Pero posible ring tama ang binanggit niya kay Leoniflor. Malamang tungkol sa best man at maid of honor duties nila ang dahilan kaya naroon ang binata sa bakeshop niya.          Bago kasi sila umalis sa bahay ng ina niya kagabi ay binigyan sila ni Ate Greta ng listahan ng mga kailangan nilang asikasuhin.          Paglabas niya ng kitchen area ay agad niyang nakita si Lio. Nakaupo ang binata sa paborito nitong mesa sa loob ng bakeshop niya. At agad siyang napakunot-noo nang makita ang hitsura ng binata. Hindi naman nakasimangot o nakakunot-noo ang binata. Masasabi pa nga ng ibang nakakakita rito na mukhang nagpapalipas lang ito ng oras habang humihigop ng kape at nagmamasid sa paligid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD