Episode 2

829 Words
Sherry's POV Nagpasiya akong pumunta kila Natie dahil may ibibigay akong invitation para sa kaniya sa aking kaarawa. Malapit na ang debut ko kaya minamadali ko ng ipamigay ang mga invitation. At mayroon rin akong ibibigay na mga chocolate galing kay Papa para kay Natie. Nang malapit na ako sa bahay nila Natie, nakita ko si kuya Axel na nasa harapan ng gate nila. May kausap siya sa kaniyang cell phone. Nakatalikod mula sa kinatatayuan ko. Nang humarap siya nagtago ako sa isang puno upang pakinggan ang pinag-uusapan nila ng kausap niya sa cell phone. "Hey, babe, miss na miss na kita. Kailan ka ba uuwi sa Pilipinas? I love you," narinig kong sabi ni kuya Axel. Sino naman kaya ang babae na tinatawag niyang 'babe.' Napanguso ako. Kung makita ko lang ang babe na iyon ihuhulog ko sa tae ng kalabaw. 'Bakit mo naman ihuhulog? Selos ka?' sabi ng isip ko. Napasimangot ako at nawalan na nang ganang pumunta kila Natie. Ewan ko kung bakit naiinis akong may kausap sa cell phone si kuya Axel tapos mas lalo akong nainis nang marinig kong sinabi niyang i love you sa kausap niya. Tumalikod na ako upang umalis. "Hey, Sherrypot, nandiyan ka pala." Narinig kong sabi ni kuya Axel. Napalingon ako nang marinig ko ang sinabi niyang 'Sherrypot.' Feeling naman niya bata pa ako. Dalaga na kaya ako dahil mag-18 na ako. Nalukot ang aking mukha sa sinabi niya sa akin. Inirapan ko siya. Tinawanan niya lang ako. Kaya sa sobrang inis tuluyan na akong umalis. Narinig kong tinawag niya pa ako ngunit hindi ko na siya pinansin. ***** "May dalaw ka ba Sherry? Wala ka yata sa mood. Ang pagkakaalam ko buang ka. No dull moments sabi nga nila," biro ni Natie. Wala akong panahon sa corny na joke niya. Okay na ang mood nitong isa siguro okay na sila ni tander. Hindi ako natawa sa joke niyang corny. Lalo lang sumama ang pakiramdam ko. Inilabas ko na lang sa bag ko ang pasalubong at invitation na ibibigay ko sana kahapon sa kaniya. Hindi lang natuloy dahil kay kuya Axel. Nakakainis siya! "May dumating na package galing kay Papa. Madami kasing mga chocolate kaya binigyan na kita. Ito pala iyong invitation," ibinigay ko sa kaniya. "Salamat, ha, ang dami nitong chocolate. " Sabi niya. "Hala bakit mo in-erase ang name ni kuya Axel sa ika 18 roses mo," sabi ni Natie ng tingnan niya ang invitation na binigay ko. Sinadya ko iyon kasi nainis ako sa kaniya. May,babe, pa siyangng nalalaman. Hindi naman maganda iyon, mas maganda ako sa kaniya. "Nagbago ang isip ko. Matanda na si kuya Axel para isali ko diyan. Puro millennial ang nasa list, eh. Siya lang ang unang panahon na nasa list. Uugod-ugod na siya," inis na sabi ko. Tiningnan ako ni Natie. "Eh, sino naman ang ipapalit mo, aber? Baka magtampo si kuya kasi pinaghandaan na niay iyon." Nameywang pa si Natie habang sinasabi iyon. Ang sarap niyang sabunutan. Alam niyang wala ako sa mood. Wala akong pakialam kung napaghandaan na niya. Gusto kong mawala siya sa list. "Si Daniel ang ipapalit ko sa 18 roses ko," walang gana kong sabi. Nasabihan ko na siya kaya okay naman na. "Ganon ba? Skala ko maghahanap ka pa ng iba. Ako kumpleto na,eh." Pumangalumbaba pa si Natie. Nakangiti habang nakatingin sa kawalan. Lalong sumama ang timpla ng mood ko. Siguradong si tander na naman ang iniisip niya. Duh, kakainis ang mga matatanda na 'yan - babaero. "O, saan ka pupunta?" tanong ni Natie. "Maghahanap ng lalaki" sigaw na sabi ko. Axel's POV "Natie, bakit hindi mo kasama si Sherry?" tanong ko. Kahapon kasi wala sa mood si Sherry ng makita ko. Biniro ko pa naman, nagalit siguro sa sinabi ko. "Hello, kuya, mas nauna ang bahay nila kaysa sa atin kaya," napakamot ako sa ulo sa sinabi ng kapatid ko. Oo nga naman. Napatingin ako sa sobre na hawak ni Natie. "Ano iyang hawak mo?" tanong ko. "Invitation ni Sherry sa debut niya," sabi niya. Kinuha ko iyon. Napansin ko ang pangalan na mayt erase ng ballpen. It's my name. Pagkakaalam ko nasa listahan ako ng ika 18th roses niya. Bakit naman nawala ako at hindi man lang niya ako in-inform. "Natie, bakit na-erase ang name ko dito sa invitation ni Sherry?" tanong ko sa kapatid. Napatingin siya sa akin habang kumakain ng chocolate. "Ah, 'yan ba. Sabi ni Sherry matanda ka na raw para isali pa sa ika-18th roses niya kaya inalis ka niya. Saka uugod-ugod ka na raw. Don't worry, kuya, may kapalit ka naman na." Sabi ni Natie. Napakunot ako ng aking noo. Nainis ako sa sinabi niyang uugod-ugod. What the f*ck! Ganoon na ba ako katanda para sabihing uugod-ugod? Bakit naman gagawin ni Sherry iyon? Siya nga itong pilit ng pilit sa akin na isali ako sa ika -18th roses niya. Tapos tatanggaling niya lang ako nang walang pasabi? Napatawa ko at napailing. May pagka-praning rin ang batang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD