Tatlong katangian ni Didi ang alam ni Lio na hinding-hindi magbabago abutin man ng ilang libong taon ang lumipas mula nang huli silang magtagpo. Bahagi na iyon ng pagkatao ni Didi. And when they were still together, he used to admire and hate all of those three traits at the same time.
Ang unang katangian ni Didi na hinahangaan at inaayawan niya ay ang pagiging napakamasunurin nito sa rules and regulations. Si Didi iyong tipo ng bata na noong nasa nursery pa lang ay hindi tumatayo mula sa upuan nito nang hindi nagtataas ng kamay para humingi ng permiso sa teacher. Si Didi iyong tipo ng bata na kahit nasa preschool pa lang ay hinding-hindi mo mahuhuli na nagkukulay ng lampas sa linya. At mas lalong hinding-hindi mo makikita ito na kinukulayan ng ibang kulay ang mga drawing sa coloring book nito nang hindi naaayon sa tunay na kulay niyon.
Pangalawang katangian ni Didi ay ang pagiging likas na maalalahanin at maasikaso ng dalaga. She was a natural born nurturer. Ito iyong tipo ng babae na nananisin ng kahit na sinong lalaki na maging ina ng magiging mga anak niya. Ito iyong tipo ng babae na kapag nagkasakit ka ay ipagluluto ka ng soup, aabutan ng gamot, babantayan magdamag hanggang matiyak nito na magaling ka na at sasamahan ka pang magpa-check up sa doktor kung gusto mo.
At pangatlo, napakadaling magpatawad ni Didi. Prime example na ang masamang pagtrato sa dalaga ng pamilya nito na paulit-ulit lang pinapatawad ng dalaga. Not because she does not have any backbone but because her heart was way too soft and loving. Konting manipulasyon lang ng pamilya ng dalaga, konting paawa effect lang ng pamilya nito kapag nararamdaman na ng pamilya nito kapag nararamdaman na ng pamilya nito na lumalayo na ang loob nito at umiiwas sa mga iyon, lalambot na naman ang pusong mamon ni Didi. At muli ay makikipaglapit na naman ang dalaga sa pamilya nito.
Sa tatlong mga katangiang iyon na taglay ng dalaga, ang pangatlo ang pinaka-ayaw niya sa babae. Because he did not like the way her family abused her kind, gentle and forgiving heart. Hindi niya alam na darating pala ang araw na siya rin ay makikinabang sa kalambutan ng puso ng dalaga. Tulad na lang ng inaasahan niya ngayon na mangyari kaya siya narito ngayong hapon sa Sweet Ices Bakeshop.
Matapos ang pag-uusap nila ni Kuya Rhys, isang bagay lang ang awtomatikong pumasok sa isip niya. At iyon ay ang puntahan si Didi at ipaalam sa dalaga ang tungkol sa naging pag-uusap nila ng kapatid niya. Pero madaling-araw na sila natapos mag-usap ni Kuya Rhys. Kaya gustuhin man niyang pumunta sa bahay ni Didi, hindi niya ginawa. Hindi niya maatim na gambalain ang pagtulog ng dalaga para lang mabawasan ang bigat sa dibdib niya at labis na kalituhan sa mga nalaman mula sa kapatid niya.
Pagkatapos niyang umorder ng isang buong chocolate orange cake for take-out at isang black coffee ay umupo siya sa pabilog na two-seater table sa pinakadulong bahagi ng bakeshop. Limang glass-topped tables lang na may tigda-dalawang wooden chairs ang nasa loob ng bakeshop ni Didi. Bibihira naman kasi na nagda-dine in ang mga customers ng dalaga kaya ang mga mesang iyon ay para lang sa mga naghihintay ng mga orders nila at hindi para kainan mismo roon ng customers.
Hindi nagtagal ay lumabas mula sa loob kitchen area si Didi na hula niya ay tinawag ng staff nito nang makita siya ng staff na dumating. Sa dami ng beses ng pagpunta niya rito, kilala na siya ng mga staff ni Didi kaya sa simpleng pagtatanong lang niya kanina kay Milo kung naroon ba si Didi ay hangos nang pumasok sa kitchen ang lalaki para tawagin si Didi.
“Lio? Bakit? Ano’ng nangyari?” ang may pag-aalalang bungad tanong ni Didi nang makalapit ang dalaga sa mesa niya.
