My Hot Tutor (Kabanata-4)

3590 Words
Not okay... Kasulukuyang binabagtas namin ang kahabaan ng Pasay Edsa. Nang muntikan nakaming mabangga sa unahang sasakyan. Isang Blue Chevrolet Monte Carlo itong minamaneho ni Tara. Mukhang bago kaysa sa isang nasakyan ko na pag-aari din niya. Ngayon ko lang nalaman na mahilig din pala siya sa mga sasakyan. Bumukas ang pintuan at lumabas doon si Tara. Mukhang galit ito at nakikita ko iyon sa mukha niya. Hindi bumaba ang nasa loob ng sasakyang nilapitan ni Tara at mukhang magkakaroon ng eksina dito. Nagkataong medyo traffic pa at naka-red light pa. Tiningnan ko iyong oras sa phone ko. It's 10 AM and we're late. Binuksan ko iyong pinto at lumabas para awatin si tara. "Mag-ingat ka din sa pag mamaneho mo! Do you think I'm not serious para hindi alam iyong sinasabi mong drive safety?!" Tamara shouted angrily. Akmang aawatin ko siya ng sumagot iyong babaeng halos kalmutin na si Tara sa inis. Mukhang nagpipigil lang din ito. Ngunit hindi ito bumaba ng sasakyan niya. She's pretty at may kamukha siya... Tinaasan niya ako ng kilay ng mahuling nakatingin ako sakanya at agad itong bumaling ulit kay Tara na ngayon ay pinapakalma ko. "I'm not here to ruined my day. Isturbo!" sabay paharurot nito sa sasakyan niya. Naka-green light na at hudyat na para umalis kami. "s**t!" mura ng aking kaibigan at padabog na binuksan iyong sasakyan. Agad akong sumakay doon at nag seatbelt. Baka ano mang oras ay lumipad itong sasakyan! "Relax. We're late... sana hindi mo nalang pinatulan." sabi ko. "Naiinis parin ako. Muntikan na tayo doon. Tutuluyan ako ni Mommy kapag mabasa niya sa news na; Miss V's unika ihja namatay sa isang aksidenteng nasangkutan malapit sa pasay---" Pinutol ko siya sa pagsasalita. Nababaliw na ang isang ito! "Huwag ka ngang OA hindi iisipin ni Tita iyon noh! Kasama mo ako ibig sabihin dalawa tayo! Ha! Asa ka Sis gusto ko pang magkaroon ng pamilya..." tumawa ako sakanya kahit na may halong inis din iyon. Tumawa rin siya kahit na halata dito ang pinipigilan pang galit. Bumaling ito sandali bago binalik sa daan ang mga mata. "Hmm... Naiisip mo pa pala ang mga bagay na iyon?" "Y-yeah... of course sino ba naman ang hindi, diba?" sabi ko ng wala sa sarili. Kumunot ang noo nito at ngumiti sa akin. May iniisip ba siya? Tara is a good friend for me kapatid ang turing ko sakanya. Nakakapagtaka nga at ang isang sikat at magandang tulad niya ay wala pang boyfriend. Bagay sila ni Mathew ngunit pagdating doon ay labas na ako at ayaw kong mangi-alam. Sa aming apat ay siya ang malapit sa akin. Kaya minsan ay no secret ako sakanya at halos alam na niya ang ginagawa ko. Marahil ay wala siyang kapatid kaya ganoon nalang siya. Kung naging lalaki lang ito malamang ay tulad nila Mathew at Joe ay overprotective ito. Nakakatuwa pero I have two siblings na nasa province at namimis ko na sila... maging si Mama at Papa. Sila lang ang meron ako. Hindi ako maswerteng tulad ng mga kaibigan ko na walang pino-problema sa mga luho. Lahat nakukuha nila iyon. Kasi mayaman sila. Not me. Nasa libro lang ako humuhugot ng lakas para mangarap... "We're here!" ani Tara. Nagulat ako doon ng ilinga-linga ko ang paningin sa paligid. Napagtanto kong nasa unibersidad na pala kami. Napahaba ata iyong mga iniisip ko. O, baka Napaparanoid lang ako? Mabilis akong lumabas ng sasakyan. Nakita kong papalapit na si Maggy at kasama niya si Paul na ngayon ay naka-hawak sa baywang nito. Ngumisi si Paul at binati kami. "Hello..." bati ko. Ganun din si Tara at