TINAPAY
Wala akong nagawa kung hindi ang lumuhod at magmakaawa na tama na sa tuwing lumalapat sa aking balat ang latigong humahampas sa aking likod.
Hindi niya ako tinatantanan hanggang hindi magsugat-sugat ang likod ko. Kung kaya patuloy na lang sa pag-agos ang aking mga luha sa pisngi.
“Ang tigas talaga ng ulo mo! Hindi ba’t sinabi ko sa ‘yo na unahin mo ang pangapangalakal ng basura para may pera ako! Pero ano’ng ginagawa mo. Kung saan-saan ka pa pumupunta!” Galit na sigaw ng aking Inay.
“Pumunta lang po ako sa classmate ko, para po gumawa ng assignment. Hindi ko po akalain na magtatagal pala ako roon,” paliwanag ko sa aking Ina.
“Nangangatwiran ka pang bata ka, ha!” Sigaw nito at walang humpay ang paglatigo nito sa aking likod.
“Tama na po, Inay,” pagmamakaawa ko ngunit para ‘tong bingi na walang naririnig at walang pakialam sa akin.
Mayamaya pa ay naramdaman kong basa ang aking likod, kasunod ang pagtulo ng dugo. Mas lalong humapdi ang likod ko.
“Siguro naman ngayon ay magtatanda ka na! Lumayas ka ngayon din! At huwag na huwag kang babalik hanggang wala kang nadadalang pera sa akin. Naiintindihan mo, Ajazee?!”
“O-Opo, Inay,” sagot ko agad at kahit sobrang sakit ng likod ko ay pinilit kong maglakad at tumakbo palabas ng bahay namin.
Sa paglabas ko ng bahay ay agad din akong kumuha ng damit sa sampayan at paika-ika akong naglakad saka umupo sa upuan.
“Ajazee, okay ka lang ba? Hala..” Tanong sa akin ni Beth at nakikita ko sa mukha nito ang pag-aalala sa akin.
“Okay lang ako. May kasalanan din kasi ako. Kaya gano’n na namam si Inay sa akin.”
“Halika, pumasok ka rito sa bahay namin. Gamutin natin ‘yang mga sugat mo,” pagyaya pa nito sa akin kung kaya agad akong naglakad at pumasok sa bahay nila.
“Kahit na kasalan mo pa. Hindi ka dapat sinasaktan ng Inag mo,” naaawang saad ni Beth sa akin.
“Huwag kang mag-alala. Sanay naman na ako, kapag wala akong dalang pera galing sa pangangalakal ko ay galit na galit sina Inay at itay sa akin.”
“Minsan ba naiisip mo rin kung talagang anak ka nila? Kasi hindi na makatarungan ang ginagawa nila sa ‘yo. Baka nga hindi ka nila tunay na anak, Ajazee!”
Matagal ako bago nagsalita. Alam kong hindi ako anak nila Ina at Itay. Ngunit hindi ko ‘yon sinasabi kay Beth, dahil nahihiya ako.
“Oo, anak nila, minsan naman ay mabait sila sa akin,” tanging nasabi ko na lamang. Saka ayaw kong sumagot sa aking kinagisnang magulang dahil kahit papaano ay may utang na loob ako sa kanila.
“Ajazee, ano kaya kung umalis ka na lang sa inyo. Tutal lagi ka naman nilang pinagmamalupitan, minsan naman ang Itay mo, kapag walang pambili ng alak, sasaktan ka rin nila,” anas ni Beth sa akin.
“Saan naman ako pupunta? Eh, wala naman akong ibang pupuntahan. Saka kapag umalis ako. Baka mapat*y na nila ako kapag nakita nila ako,” pagsabi ko sa kanya ng katotohanan.
Narinig ko ang buntonghininga ng aking kaibigan, hindi na rin ito nangulit sa akin. Saka hindi ko kayang iwan sina Inag at Itay. Kawawa naman sila.
Tumingin ako sa aking kaibigan at nagpasalamat sa tulong nito na gamutin ang aking sugat. Agad na rin aking nagpaalam dito para simulan ang pangangalakal ng basura. Bago umlis ay muli akong bumalik sa bahay namin para kuhanin ang sako. Halos magkapitbahay lamang kami nina Beth, kaya naririnig nito kapag sinasaktan ako nina Inay at Itay.
Malayo-layo na ang nilalakad ko nang marinig ko ang boses ni Beth at tinatawag ang pangalan ko. Agad akong huminto at tumingin sa akin kaibigan.
“Alam kong hindi ka pa kumakain, Ajazee, kuhanin mo ang tinapay na ito.” Sabay apot sa akin ni Beth. Nang makita ko ang tinapay ay talagang nakaramdam ako ng gutom.
“Maraming salamat sa tinapay, Beth. Kanina pa ako hindi kumakain,” anas ko sa aking kaibigan. May inabot din itong tubig na nakalagay sa isang plastik bag.
“Pasensiya ka na, Ajazee, wala kasing lagayan ng tubig sa bahay kaya rito ko na lang inilagay.”
“Ayos lang Beth. Malaking tulong ito sa akin.”