Tipid na napangiti siya. Kabisado talaga ni Didi ang hitsura niya kapag may gumugulo sa isip niya. Wala pa man siyang sinasabi sa dalaga ay alam na agad nito na may problema siya.
“Nothing tragic, at least not to me. Please, sit down,” paanyaya niya sa dalaga. Tumayo siya at hinila para rito ang katapat na silya ng silyang inuupuan niya.
Walang pag-aalinlangang umupo naman roon ang dalaga. Bakas sa maamong mukha nito ang pag-aalala. Nakatirintas ang mahabang buhok nito at tulad ng madalas mangyari kapag nakikita niya iyon, nangangati ang mga kamay niya na kalasin ang yellow ribbon na nakatali sa dulo ng tirintas nito. Then he’d use his fingers to unravel her braid by slowly combing them through her hair. And while he was doing that, he’d nibble on her plump bottom lip to taste the sweetness there that was sweeter than any of her cakes.
“Lio? Ano’ng nangyari?” tanong ulit ni Didi.
Bahagyang ipinilig ni Lio ang ulo upang pilit burahin sa isip ang imahe ng magkahugpong nilang mga labi ng dalaga. Malakas na tumikhim siya at nag-iba ng posisyon ng pagkakaupo para medyo lumuwag ang harapan ng pantalon niyang biglang nanikip. Lumingon siya sa direksyon ng counter para maiiwas ang tingin sa dalaga.
“Do you want anything to eat or drink? I’ll order you some---“
“Lio. I own this place. Hindi mo ako kailangang i-order,” ang medyo natawang sabi ni Didi na hinawakan siya sa braso para pigilan siya sa akmang pagtayo niya para pumunta sa counter ng bakeshop.
Medyo napahiyang napangisi siya. Saglit na nawaglit sa isip niya iyon. Mas naunahan kasi siya ng tuwa at kaba sa ipinapakitang pag-aalala ni Didi para sa kanya.
“Oh yeah, sorry, nawala sa isip ko.”
“Ano’ng problema? May masamang nangyari ba? At huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Kitang-kita ko sa hitsura mo na may problema ka. Tell me what’s the problem and maybe I can help you with it.”
Isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan niya. Saka niya sinimulang isalaysay sa dalaga ang tungkol sa paghihiwalay nina Kuya Rhys at Keisha. Maging ang pagpunta ng kapatid niya sa bahay niya kagabi para hingin ang tulong niya upang maisalba nito ang pagsasama nito at ni Keisha. He even told Didi about what Keisha tried to do a few weeks ago.
Alam ni Didi ang tungkol sa nakaraan nila ni Keisha dahil naikwento na iyon ni Ivy rito bago pa maging sila ni Didi. Iyon din nga ang rason kung bakit pormal lagi ang pakikitungo ni Didi kay Keisha sa iilang beses na nagtagpo ang dalawang babae sa mga family affairs na isinasama niya si Didi. Hindi gusto ni Didi si Keisha dahil sa ginawa ng babae sa kanya noon. At mas lalong hindi nagustuhan ni Didi si Keisha nang sa unang beses na nagkakilala ang dalawa ay pailalim na insultuhin ni Keisha ang suot niya at ang bagong gupit na buhok niya nang araw na iyon.
Didi would’ve probably let it pass if Keisha insulted what Didi was wearing or just plainly ang brutally insulted Didi herself. Pero overprotective si Didi sa mga taong mahalaga rito. Kaya labis na hindi nagustuhan ng dalaga ang pang-iinsulto sa kanya ni Keisha. Kaya kahit likas na mainit ang pagtanggap ni Didi sa lahat ng tao, exception to the rule si Keisha. Habang-buhay na raw na magiging nasa listahan ng most disliked persons ni Didi ang babae.
“She tried to seduce you?!” gilalas na sambit ni Didi sa mataas na tono. Pero tila agad naman nitong na-realize ang halos pasigaw na nitong pagsasalita kaya muli rin nitong hininaan ang boses.
Tiim-bagang na tumango lang siya. Hindi rin siya makapaniwala sa ginawang iyon ng dating fiancee at ngayon ay mukhang magiging dating hipag na lang rin niya. Keisha even had the temerity to tell him that now that he and “that fat b***h ex of yours”, which is what she called Didi, are no longer together, it was past time that they got back together again.