nakita kong sinamangotan niya si Maggy. Nag-iwas lang ito ng tingin. "We're late?" Tanong ko. "Wala pa ang prof. namin..." ani Maggy na ngayon ay bumaling kay Paul at nag-iwas agad ng tingin. Kumunot ang noo ko sa dalawang ito. For God sake nasa school po kami! At matatawag ko pa ding public place iyon! "Get a room. School ito. Tsss!" Ani tara habang kinukuha ang isang class schedule sa bag nito. Tinawanan lang ni Maggy ang reaksyon nito. Narinig kong may nagsalita sa bandang likod ko. Nakatingin sila doon. Kaya ay lumingon nadin ako. Napaatras ako ng kunti dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Kasama niya ngayon si Mathew na pinipilit na ngumiti kay Tara. Sumulyap ang kaibigan ko ngunit binawi rin ang tingin kay Math. "Hi..." bati ni Math. Alam ko kay Tara iyon dahil doon siya nakatingin. Umiiling si Paul habang ngumingisi. Ngayon ay naka-akbay na naman ito kay Maggy. Troy eyes was cold. Nang dumating sila, kanina ko pa nahahalata iyong mga titig niya. Nagdasal ako ng maraming beses na sana bumuka ang lupa at kainin ako. Hindi ko maintindihan pero ang bilis ng t***k ng puso ko ngayon. Damn! Nakakakaba ang bawat titig niya. Hindi ko siya mabasa. Titig na titig parin siya at pakiramdam ko ay nalulunod ako at Kailangan ko ng tulong. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa. Again, what's wrong with me? "Come on yanny we're late. 30 minutes late..." ani Tara na siyang bumasag sa pag-iisip ko kay Troy. God thanks. She save me! "Same sched?" Si Mathew iyon. Hindi lumingon si Tara kinuha niya iyong kanang kamay ko at nagsalita. "Yep. Let's go..." Hindi ko maintindihan si Tara kung iniiwasan ba niya si Mathew o, ano? Hindi pa kami nakakaalis ng sumulyap ako kay Troy at ganoon parin siya at kinakalibutan na ako sa mga naiisip ko kaya bumaling ako kay Maggy para mag-iwas ulit ng tingin. "Hindi ka papasok?" I asked. Nanlalamig ang pakiramdam. "Next subject yanny. See you guys sa canteen mamaya, okay?" Maggy said. Tumango ako at nagpahila na kay Tara. Minor subject lang ang klase ko ngayon. Late ako ng 40 minutes kanina kaya inutusan akong magpakilala sa gitna para sa iba nakakahiya pero para sa akin ay hindi. Magkahiwalay kami ng room nila Maggy, Tara at Dana. Iba ang kurso nila sa akin. Oo, nga pala at hindi ko nakita si Dana pagkadating namin kanina. O, baka nasa Palawan pa? Itatanong ko nalang iyon mamaya. Tumunog ang bell hudyat na lunch break na. It's 12:25. Naramdaman ko ang gutom dahil sa kape lang ang kinain ko kanina. "Yes. I told you... right? In love iyon sa akin." anang babaeng katabi ko sa locker. Sumulyap ako sakanila. At agad ko siyang namukhaan siya iyong Cass na bumabanat sa akin noong enrollment! "Yeah. Syempre, ikaw pa? Sino namang hindi papansin? You're pretty than Tamara! That girl I hate her!" Sabi noong isang maputing babaeng mapula ang labi. Maganda din siya tulad nong Cass. Kumunot ang noo ko sakanila kahit hindi nila ako nakikita. Naiinis ako sa sinabi niya kay Tara! "Oh! look who's here? Margarita Santiago? Fhm model? Really?" Sarkastikong sabi noong kasamang babae ni Cass. Lumingon ako kay Maggy na ngayon ay mag-isa lang ito patungo sa katabi kong locker. Kumunot ang noo niya ngunit hindi niya ito pinatulan o, nililingon manlang. Gusto ko sanang mag-salita o, bumaling sakanila ngunit pinigilan niya ako. "Don't..." sabi nito. At umiwas ng tingin. Nakita kong sumulyap iyong si Cass sa akin at ngumiwi. Naunang naglakad iyong kasama niyang babae. Ngunit nag-iwan ito ng maanghang na salita! "Hindi kayo bagay ni Paul. b***h!" sabi nito at agad kaming tinalikuran. Napatakip ako sa aking bibig. Buti nalang at kukunti lang ang nandito sa locker. Nakita ko pang may sumipol na dumadaang engineering student. Namuo iyong galit ko at aambang sumugod ng pinigilan ako ni Tara. Na ngayon ay kararating lang. "Don't, yanny. Hindi mo sila kilala at ayaw kong madamay ka pa." ani Maggy. Lumingon ako sakanya. "Bakit ano bang kasalanan mo sakanila?!" Tumaas ang tono ng boses ko. "Maaayos ko din ito." sabi niya habang umiiwas ng tingin at naunang umalis sa amin ni Tara. "Sumunod kayo sa canteen. Okay?" "Seriously Tam, anong problema? Bakit ganoon sila?" Nakita kong bumuntong hininga ito siyaka nagsalita. "I don't know. Ang alam ko lang ay ex-girlfriend ni Paul iyong si Lezzel at iyon lang ang alam ko... Alam mo na si Maggy tahimik iyon minsan." Ang tinutukoy ba niya ay iyong matangkad at maputing babae? Naningkit ang mga mata ko sa inis. "At bakit nasali ka din? Narinig kong pinag-uusapan ka nila. Iyong Cass..." turo ko kahit wala na doon iyong pinag-uusapan namin. "She likes uh... Mathew." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Tumango ako at sinarado ang locker ko. "Kain na tayo. I'm hungry." sabi ko para iwala ang usapan. Hindi ko alam kung ano itong napasukan ng mga kaibigan ko. Tulad ng sabi ko hindi ako makikialam sa pribadong buhay nila. Huwag lang iyong sakitan. I'm not like a fighter. Pero pwede akong umiba at tumulad doon kung kinakailangan. What a nice day? Nasa tapat nakami ng canteen ng tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko iyon sa bag at sinagot kahit hindi ko kilala iyong numero. "Hello sino po---" Hindi ko natapos iyong sasabihin ko pa nang may umiiyak sa kabilang linya. Boses iyon ni Mama. Tila tinatambol ng kaba ang dibdib ko dahil sa narinig. Binalot din ako ng takot ng hindi pa siya nagsasalita. "H-hello ma? Ayos lang po ba kayo? Anong nangyari bakit kayo umiiyak?!" Sunod-sunod kong tanong habang nilalapag ko iyong bag ko sa table na si Maggy lang ang nakaupo, mag-isa at deritsong nakatingin sa akin ang namumugtong mga mata nito. Mukhang kakagaling lang niya sa pag-iyak. Sumulyap ako kay Tara na umu-order ng pagkain. "Nak... si Papa mo... N-nasa hospital inatake na naman." humagulhol si Mama. Unti-unti akong umupo sa upuang kanang tabi ni Maggy. Nawawalan ako ng lakas ng marinig ko iyon. What should I do now... What should I do... gusto kong mag-isip. Ngunit wala akong maisip kundi ang umuwe at makita si Papa. Kinikirot ang puso ko sa isiping iyon. "Kailan pa po? G-gusto kong umuwe." sabi ko nang lalo lang napahagulhol si Mama sakabilang linya. "Ngayon lang... Sinabihan ko na siyang huwag ng lumabas kasi masama iyong pakiramdam niya noong isang araw pa. Ang tigas ng ulo at pumunta parin sa tubuhan ng mga Paradis!" Ani mama at pinapakalma ang sarili. Mukhang may lumapit sakanyang Nurse o, Doctor na nagsasalita sakabilang linya. "Okay na po iyong pasyente Misis. Pwede na kayong pumasok. Mabuti po at dinala niyo siya agad dito at naagapan. Mahirap po ang ma-heatstroke. Susuriin pa namin siya maya-maya. Kumuha nalang muna kayo ng pwede niyong ipunas sa kanyang katawan. Mataas din ang lagnat niya. Don't worry kung magising siya ay papainumin namin siya ng gamot. Natutulog pa siya ngayon." sabi nong babaeng mukhang Doctor o, Nurse na kumausap kay Mama. Thanks God okay si Papa! Bumuntong hininga ako dahil kanina ko pa pinipigilan ang sariling hininga. Naiiyak ako at natatakot. "Salamat po, Doc." ani