See you...
Siya iyong babae kanina. Nang makalapit na iyong lalaki ay agad silang pumasok sa sasakyan nito at umalis. Masasabi kong bagay sila. Buti nalang at nag o-order pa si Tara dito. At hindi niya iyon napansin dahil alam ko kung ano na naman ang mangyayari pag-nagkataon.
Tumunog ulit ang cellphone ko hudyat na may minsahe na naman. Binasa ko iyon ng palihim. Uminit ang pisnge kong nabasa ang mga minsahe niya.
Troy:
Pwede ba kitang makita?
Troy:
Where are you? Bakit hindi ka nagre-reply?
Troy:
Can... I call you now? Or, meet you? Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa pagtu-tutor mo. I'm interested.
May tumikhim sa likod kong nagpalingon sa akin. Ibinaba ko agad ang hawak na cellphone at inilagay iyon sa aking kanang bulsa.
"Miss o-order ka ba? Kanina ka pa kasing nakatunganga at mataas pa ang pila dito sa likod." Said the old woman in a red bunny ribbon and she smirked at me.
Umalis ako sa kinatayuan ko ng nasa gilid na si Tara at Maggy na naghahanap ng mauupuan. Bahagya akong nahiya.
"S-sorry..." I said in a apologetic tone.
Umirap iyong matandang babae sa akin. Nahiya ako at umalis doon. Pumunta ako kila Tara na ngayon ay may katabi na.
"Hey!" bati ni Joe at Paul sa akin. Tumango ako at ngumiti sakanila.
Umupo ako sa katabing upuan ni Tara at Joe. Iyon nalang ang available. Nasa gitna nila ako. Nagkibit balikat ako at umayos ng upo. Sometimes, Joe's eyes lit up and smiled at me. Itinikom ko na lamang ang bibig.
"Saan ka nagsusuot?" tinaasan ako ng kilay ni Maggy.
"C.r" I lied.
Dahil awkward kung sasabihin kong nakatunganga ako habang nagbabasa ng text galing kay Troy! Baka dumugin lang nila ako ng mga tanong at ako ang maging sintro ng usapan! I don't like the idea of being a center of attraction!
I sighed and grab the one slice of pizza. I froze when Joe cleared his throat.
"Hmm, so... kailan ang first sched ng pag-gigym mo?" Joe asked. While Paul cough. Na tila sinasadya niya iyon.
My two brows arched. Lumingon ako sakanya habang hawak iyong pizza'ng naudlot na isusubo ko sana. Binitiwan ko iyon at nagsalita. "Every Saturday and Sunday 8-3" sabi ko. At uminom ng ice tea.
"Well, not bad. Palagi ako doon, yan. Pwede din kitang turuan kung papayagan mo ako..." nakangiting sabi nito sa akin.
Nalito pa ako nong una ngunit nakuha ko din ng nagsalita si Maggy. "He's a professional too. Kilala iyan sa mabini... So, wala kang dapat ipangamba. Siguro ay sasabay kami ni Tara, Dana sa sched mo masyadong strict iyong mga prof. ko kanina. I think magiging hectic iyong klase sa mga susunod na mga araw." ani Maggy na bumaling ang atensyon kay Tara. Titinging hindi kay Paul.
Naningkit ang mga mata kong kinuha ulit ang pizza. I smiled when I bite it.
"Great. Okay, yanny." ani Tara at kumagat noong pizza. Habang Nakatingin sa akin. "Lost your weight, don't bite much." she lil bit laughed.
Binilog ko ang mga mata. Umirap din kapagkuwan.
"Saan kayo pagkatapos nito?" Joe's asked us. Ngunit sa akin na naman nakabaling ang tingin nito.
"Look up and down. Stop staring at me." Hindi ko napigilang sabihin.
Siniko ako ni Tara. Umisnab lang ako at Umiwas ako ng tingin. Joe and Paul cough and cleared their throat. Sinubukan kong kainin iyong natitirang pizza. But someone touch my right hands.
"Enough," Maggy said. Nakangisi ito habang inaagaw sa akin ang pizza na hawak ko na.
"House... lang ako mamaya." si Maggy iyon.
Kumunot ang noo ko at Nagka-tinginan kami ni Tara. At bumaling sakanya.
"Diba may lakad ka mam---" tinakpan niya iyong bibig ko na naudlot sa pagsasalita.
May tumikhim sa tabi niya. It's Paul. And his two brows arched at Maggy's pale face.
"Really?" Umayos siya ng upo at pumalumbaba sa harapan ni Maggy.
Mukhang naiinis ang kaibigan ko kay Paul. Umiwas nalang siya ng tingin at binaliwala si Paul. Nakita kong ngumiti ito. Ngunit hindi iyon napansin ni Maggy. I think may problema ang dalawang ito.
I'm not envy but, hindi ko maiwasang itanggi sa sarili na naiisip ko din ang text ni Troy sa akin kanina. Wala akong sinabing iba, kung ano ang nakita ko ay gusto ko na lamang iwaksi sa isipan. Troy Montenegro is very hard to catch. I am nothing compared to Samantha.
Ang makitang hinalikan nito si Troy sa public place at hindi tumanggi ibig sabihin ay sila. But Troy said, wala iyon. Hmm, mukhang hindi mawawala ang Playboy sa kahit saang panig ng mundo o, kahit sa southern.
"Uhm... Ako din naman e, Sa bahay lang din mamaya. Mag-dedesign ako ng bago and paint. Mukhang maganda iyong art na nakikita ko ngayon."
Siniko ko si Tara. At nakuha ko naman ang atensyon nito. Ngumisi lang siya ng kinunot ko ang noo ko at umiling. Alam kong nambabasag na naman ang isang ito.
Marahil ay nakuha niya ang ibig kong sabihin kung kaya't tumahimik nalang din siya.
Tumikhim si Joe na nakuha ulit ang atensyon namin. Sa kay Paul siya bumaling at nagsalita.
"Saan nga ulit gaganapin iyong birthday party ni Troy? Corny, huh?" he laughed at what he said. "Two weeks nalang,"
Pumintig ang tainga'ng narinig ang pangalan ni Troy. Palihim kong sinapo ang pusong bigla nalang din kinabahan.
Tumawa si Paul doon at sinagot si Joe. "Hindi nga ako updated, dude. I think si Tita Helen mukhang may pinaplano iyon. But Troy? Nah... Do you think magugustuhan niya iyon? Kilala mo siya, hindi ba?"
Tumatango si Joe habang sinasabi ni Paul iyon. Malapit na pala ang birthday niya.... So... Ilang taon na kaya siya? Gusto kong magtanong ngunit pinipigilan ko. May nararamdaman akong kakaiba sa sarili ko tuwing binabanggit ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ano iyon. Pero talagang naguguluhan ako.
"Talaga? Ilang taon na siya?" Naisatinig ni Tara ang gusto kong itanong.
"23." ani Paul. Siya ang sumagot.
"Woah! Mukhang hindi halata..." pumalatak si Maggy habang tumatawa.
Baliw na ang isang ito.
"Oo. Iba kasi ang isang Montenegro... diba?" ani Tara na habang naniningkit ang mga mata sa akin.
Napaubo ako ng wala sa oras. Muntikan pang tumilapon iyong pagkain. I don't get her sometimes. Inaasar ako ng lukaret na ito. Uminit ang pisnge ko doon dahil sa sinabi niya.
Inabutan ako ng tissue ni Joe at kinuha ko iyon sa kanang kamay niya.
I smiled. "Thanks..."
Ngumiti din siya at tumango.
Ilang sandali ng may lumapit kay Paul na nakaputing unipormeng lalaki na may malaki ang pangangatawan. Agad itong nakita ni Paul. Mukhang body guard ito dahil nadin sa ayos at tindig niya.
May binubulong ito sakanya. Mukhang importante ang bawat binibigkas nito. Kumunot ang noo ni Paul at siyaka tumayo. At bumaling sa amin.
"Hey, Mauuna na ako sa inyo. May importante lang na gagawin." seryusong sabi nito.
Tumingin siya kay Maggy at aambang lumapit ngunit pinigilan niya ang sarili. May binulong ulit iyong mukhang body guard na mukhang may napagtantong mali. Tumango-tango lang si Paul habang nakatingin sa amin.
Kumunot ang noo ni Tara sakanya. Maggy sighed and closed her eyes tightly.
"Go." Sabi ng kaibigan ko.
Tumayo ang kaibigan ko at siyaka lumakad patungong banyo.
"Okay... Huwag kang umalis kung wala ako." iyon lang at umalis na sila ng nagmamadali.
Hindi ko na iyon kinwesyon kay Tara o, Maggy ng makalabas na kami. Umalis din si Joe pagkatapos ng tawagan siya ng kapatid niyang si Tin na magpapahatid ito sa school niya.
Umalis kami ni Tara. Ngunit hindi na sumama si Maggy dahil may pupuntahan pa daw ito. Marahil ay iyong party na sinasabi niya.