Tinawanan lang niya ang babae noong una. Dahil akala niya hindi ito seryoso. Inisip niya na marahil gusto lang ng babae na mang-insulto at mang-inis dahil nalaman nitong nag-break na sila ni Didi. Pero nang bigla siyang yakapin at tangkaing halikan sa mga labi ni Keisha ay saka lang niya na-realize na totoo ngang naniniwala si Keisha na may pag-asa pang magkabalikan sila.
Kinalas niya ang mga braso ni Keisha na nakayapos sa balikat niya at marahas na sinabihan itong umalis sa bahay niya ora mismo. Binalaan pa niya ang babae na kapag sinubukan ulit nitong pumunta sa bahay niya ay tatawagan niya si Kuya Rhys at sasabihin sa kapatid niya ang mga pinaggagagawa ng babae. Nagkibit-balikat lang si Keisha noon na parang balewala lang rito malaman man ng kapatid niya ang ginagawa nito. Kaya pala hindi nag-aalala ang babae dahil binabalak na pala nitong hiwalayan ang kuya niya.
“Sinabi mo ba kay Kuya Rhys ang tungkol roon?” kunot-noong tanong ni Didi sa kanya.
Umiling-iling siya.
“Noong una, gusto ko na sanang sabihin. Lalo na nang hingin niya ang payo ko kung paano raw niya mababawi ang mag-ina niya. I wanted to tell him that Keisha tried to cheat on him. Pero nang bigla na lang siyang magwala at umiyak sa harapan ko, naisip kong huwag na muna iyong banggitin. Lasing siya kagabi. Hindi siya makikinig sa kahit na anong paliwanag ko. Malamang isipin niya pa na kaya nakikipaghiwalay si Keisha sa kanya ay dahil may relasyon kami ni Keisha,” matapat na sagot niya.
Tumango-tango naman si Didi. Sumasang-ayon sa sinabi niya.
“Oo, tama nga iyon. Mas mabuting sabihin mo iyon sa kanya kapag hindi siya lasing para hindi maimpluwensyahan ng alak ang magiging next move niya. I just hope that he will not think that you really are the reason that Keisha wanted to end their marriage.”
“Yeah. Pero kung sakali mang isipin niya nga iyon, nariyan ka naman para suportahan ako at sabihin sa kanya ang totoo.”
“Of course. I believe you. You will never betray your brother no matter what happened in the past between you two. May ibang tao siguro na sasabihing baka pinatulan mo nga si Keisha bilang ganti sa ginawa ni Kuya Rhys sa iyo noon pero hindi ako naniniwala roon.”
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”
“Ha?” takang sambit ni Didi.
“Sasabihin ko kay Kuya Rhys na imposibleng magkaroon kami ni Keisha ng relasyon dahil tayo ang may relasyon, na nagkabalikan na tayo,” aniya sa buong-buong tinig.
Kahit pa ang totoo ay parang may malaking buto ng santol na nakabara sa lalamunan niya at nagpapahirap sa kanyang maayos na makahinga habang hinihintay niya ang magiging reaksyon ni Didi. He did not plan to say that at all. He had an entirely different thing on his mind and it was what he was about to say. Pero parang biglang nagpasya ang subconscious mind niya na makialam sa kasalukuyang eksena kaya mula sa kung saan ay nasabi niya ang mga bagay na iyon. Ang totoo, ngayon lang pumasok sa isip niya ang ideyang iyon. At ngayong lumabas na iyon mula sa bibig niya, wala na siyang planong bawiin iyon.
Nakita niya na natigilan si Didi. Bumakas ang labis na gulat sa anyo ng dalaga. Bahagyang napaawang pa ang mga labi at nanlaki ang mga mata sa hindi pagkapaniwala. Pagkuwan ay agad ring naging blangko ang anyo nito na para bang nais itago sa kanya ang tunay na tumatakbo sa isipan nito.
“I’m not saying we should be back together again just for the sake of making my brother believe I’m innocent in the break-up of his marriage, Didi,” maagap na saad niya na itinaas pa ang dalawang kamay na parang nagpapakalma siya ng isang mabangis na hayop sa gubat. But somehow, that is what he feels he should do especially as he watched the storms gather behind Didi’s beautiful light brown eyes.
“Kung ganoon ay ano eksakto ang gusto mong sabihin, Lio? Na magpapanggap lang ulit tayo na may relasyon sa harapan ni Kuya Rhys tulad ng iginiit mong pagpapanggap natin sa harapan ng pamilya ko?”