Mama at bumuntong hininga din. "Ma, Sino po ang kasama niyo diyan?" tanong ko ng napakalma ko na ang sarili. Uminom ako ng tubig na binigay ni Maggy sa akin. Yumakap naman si Tara sa akin. Alam ko at concern lang sila lalo na't napalapit din sila kay Mama at Papa noon. "Si Tita Susan mo." Mama said. Kumunot ang noo ko. Kailan pa bumalik si Tita? May tumikhim sakabilang linya. Alam ko si Tita iyon. Ang bunsong kapatid ni Papa. "Sakanya ba itong numero, Ma?" Inangat ko ang tingin ko nang nakatingin parin si Tara at Maggy sa akin. Ni hindi manlang sila nag-abalang kumain. Ninguso ko iyong pagkaing kaharap nila at nakuha naman nila ito agad. "Oo, Nak..." Mukhang nahihirapan si Mama doon ngunit hinawi ko ang bumabagabag sa mga iniisip ko. Naaalala ko na naman kum paano maltruhin ng tiyahin ko si Mama noon. Maliit pa si Josh ng nangyari iyon at kasalukuyang nasa farm si Papa. Sariwa pa ang mga alaalang iyon kum paano niya sampalin si Mama sa harapan ko at itulak siya't muntikan ng mahulog sa hagdan. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung bakit ayaw niya kay Mama. Hindi ko alam kung bakit nandoon siya ngayon at nasa hospital. Nagkaayos na ba sila ni Papa at Mama? Napatawad na ba siya? Iyon ang hindi ko alam. Dahil ayaw ko din iyon itanong ngayon. "Ma, tatawagan po kita mamaya pagkauwe ko. Nasa canteen po kami nila Tara at Maggy. May klase pa po ako... ikamusta mo nalang ako kay Papa pagkagising niya at pakisabi nadin po na magpahinga pa siya. Mis ko na po kayo." sabi ko at pinipigilang huwag maiyak. Uminom ako ulit ng tubig. At pinunasan ang kaunting tumagak sa pisnge ko. "Okay, nak. Ingat ka diyan at ikamusta mo ako sa mga kaibigan mo. I love you." ani Mama. "I love you too Ma..." Pinatay ko na agad ang tawag at hindi na napigilang umiyak. Siguro dahil sa nangyari kay Papa, iyong pag-iyak ni Mama, iyong pagkamis ko sakanila dahil malayo ako at hindi sila nakikita. Tinatahan ako ni Maggy at Tara ng may sumingit sa amin. "You're crying..." A deep and cold voice said. Nagulat ako ng umupo siya sa kaliwang tabi ko. Nakita kong sumunod si Mathew at Paul na nakaupo sa tabi ni Maggy. May dala silang tray ng pagkain. Suminghap iyong mga babaeng katabing table lang namin. Umiwas ako ng tingin sakanila at nahuli kong nakatingin na naman siya sa akin. Umisog ako sa kay Tara at nag-iwas ng tingin. "Hey... pwede ba dito kumain? Puno na kasi." si Paul iyon. Nakataas ang kaliwang kilay. Tahimik lang si Mathew na Nakatitig kay Tara. Nag-iwas lang ng tingin si Tara at sumimangot. "Yup. Bakit hindi?" Tara said at Nagtaas siya ng kanang kilay sa akin. "Let's eat." si Troy iyon. Nag-iwas ako ng tingin sakanilang mapanuring mga mata. At kumain nalang. Ala-una ng Tumunog ulit ang bell hudyat ng second class schedule namin. Ngayon sabay naman kami ni Maggy. Si Tara ay mamaya pa. Binasag ko ang katahimikan ng papaakyat nakami sa ikadalawang palapag. Huminto ako at nagsalita. Buti at wala pang masyadong dumadaan. "Okay ka lang?" Tanong ko. "Yep. Don't mind me, yan. May problema ka." nag-iwas siya ng tingin at humakbang ng isang beses sa hagdan. "O-okay. If need mo ng kausap nandito lang kami ni Tara." ngumiti ako sakanya at naglakad patungo sa aking room. Na sakabila lang ang kanya na katabi ng room ko. Minsan siya ang sobrang maingay sa amin. Ngayon siya na naman itong sobrang tahimik. Mahilig siya sa pagmomodelo noon pa man ay napapansin ko na iyon sakanya. Mahilig din siya sa pagkanta. Pero hindi ko pa siya narinig minsan na kumanta o, dahil ayaw niya? Nakakapagtaka ang mga issues nila pero... Kailangan ko munang isipin iyong sarili kong problema at magconcentrate. Kailangan ko nadin ng part time job para may maitulong ako. Bumuntong hininga ako. At pumasok na sa classroom kahit kunti palang kami doon at 10 minutes pa bago mag-start. Natapos ang 10 minutes ng hindi dumadating ang professor namin sa isang Major Subject. O, baka late lang ito? Ganito din naman iyong mga teacher ko noong nasa Eastern pa ako sa Batangas. Kaya kahit paano nasasanay nadin ako. "Hi..." Nilingon ko iyong nagsalita. Natatandaan ko siya. Siya iyong nerd na napagtanungan ko. "P-pwedeng tumabi? D-dito... Dito nalang ako uupo." tinuro niya iyong kanang upuang wala pang nakaupo doon. Tumango ako at ngumiti sakanya. Magkaklase pala kami. "Sino ba iyong prof. natin bakit ang tagal?" sabi noong naiinip at humihikab sa likurang upuan na malapit sa amin. "S-sir Joseph." Iyong katabi kong nerd ang sumagot niyon. Umirap lang iyong mukhang inaantok at umayos ng upo ng nakitang may pumasok sa loob. Napalingon kami sa nagsalita. "Magandang umaga Class..." bati ni Sir Joseph ang prof. namin. "Magandang umaga din Sir!" Bati namin ng sabay-sabay. Humalakhak lang ito at inayos ang salamin sa mga mata. "Sino dito ang mahilig sa history?" Tanong niya kapagkuwan. Nagtaas kami ng isa-isang kamay at tumango siya. "Okay, Okay. May ipapagawa ako sa inyo. Isang tanong lang ito ngunit..." Pabalik-balik siya ng lakad sa harapan namin ng huminto ito sa katabi ko. Tumingin ako doon. At nakita kong takot na takot ito. Anong problema niya at bakit takot na takot? Kumunot ang noo ko. Bumaling ulit ako sa Professor namin. "Ngunit kung sakaling hindi niyo ito masagot ng maayos ay may consequence iyon." Humalakhak siya ulit. Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang weird niya. Hindi ko kinaya ang pagiging Ewan ng prof. namin kaya nagtanong ako sakanya. "What's the consequence?" I asked. At narinig kong suminghap iyong katabi kong nerd. "Malalaman niyo iyan kung masagot niyo na ang tanong na iyon..." Tumalikod siya at may kinuha siyang parang papel sa bag nito. "Distribute..." utos nito na sinunod namin. Habang ginagawa namin iyon ay nagsalita siya ulit. "That's all for now. Kailangan niyong sagutin iyan at e-submit bukas. Sana ay tumugma kayo. Bye Class." Ang weird niya. Hindi ko alam kung may matutunan ba ako? Late na nga siya at ang aga pa natapos ng klase namin. At ang pinaka-weird anong consequence ang sinasabi niya? Bumuntong hininga ako ng napagtantong ako at iyong nerd nalang ang naiwan sa loob dahil maagang natapos ang klase kaya nagsi-alisan na sila agad. Nilagay ko sa loob ng bag iyong binigay ng prof. namin na mukhang assignment din na matatawag iyon. Tatayo na sana ako ng magsalita iyong nerd. "Kung sakaling papipiliin ka sa dalawa. 'Ang iwan itong mundo na puno ng makasalanan at sakit o, ang hayaan ito at kusang hintayin kung kailan maghihilom?" Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi at wala akong maiintindihan doon gusto kong mag-salita ngunit walang lumabas na boses sa bibig ko. Lumabas siya at kumaway sa akin. Napako ako sa kinatatayuan ko. May dala ang bawat bigkas niya kanina. Weird pa ba iyon para sa akin o, baka... Nagulat ako ng may lumitaw sa harapan ko. It's Maggy and Tara. Nagtataka ang mga ekspresyon nilang nakatitig sa akin. "Hey? Okay ka lang?" Kumunot ang noo ni Maggy at bumaling kay Tara. Mukhang maaga din na natapos ang mga klase nila. Tumango ako at nagpadala na sa hila