Day passed, I'm always checking at my schedule. Palaging tinatawagan ang pamilya ko sa batangas at buong mag-hapon na inaabala ang sarili sa loob ng aking apartment.
Now a days, kung wala kang kaibigan hindi magiging kumpleto ang araw mo. But sometimes, kapag mag-isa ka nalang you'll realized that life isn't easy. And after that, you're scared and die for wishing in so many things na gusto mong makuha na kahit wala sila. Nanatili ang pride sa sarili mo kahit wala ang tulong nila. Pero pagkatapos non ay ang lungkot din na tila hihiwa sayo.
Life is like a wishing well, tulad ng pamilya mong doon ka palaging humuhugot ng lakas. Umaasa na doon mo nakukuha din ang lakas.
Life is too short and very unfair. Your weakness is your enemy. Kung wala ang pamilya mo hindi mo kayang abutin ang gusto mo. Tulad ng pagpapahalaga ng kaibigan mo sayo. You're sick of trying. Sick of thinking in so many difficult things. Things that you can't prepare and solve.
"May gagawin ka ba the next day?" Tanong ni Tara sa akin ng makalabas nakami ng apartment ko.
Nandito siya ngayon tulad ng dati. Dalawang linggo na simula nong bagong pasukan.
"Nope. Tulad dati... gym lang tuwing Saturday and Sunday." sagot ko.
Ngumiwi siya. Alam ko na naman ang iniisip nito umiling nalang ako.
Naging abala na ako sa pag-gigym tulad ng nasa schedule na kinuha ko. Kasama ko palagi si Maggy at minsan naman ay si Tara. Naging busy ang bawat isa sa amin nitong nakaraang araw. Mas better na ngayon ang body figure ko kahit paano may nabawas na timbang. Natutunan ko nadin ang mag-diet base sa gusto ng mga praning kong kaibigan. Hindi ko maikakailang chubby nga ako. But it's a normal size para sa akin.
Even though, hindi para sa mga kaibigan ko. Umuwe si Dana at iyon ang nabalitaan ko. Mailap siya ngayon minsan okay at minsan naman ay hindi. Palagi siyang umiiwas kapag na pag-uusapan ang bakasyon nila ng pamilya niya sa Palawan. Mukhang marami itong dala pag-uwe. Problematic.
Dumating ang araw ng lunes ay naging abala ako. Nasa library ako ngayon at abala sa paghahanap ng librong pwede kong magamit sa group study.
May tumikhim sa likod ko. Nagulat pa ako ng bumaling ako sa kung sino ang nasa likod at nakita ko ang mga mata niyang diritso lang ang titig sa akin.
Bumilis ang t***k ng aking puso. Hindi na tila normal ang t***k niyon. As the case of my heart, hindi tamang tumibok iyon ng ganoon kabilis kung walang rason.
Anong ginagawa niya dito? Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa.
"Pwede ba kitang imbitahan..." anito.
Bahagya akong natigil at nilingon siya ulit. Titig na Titig parin ang tingin niya sa akin. Una siyang umiwas at bumuntong hininga. Nakuha namin ang ibang atensyon ng mga freshmen sa loob. Kinakabahang iniwas ko ang tingin. I heard him sighed again. And my heart won't stop beating so fast, case number is a rare. I don't want to be fall.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Ipinilig din ang aking iniisip.
"It's okay if you don't want..." he whispered. Habang ang kanang kamay ay nakatukod sa lamesang katabi ko.
Lumambot ang tuhod kong umiwas. "W-why... are you here?" Tanong ko kahit panay ang kaba ng dibdib ko. "Anong sinasabi mo?"
Why I feel this?
"Wala pa ang prof. ko... Naimbitahan ko na ang mga kasama mo. Sasama ka ba sakanila?"
I don't get him. What his point?
"Bakit? Anong Meron?"
Nagtataka ako dahil hindi ko alam kung ano iyong tinutukoy niya.
"It's my birthday... tomorrow."
Nagulat ako doon. Ngayon ko lang ulit naalala na mag-bibirthday pala siya. Naikwento iyon ni Paul last week. Bukas na pala iyon. And I'm surprised that he's inviting me to come.
Kumunot ang noo niya ng wala parin akong response. Aamba siyang aalis ng magsalita ako.
"Okay... Pupunta ako." Gusto kong ngumiti sa harap niya at magsisigaw sa pag-iimbita niya. Pero hindi ko iyon magawa dahil nandito kami sa loob ng library.
Tumango siya at binulsa ang kanang kamay. Tumitig siya ng ilang sandali. At nag-iwas. Umiwas din ako at nagkasundo kami ng mga libro sa paghahalungkat ulit.
Nakita ko na ang hinahanap ko ng magsalita naman siya sa aking likod. Akala ko ay umalis na siya ngunit hindi pa pala.
"Okay. See you..." Iyon lang at lumabas ng library.
Gusto ko ulit siyang hilahin palapit sa akin ngunit hindi ko iyon magagawa. Uminit ang pisnge ko. At nag-iwas ng tingin.
Ipinilig ko ang ulo at ngumiti. Kinakausap niya ako ulit. At ngayon ay iniimbitahan pa ako sa kaarawan niya bukas. I smiled widely. At tinungo ang mahabang lamesa sa library.
"So... saan kayo mamaya?" ani Maggy na pumalumbaba sa harapan namin habang ang mga mata ay nakatingin sa notebook nitong may naka-sulat.
"Uuwe ako ng maaga pagkatapos ng last subject ko sa Major..." sabi ko at kinain ang banana cue na binili namin dito sa canteen.
"Sumama ka nalang kaya sa akin, yan?" Maggy said na kinalingon namin ni Tara.
Ganoon parin ang ayos nito. Nitong mga nakaraang araw ay ganyan din ang itsura niya. Hindi ba siya nagsasawa?
Tumikhim si Tara. "Pupwede tayong mag-bonding pagkatapos ng p.e natin sa sabado, Maggy."
Imbes na sagutin si Tara ay sa akin siya bumaling. "Diba may gym sched ka bukas? Afternoon class bukas... bakit kasi may p.e pa!" sabi nito.
Nagtataka kami ni Tara na nakakunot noo sakanya. Anong problema nitong isa?
"What's wrong? Nitong mga nagdaang araw e, palagi kang ganyan." si Tara iyon at pumalumbaba nadin.
Umirap si Maggy at bumuntong hininga.
"Pwede tayong huwag muna mag-gym. Mag-bonding tayo tulad ng plano ni Maggy?" sabi ko at bumaling ang mga kaibigan ko sa akin na mukhang sila na naman ang nagtataka. May mali ba akong nasabi?
"Bago ah? Hindi ka na magmumukmok mag-isa sa apartment mo, yan?" Humalakhak si Tara. At mukhang nang-aasar ang tono.
Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay at Umiling.
"Pagbibigyan ko si Maggy e, Boring din at palagi akong mag-isa. School and books lang ang kaharap ko palagi." sabi ko. Kumindat naman si Maggy at ngumisi.
"Good! So... sa sabado, ah?" sabi nito.
I nodded. "Yup."
May narinig kaming nagsalitang mga seniors. Maganda ang mga ito. Matatangkad at mapuputi. Dinig namin ang pangalang binanggit nila. Si Troy.
"Birthday niya bukas, diba? Ano gift mo?" Humagikhik iyong kasama niyang medyo payat. At may binulong ito.
Her two brows arched at me. "Uhm... secret..."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Tumawa lang sila habang lumalayo.
Ano kaya ang secret nito? Secret gift? What kind of gift? Gusto kong umalis nalang at harapin ang dalawang babaeng iyon at tanungin pero hindi... What I'm I thinking? Gusto kong isuka ang iniisip ko. Napabuntong hiningang ibinalik ko ang tingin sa aking mga kaibigan.
Tumikhim si Maggy. Tumaas naman ang kanang kilay ni Tara sa akin. Nanunuri ang bawat titig nila sa reaksyon ng mukha ko.
I blinked and sighed. "What?"
"Hmm, birthday niya bukas inimbitahan kami... Ikaw din ba, yan?" si Maggy at nilingon ko siya. Naglalaro ang mga tingin niyang nanunuri sa akin habang nakangiti.
Umiwas ako ng tingin. "Inimbitahan din niya ako... kanina." Kinagat ko ang pang-ibabang labi.
Namilog ang mga mata nilang dalawa habang nakatingin ng diritso sa akin. Uminit ang pisnge ko doon.
Tumawa si Tara. "Oh my god! You're blushing, yan!"
"Shut up!" saway ko.
Parang kinikiliti ang bawat bigkas niya non. Inangat ko ang tingin kong nasa lamesa kanina.
Ngumiti ng makahulugan si Maggy sa akin. Umiwas ako ng tingin at ininom ulit ang natitirang coke na inorder namin. Hinayaan ko nalang ang dalawa.
Nag-bell na hudyat last subject namin sa hapon. Thanks to that bell at niligtas ako sa mga matang mapanuri ng aking mga kaibigan.
But damn! My heart beat won't stop beating again. f**k.