Bago umalis sa aking harapan si Beth ay panay ang bilin nito na mag-iingat ako sa aking pupuntahan. Mabuti na lang ay may kaibigan ako na palaging nandiyan sa lahat ng oras kapag lugmok na lugmok na ako.
Muli akong nagpatuloy sa paglalakad dito sa gilid ng kalsada at isa-isa kong kinakalkal ang mga basurang nakatambak. Doon nga ay nakakita ako ng mga lata na walang laman, mga plastic bottle at mga dyaryo. Kung kaya agad kong isinilid sa dala kong sako.
Sana’y na sa sanay na ako sa ganitong trabaho ko. Lalo na kapag walang pasok ay maghapon ako sa kalye. Naisip ko din na rito na yata ako mamamatay. Ngunit sabi nga nila habang may buhay ay may pag-asa.
“Ang kailangan kong isipin ngayona ay kailangan kong makarami ng pera upang matuwa sa akin si Inay at Itay.
Mga bandang hapon at marami-rami na rin ang laman ng sako kong dala-dala nang may biglang humila. Agad akong tumingin sa babaeng mangangalakal din. Hawak na nito ang aking sako.
“Akin ‘yan! Ibigay mo iyan sa akin!” halos maiyak ako habang kinukuha ang aking sako rito.
“Ops! Sa ‘yo ba ‘to? Pero wala namang pangalan, ‘di ba? Ang ibig sabihin ay para sa lahat ito!” sarcastic na wika ng babae sa akin. Walang habas nitong ibinato sa akin ang kanyang sako na walang laman kahit isa.
“Ibalik mo na sa akin, please. Pinaghirapan ko ‘yan,” pagmamakaawa ko rito, ngunit imbes na ibalik niya sa akin ay agad pa ‘tong tumakbo palayo.
Agad ko naman siyang hinabol at nakita kong sumuong siya sa isang iskinita.
“Nakakainis!” bulalas ko at talagang napaluha na lamang ako. Muli kong nakita ang babaeng kumuha ng mga kalakal ko. Nakangisi ito sa akin.
“Ibalik niyo na sa akin iyan. Kailangan ko ‘yan!” muling pakiusap ko sa babae.
“Gusto mong kunin? Sige, pero dadaan ka muna sa akin,” saad ng babae sa akin na nag-aamok ng away.
Masakit na ang likod ko dahil sa latigo. Pero wala akong magagawa kung hindi ang labanan sila. Dahil kapag hindi ko nakuha ang kalakal ko. Baka hindi ako makapasok bukas sa school. Palagi akong absent sa school, tumamda na ako sa 2nd year high dahil sa pag-absent ko. Bukas ay 18 years old na rin ako. Kaya pinagtatawanan na ako sa mga studyente na matanda na raw.
Muli akong tumingin sa babaeng kumuha ng kalakal ko, hindi na siya nag-iisa, kasama na nito ang mga kaibigan nito sa kalye na bully rin at mga magnanakaw.
Kahit nag-iisa ay talagang nilakasan ko ang aking loob. Agad akong naghanda kahit ang totoo ay wala akong laban sa kanila. Mayamaya pa ay mabilis na kumilos ang babae at sinipa ako sa tiyan. Kung kaya napa-atras ako.
Hanggang sa nahawakan niya ang buhok ko. Kahit papaano ay may lakas pa ako dahil hindi ako gutom. Kaya pinilit kong abutin ang buhok niya at mabilis na hinila. Tinadyakan ko rin ang tiyan niya. Hindi ako nakontento at tinadyakan ko naman ang paa niya. Dahilan para mapaupo siya sa lupa.
Nang sasampalin ko na sana siya ay may humila ng dalawang kamay ko. Iyon pala ang dalawang kasama nito at pinagtulugan akong bugbugin.
Bigla namang nahulog ang tinapay na binigay sa akin ni Beth. Nagtira talaga ako ng kalahati para may kakainin ako mamayang gabi.
“Uy, may tinapay, ah!” Biglang sabi ng babae kumuha ng kalakal ko. Maliksi nitong kinuha ang tinapay sa lupa.
“Akin na ‘yan! Tinapay ko ‘yan!” sigaw ko sa babae. Ngunit ngumisi lamang ito sa akin.
Hindi naman ako nakagalaw dahil hawak-hawak pa rin ng dalawang babae ang magkabilaang kamay ko at pinaluhod ako sa lupa.
“Tinapay mo ‘to? Sige, bibigyan kita. Tutal patay gutom ka naman,” anas ng babaeng kumuha ng kalakal ko. Hindi ko alam kung ano’ng pangalan nito, ngunit ito ang number one magnanakaw rito sa kalye.
Pumilas ito ng kaunting tinapay at agad na hinagis sa lupa. Inutos nito na gamit ang bibig ko ay kuhanin ko ang tinapay. Magkakasunod akong umiling.
Ngunit may pagkademonyo ang babae. Inutos nito sa mga kaibigan nitong may hawak sa akin na idiin ako sa lupa. Malakas silang nagtawanan nang tuluyan lumapat ang mukha ko sa lupa.
“Kainin mo na ang tinapay! Sayang ‘yan!” Malakas na sigaw ng babaeng kumuha ng kalakal ko. Naramdaman kong umagos ang luha sa mga mata ko.