ni Tara. "Stress..." ani Maggy. "Yep. Sobra." si Tara. "Saan tayo ngayon, by the way?" Nilingon ko siya habang naglalakad kami palabas ng unibersidad. "I'm hungry. Libre mo kami ng pizza malapit lang naman iyon dito sa school." ani Maggy. Mukhang okay na siya at nagagawa pa niyang tumawa ngayon. Mas gustuhin ko pang nakikita siyang ganyan at maingay kaysa kanina. "Okay ba. Basta sayo ang drinks?" Ani tara at nagtawanan silang dalawa. Nasa parking lot na kami ng may bumusinang magarang sasakyan. Isa iyong Hyundai pero puti ang kulay niyon. Sumilip ang isang lalaki doon. At hindi ako pamilyar. Bumaling ito kay Maggy at ngumiti. "Party mamaya don't forget!" Kumindat pa ito bago itinaas ulit ang salamin ng sasakyan niya at pinaharorot ito ng makalabas ng gate. "Party?" Ani Tara habang binubuksan ang sasakyan niya. "Yep. Mamaya... may party iyong co-models kong aalis na. Gusto niya ng ikasal eh, She's in love." Ngumisi ito at bumuntong hininga. "Pizza time?" Sabi niya at naunang pumasok sa loob ng kotse ni Tara. Umiling nalang si Tara. Marahil ay ramdam din niya iyon kay Maggy. Malungkot ito at hindi ko alam kung paano niya nakakayang maging masaya ngayon kahit bakas ang lungkot sa mga mata niya. Im not a manhater. At hindi ako manhid tulad ng sabi ko din noon. May nanligaw na sa akin at binasted ko. Nagka-crush nadin ako ng maraming beses ngunit hindi ganito ka grabi. Nakapasok na ako sa sasakyan ni Tara at nasa front seat ako katabi niya. Binuksan ko ang bintana dahil mas gusto ko iyong sariwang hangin kaysa aircon. O, dahil hindi lang siguro ako sanay. Nasa labas parin ang tingin ko ng may nakita ako sa may bandang field ng school... si Troy Montenegro at iyong Sam na nakatayo malapit sa sasakyan nito. Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit siya at hinalikan niya si Troy! Sa open area pa talaga! Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sakanila. Oh my god! Sinarado ko ng wala sa sarili ang bintana at humilig sa kinauupuan ko. Hindi ako mapakali. May kunting kirot akong naramdaman sa nakita ko kanina. Hindi ko alam kung tama ba iyon o, mali. Gusto kong bigwasan ang Sam na iyon! May relasyon ba sila? Oh great! Bakit ko kailangang kwestyunin ang bagay na iyon? Malamang dahil kung hindi... hindi niya ito hahalikan. Napa face palm ako ng wala sa oras at umupo ng maayos. Napansin kong nakatingin si Maggy sa akin at Kumunot ang noo nito. "Para kang bulateng hindi mapakali yanny may nakita ka bang kakaiba?" Ani Maggy at Ngumingisi itong bumaling kay Tara. Nanliit ang mga mata niya at alam kong ano ang iniisip nito. Malamang ay nakita din niya iyon. Umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga nalang. Sumandal ako sa bintana. Ilang sandali ay ni-park na ni Tara ang sasakyan niya sa parking lot. Nasa isang Sharkey's kami. Papasok nakami ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at binasa ang minsahe galing sa hindi pamilyar na numero. I know you're not okay. And mad. Don't mind Sam please... Siya ang unang humalik. Nanlalaki ang mga mata ko at nakaawang ang bibig. Paulit-ulit ko iyon binasa ng muntikan na akong mabangga ng isang matangkad na lalaki. Mukha siyang hindi taga rito tulad ko. He's damn so sexy ng ngumiti ito sa akin. Matapang ang aura nito at mukhang may halong espanyol. May tinitingnan siyang nasa loob ng sasakyan. She's very familiar to me... Lumabas ito at kumaway at mukhang magkakilala sila. Sometimes weirdness is really sucks!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD