Episode 3

1122 Words
Sherry's POV Namasyal ako kasama ni Daniel at iba pa naming mga kaibigan sa mall. Hindi sumama si Natie dahil may gagawin pa raw siyang ibang bagay. Alam ko namang makikipag-usap na naman iyon kay tander. habang naglalakad nagtatawanan kami dahil sa mga biro ng mga kaibigan ko. Dahil nagbibiruan kami hindi maiwasang hampsin si Daniel sa kaniyang balikat. Nagulat ako nang may biglang sumulpot sa harapan namin ni Daniel. Walang iba kung hindi si kuya Axel. Nakatingin ito sa akin at ngumiti. "Hi, Sherrypot," napasimangot ako dahil sa tawag niya sa akin. Parang gusto kong manapak ng matanda ngayon. Napatingin sa akin ang mga kasama ko. Para silang matatawa dahil sa tawag sa akin ni Kuya Axel. Sinamaan ko sila ng tingin kaya hindi nila ako tinawanan. Pinauna ko na muna ang mga kaibigan ko. Para magtuos kami nitong matandang ito. "Hindi Sherrypot ang pangalan ko. Sherry nga!" pinandilatan ko siya ng mga mata. "Ang sungit naman nito. Gusto mo ilibre kita? Bagong sahod ako ngayon, gusto mo ba?" tumaas baba pa ang kilay niya na lalong nagpainis sa akin. "Huwag na, kuya, may kasama ako. Ilibre mo na lang ang babe mo," sabi ko. Gulat ang reaction niya sa sinabi kong babe. "A-Anong babe sinasabi mo?" napa-makeface pa ako sa kaniya. "Narinig kita kahapon na may kausap. Babe nga tawag mo. Duh!" sabi ko tapos inirapan ko siya. " Ah, iyon ba? Babe, talaga pangalan niyon." Ako pa talaga lolokohin nitong matanda na ito. "Kuya Axel, bumenta na ang mga palusot mo, hindi mo ako maloloko. Nag -i love you ka pa nga sa babae. Paanong hindi naman kaibigan lang ang turingan nyo." Ngumiwi ako kasi nairita ako sa I love you na word. Ang pabebe lang pakinggan. Napabuntong hininga siya at tumingin sa akin. "Okay, she is my girlfriend." Pag-amin niya. Nanlaki ang aking mga mata at parang may kumirot sa puso ko. Alam mo iyong para kang naluging pakiramdam. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking dalawa mga kamay. Napatingin ako roon. Biglang nagrambulan ang pintig ng puso ko dahil sa pagkakadaiti ng aming mga palad. Umangat ang tingin ko sa kaniyang mukha na nakatitig sa mga mata ko. "Please, Sherry, promise me not to tell this to anyone, especially to Natie. H-Hindi pa kasi nila alam na may girlfriend na ako." tiningnan niya ako sa nagsusumamong tingin. Wow, huh, umi-english si Kuya Axel. Pinatulis ko ang aking nguso at pumaling sa kabila. Tumingin ako sa ibang direction. Let me think of this. "Kahit naman ganito ako hindi naman ako sumbongera," parang gusto kong matawa sa sinabi kong hindi ako sumbungera. 'Hindi nga ba't lagi kang nagsusumbong sa kanya kapag may ginagawa si Natie.' Sabi ng isip ko. Napatawa ng mahina si Kuya Axel. Hindi kasi siya convince sa sinabi ko. 'Oo na ikaw na Kuya.' Sigaw ng isip ko. "I know you, Sherry." Napapailing pa siya. "Bakit ka ba english ng english hindi ka naman kano. Hindi mo bagay Koya. Siguro englishera 'yang syota mo." Napatirik ako ng mga mata. Bugbugin ko iyon babaeng iyon makita niya. "Just promise me, Sherry," pagsusumamo niyang sabi sa akin. "Okay fine! 'Promise promise pang nalalaman nito'," ibinulong ko na lamang ang huli kong sinabi. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Bahagya ko siyang itinulak. Ang awkward kasi na niyayakap niya ako, hindi ako sanay. Naiinis pa rin ako sa kaniya dahil nalaman kong nobya niya pala ang tinawag niyang babe. Bakit ko ba nararamdaman ang inis sa kaniya. Ano ko ba si kuya Axel. Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita, tinalikuran ko na siya agad. He called my name but I never look back. 'Aba, Sherry umi-english ka na rin.' Anang isip ko. ***** "Bakit ang tagal mo naman, Sherrypot," biro sa akin ni Daniel nang puntahan ko sila sa isang fastfood chain. Natatawa pa nga siya sa itsura ko. Sa inis ko sinapak ko siya ng mahina sa balikat. "Aw. . . Ang sakit nun, ah!" reklamo niya. Kasalanan naman niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at inambaan ko ng suntok. "Sherry, nga ang name ko, tandaan mo 'yan," sabi ko na may nagbabanta sa aking mga tingin. "Okay, Sherry, I will remember," Ngumiti siya. Isa din ito english ng english. Ano na ba nangyayari sa mundo. OA na sabi ko. Tumingin ako kay Daniel hindi maikakailang guwapo din ito. Tumangkad na nga ito. Umupo ako sa tabi nito at pumangalumbaba. Napatingin sa akin si Daniel. "Oh, ano naman ang problema mo? Kanina lang ang saya-saya mo pa. Kinausap ka lang nung Kuya ni Natie nagkaganyan ka na." Sabi nito. "Wala ito may iba lang akong iniisip." Pagsisinungaling ko. Inakbayan niya ako. "Alam mo kung ako sa iyo, sabihin mo na 'yang sinisinta mong purorot sa Kuya ni Natie." Nabigla naman ako sa sinabi ni Daniel. Bakit alam niya? Nagkunwari akong hindi iyon ang nasa isip ko. Pero iyon naman talaga nasa isip ko. Hays. "Luh, wala akong gusto doon. Hindi ko iyon type! Matanda na siya para sa akin." Sabi ko sabay hampas kaniyang balikat. "Ouch. . . Sherry, nakakarami ka na! Baka naman ako ang crush mo?" sabay kindat sa akin. Napamakeface ako sa kaniya. "Utot mo blue," sabi ko. Nagkatawanan na lang kami. Nagulat ako nang biglang may umupo sa aking tabi. Napatingin ako sa gilid ko. Bakit ano'ng ginagawa ng tander na 'to? Napangisi sa akin pagkatapo inakbayan niya ako. Napaurong si Daniel sa pagkakaupo sa tabi ko. Inalis ko ang kaniyang kamay na umakbay sa aking balikat. "Ano'ng ginagawa mo dito, Kuya?" tanong ko na hindi nakatingin sa kaniya. "Umm. . . Sherry, alis muna kami. Magkita na lang tayo sa archade," sabi ni Daniel. "Subukan mong umalis matatamaan ka sa akin." Pagbabanta ko sa kaniya kaya bumalik mula sa pagkakaupo si Daniel. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. "Huwag niyo ng hintayin si Sherry, may pupuntahan kami," sabi ni kuya Axe. Hinila niya ako kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo. Iwinaksi ko ang braso ko pero hindi niya ito binitawan. "Kuya Axel, let me go!" 'hala, bakit ba umi-english ka na Sherry.' Sabi ng isip ko. Napahinto si Kuya Axel sa paglalakad at humarap sa akin. Magkasalubong na ang kaniyang mga kilay. Ibinaling ko sa iba ang aking tingin. Para kasing naakit ako sa mga mata niya. "Bakit ba palagi mong kasama si Daniel na iyan?" inis na sabi niya. "Ano naman masama doon! Boyfriend ko ang tao natural lagi kami magkasama!" singhal ko sa kaniya. Ayoko sanang magsinungaling kasi naiinis ako sa kaniya. Saka siguro dahil natamaan ang ego ko sa nalaman kong may girlfriend na siya. Para patas sasabihin ko rin na may nobyo na ako. Gulat ang reaction niya sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD