Kalmado lang ang tono ni Didi pero dinig ni Lio ang hinanakit at galit na taglay ng bawat salita nito.
“Yes! I mean no?” alanganing tugon niya.
Dahan-dahang tumayo si Didi. Niyuko nito ang naka-box na cake sa harapan niya. Saka dahan-dahang umangat ang tingin sa mukha niya.
Napalunok siya sa kaba. At pinagpawisan sa magkahalong antisipasyon at pangamba sa magiging hakbang ng dalaga. And call him whatever name you want but seeing that banked fury in her eyes also made him hard. He wanted to grab her and kiss her until she turns that raging fury to raging desire.
Of all the women he had kissed and slept with, only Didi made him feel like he was the greatest lover in the whole world. She was the classic cliche about a woman being a lady in the living room and a w***e in the bedroom. In other words, she was a very passionate lover.
Kadalasan ay matagal bago maubusan ng pasensya at tuluyang magalit si Didi. Pero kapag nagalit na ang dalaga, daig pa ng signal number three ng bagyo ang epekto ng galit nito. At ngayon, malinaw niyang nababasa sa anyo ng dalaga ang kagustuhan nitong damputin ang box ng cake na nasa harapan niya at ihampas iyon sa mukha niya hanggang sa masira ang box at madurog ang cake sa loob niyon. Malamang balakin pa nga ng dalaga na ibuhos sa ulo niya ang mainit na kape sa mug niya.
“Do it, honey, I know I deserve it,” mahinang pang-uudyok naman niya sa dalaga nang hindi inaalis ang tingin sa mukha nito.
“But the cake doesn’t deserve to be wasted on an asshole like you. Pero kung hindi ka pa aalis ngayon, malamang matukso ako na tanggapin ang alok ni Leoniflor na ipabugbog ka sa mga kapitbahay niyang bodybuilders,” ang malamig na sabi ni Didi.
Bahagyang napa-arko ang mga kilay niya sa gulat.
“Really? I don’t think you’ll do that, honey.”
“Bakit hindi?”
“Dahil kahit galit ka sa akin, hindi mo pa rin maaatim ipabura sa mundo ang kakisigang ito,” ngisi niya sabay kindat sa dalaga. Bigla ay parang bulang naglaho na lang ang anumang bigat sa dibdib na nadarama niya kanina. Ang pakikipag-usap lang talaga kay Didi, kahit pa nagresulta iyon sa pagkainis ng dalaga sa kanya, ang tanging pumapawi sa anumang gumugulo sa isipan niya.
Pinukol siya ng masamang tingin ni Didi saka ito tumalikod at iniwan siya. Pero sa halip na bumalik sa kitchen area ay sa loob lang ng counter pumwesto ang dalaga. At patuloy na iniismiran siya. Napangisi tuloy siya nang damputin ang coffee mug at humigop ng kape.
But he immediately looked up from his coffee mug nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Johnny na nagmumula sa direksyon ng glass doors ng bakeshop. Noon ay hindi niya maipaliwanag kung gusto ba niya o hindi ang ugali ng lalaking mas bata kaysa sa kanya. Minsan kasi natatawa siya sa pagiging palabiro ni Johnny. Pero kadalasan ay naiirita siya sa tila walang preno at walang pahingang bibig ng lalaki. Napaka-daldal nito. Para bang may quota ito ng bilang ng mga salita na kailangan nitong sabihin araw-araw at hanggat hindi nito naaabot iyon ay hindi ito titigil sa kasasalita.
Noon hindi pa siya sigurado sa opinyon niya sa lalaki. Pero nang lapitan siya ng gago at sabihin sa kanya na gusto nitong i-date si Didi, that is when he finally decided that he did not like the guy. In fact, dislike is too mild to describe his feelings towards the guy. Hate is a much more apt word to describe how he feels about the asshole.
“Hey, Didi babe! Your knight in shining red car is here! Are you ready for your date with the sexiest man alive in the whole wide universe?!” ang malakas na pahayag ni Johnny habang humahakbang patungo sa counter. Wala itong pakialam pagtinginan man ng dalawa pang customers ni Didi na naroon.
Tumiim ang bagang ni Lio. Mahigpit na kumuyom rin ang mga kamao niya. Nangangati ang mga kamao niya na gawing sparring partner sa boxing ring si Johnny. Tingnan lang niya kung maggawa pa ulit ng lalaki na ianunsyo sa lahat ang tungkol sa date nito at ni Didi habang dumudugo ang buong mukha nito dahil sa pagpapa-ulan niya ng suntok roon.
Pero nang makita niya ang maaliwalas na ngiting sumilay sa mga labi ni Didi nang makita si Johnny ay kusang bumaba ang tingin niya sa hawak na coffee mug. Parang mas gusto niyang ibuhos sa ulo niya ang mainit na kapeng laman ng mug kaysa makita ang magiliw na pagtanggap ni Didi sa presensya roon ni Johnny.
“Johnny! Ang aga mo namang dumating? Mamayang seven pa ang usapan natin, ‘di ba?” narinig niyang sabi ni Didi nang lumabas ang dalaga mula sa likod ng counter at salubungin si Johnny.
Lio was sweating bullets as he waited for how Didi will greet Johnny once she was within touching distance of the man. Makikipag-beso-beso lang ba ito sa lalaki tulad ng karaniwang batian ng dalawa? O yayakapin at hahalikan ni Didi ang lalaki na batian ng dalawang taong may malinaw nang unawaan at relasyon?
Muntik siyang mapahiyaw at mapasuntok sa hangin sa labis na tuwa nang magbeso-beso lang ang dalawa.
“Maagang natapos ang rehearsal namin. Kung may gagawin ka pa, hihintayin na lang kita dito,” tugon ni Johnny. Pagkuwan ay iginala ng lalaki ang tingin sa loob ng bakeshop, naghahanap ng uupuan. Bumakas ang gulat sa anyo ng lalaki nang makita siya.
“Lio, my man! Nandito ka pala! Hindi kita agad napansin,” ani Johnny saka muling lumingon kay Didi. “I’ll just sit there with Lio, Didi babe.”
Alanganin ang anyong tumango lang si Didi. Sumulyap sa gawi niya ang dalaga na para bang tinatantiya ang reaksyon niya sa nakita niya.
Gusto ni Lio na paniwalaang kaya niyang kontrolin ang sarili. Gusto niyang isiping hindi siya gagawa ng marahas o bayolenteng aksyon laban kay Johnny kapag magkaharap na naupo sila sa mesang iyon. Pero hindi niya matantiya ang sarili sa mga oras na iyon. Malayo pa man kasi si Johnny ay nangangati na ang mga kamay niyang bigwasan ito. Did the idiot really think that it was okay for them to hang out together when the man wanted to date his girl?!
Dahan-dahang tumayo siya. Agad namang humakbang palapit sa kanya si Didi. Malamang nabasa ng dalaga ang nag-aalimpuyong galit sa mga mata niya.
“Lio, it’s not what you think---“
Marahang inilapat naman ni Lio ang hintuturo sa mga labi ni Didi. Saka niya masuyong nginitian ang dalaga.
“Don’t worry about it. Aalis na ako. See you tomorrow,” aniya sa kaswal na tono na eksaktong kabaligtaran ng nararamdaman niya.
“Tomorrow?”
“Yeah, pupunta tayo sa mga wedding venues na pinagpipilian nina Greta at Brandon para sa kasal nila, hindi ba?” pagpapaalala niya sa dalaga.
“Hindi ko alam iyon.”
“Itinawag ni Brandon sa akin iyon kanina. Siguro mamaya ka pa lang tatawagan ni Greta.”
“Pero hindi ako pwedeng mawala buong araw dito sa bakeshop.”
Nagkibit-balikat siya. Dinampot niya mula sa mesa ang box ng cake na binili niya.
“Well, kung sa tingin mo ay papayag si Greta na hindi ka sumama bukas, go ahead and tell her that. Hindi ka naman niya maipapakulong dahil lang inindiyan mo siya sa importanteng lakad na iyon. She’ll just probably scream at you and accuse you of abandoning her so there’s really nothing to worry about,” pagri-reverse psychology niya sa dalaga.
He felt a little bit mean doing it but all is fair in love and war, right? At ang paghahanda para sa kasal nina Brandon at Greta ang tanging paraan para makasama niyang muli si Didi.
Napabuntung-hininga si Didi.
“So, see you tomorrow?” paniniyak niya.
“Oo, sige na,” halatang labag sa loob na anito.
Pinigilan ni Lio na sumilay ang ngiti niyang puno ng tagumpay.
“Bye, hon,” huling paalam niya sa dalaga.
“Bye, man!” pamamaalam din ni Johnny sa kanya kahit na ni hindi naman niya ito binati noong una pa lang.
At tulad kanina, hindi niya pinansin ang lalaki. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglabas sa bakeshop.
Puno ng pagdududang binalingan ni Didi si Johnny pagka-alis ni Lio.
“Bakit ganoon ang sinabi mo? Ang dating tuloy kay Lio ay may date talaga tayo,” kastigo niya sa binata.
Ang lakad nila mamayang seven o’ clock ng gabi ay hindi naman lakad lang nilang dalawa. Kasama rin nila sina Ivy, Miong, Cocco, Ginji, Drico at Tonio. Manonood kasi sila ng stage play sa PETA. At dahil hindi niya dinala ang kotse niya ngayong araw dahil coding siya, nag-alok si Johnny na isasabay na lang siya papunta sa mall.
Malawak ang ngising umupo si Johnny sa silyang binakante ni Lio. Ginaya pa ng lalaki ang posisyon ng pagkakaupo ni Lio roon kanina. Nakapatong ang mga braso sa mesa habang nakakulong sa pagitan ng mga kamay ang coffee mug nito.
“He’s still madly in love with you, Didi babe. Pustahan tayo anytime soon, luluhod na siya sa harapan mo para magmaka-awang tanggapin mo ulit. Kailangan lang niyang isipin na may kakompentensya siya sa puso mo para bilisan niya ang pagkilos. Kapag nakita niya na hindi ka na naghihintay lang sa isang tabi hanggang sa panahong magdesisyon siyang balikan ka, matataranta siya. Plus, he’d always been annoyed with me so it will really hit him bad if he thinks we’re starting to date.”
Malungkot na napangiti si Didi. “He’s not in love with me, Johnny.”
“Maniwala ka sa akin, Didi babe. He is in love with you. Hindi niya pa nga lang alam iyon. Masyado mo kasing pinadali ang lahat para sa kanya kaya hindi niya inisip na posibleng mawala ka nang tuluyan sa kanya. Ngayong alam na niya ang pakiramdam na wala ka sa tabi niya, magkukumahog na iyon sa pag-amin ng I love you sa iyo.”
“Pero hiwalay na kami, Johnny.”
“Oo nga pero madalas ka pa rin niyang pinupuntahan sa bahay mo under the pretense of sharing custody with a dog. A dog, Didi babe. Gayong kung gugustuhin niya ay pwede naman siyang humanap ng sarili niyang aso. He’s a damn veterinarian!” giit ni Johnny na para bang sigurado ito sa sinasabi.
Wala na siyang naisagot. May punto si Johnny. Pero ayaw niyang buhayin ang pag-asa sa puso. Kaya sa halip na paniwalaan ang binata ay pilit niyang iwinaglit sa isip ang tungkol roon.
But then she realized she was only lying to herself. Dahil labis-labis ang panlulumo niya kinabukasan nang hindi niya makita si Lio. Hindi nakarating ang binata sa unang hotel na nasa listahan nina Ate Greta at Brandon na pinag-isipian ng dalawa na gawing venue ng kasal ng mga ito. Nagkaroon daw kasi ng pasyenteng kailangang operahan si Lio. Isang aso na nasagasaan.
Pero pag-uwi niya mula sa halos maghapong pag-iikot nila nina Ate Greta at Brandon sa hotel ay nakatanggap siya ng text message mula kay Lio. At parang walang break-up na nagganap sa pagitan nila ang paraan nito ng pangungumusta sa naging araw niya. Saglit lang siyang nagdalawang-isip kung sasagutin ang text message ng binata. Nag-reply siya sa text ni Lio at ikinwento kung paanong puros pamimintas sa pinuntahan nilang hotel ang ginawa ni Ate Greta. Ni hindi niya nga maunawaan kung bakit isinama pa ni Ate Greta sa listahan ng possible venues nito ang hotel na iyon gayong pagdating pa lang nila roon ay puros angal at puna na ang ate niya sa hitsura at lokasyon ng hotel.
Pero anumang kapaguran at frustration niya sa nasayang niyang araw ay pinagaan ng pagbibiro ni Lio. Then she also asked him about his day. Walang pag-aalinlangang nagkwento rin naman ang binata tungkol sa matagumpay na operasyong ginawa nito sa nasagasaang aso. Then he ended his message with his usual way of telling her he cares about her.
“Dream of me tonight, honey. ‘Coz I’m sure I’ll be dreaming of you too.”
Mensaheng parang battery booster na nagpahaba sa pa-lowbatt na niyang energy. Kaya naman kahit dapat matutulog na siya matapos ang huling mensaheng iyon ng binata, halos isang oras pa niyang binalikan at binasa ng paulit-ulit ang mga text messages nito. Bakit ba ito ginagawa ni Lio sa kanya? Bakit muli nitong pinapa-asa ang puso niya?