Books...
"I think you should find a girlfriend or... ererekomenda kita kay Michelle." Ani math sa mapang-asar na tono kay Joe.
Tapos nadin kami kumain ng agahan kaya nagliligpit kami ngayon ni Tara at Mag. Sinabihan ko ng huwag na silang tumulong ngunit sila itong mapilit kaya okay na lang.
"In case nalang na... if you're a gay." Humalakhak si Patrick at Paul sa pang-aasar ni Math kay Joe na ngayon ay namumula na sa inis.
Lumingon siya akin at mukhang nahihiya ito. Aamba siyang susuntukin si Math ng pabiro sabay turo. "f**k! dude mapapatay kita."
Humagalpak ng tawa si Math sa naging reaksyon ni Joe na mukhang napipikon din.
Tumatawa nadin kami sa loob ng kusina. Nasa sala sila ngayon at nanonood ng boxing. I think may laban ngayon ang pambansang kamao. Ngunit di ako mahilig manood non. Si papa Oo. Ayaw ko kasing may nakikita akong nasasaktan habang ginagawa iyon.
"Math is a nice man. Bakit ayaw mo siyang sagutin ulit?" Tanong ni Maggy kay Tara na nakapag-patigil sakanya ngayon sa pagpupunas ng basang pinggan.
"Friend lang kami at Friend lang din naman ang turing niya sa akin. Noon pa." sabay iwas ng tingin kay Maggy.
"Nanliligaw siya sayo ulit? ang gulo naman..." I said. Nalilito.
Binaling niya ang kanyang tingin sa akin na ngayon ay maging si Maggy ay nakatungangang pinag-mamasdan kami na nakaupo.
"Oo..." Tipid na sagot niya.
Hindi na ako magtataka kum bakit palaging lumalapit si Mathew sakanya kanina. Iyon naman kasi ang napapansin ko sa mga galaw ng mga kaibigan ko.
"Matagal niyo na bang kilala iyan?" Sabay nguso ko kay Math at Paul.
"Yep. Sino naman ang hindi makakakilala sakanila sa school?" Si Maggy ang sumagot.
"Famous?" I asked.
"Si Paul friend siya ni Teddy iyong brother ko..." Ani Maggy.
Tumango ako. Hindi ko pa nakilala ang kuya ni Maggy. Ang kwento niya ay may banda iyon. Ngunit hindi pa gaanong sikat tulad ng nasa showbiz. Kahit na may kumukuha sakanila ay inaayawan daw nila ang mga proposal nito.
Inangat ko ang tingin kay Tara na ngayon ay pinag-mamasdan si Math na nakikipag-inisan na naman kay Paul. Nakikita kong minsan ay tumitingin si Math kay Tara ngunit nakakunot lang ang noo ng kaibigan ko. Napapansin kong kanina pa siya ganyan. Hindi tulad ni Maggy at Paul na malapit sa isat-isa at halata iyon masyado.
"Tam, si Math ba eh, Matino ba iyan?" I asked her. Sinadya ko para makuha ang atensyon niya.
Laglag panga siyang bumaling ng tingin agad sa akin. Nagka-salubong ang dalawang kilay nito.
"I... d-dont know... maybe... Before?" Nagkibit balikat ito at tumalikod para maghugas ng kamay sa gripo.
"Ano ka ba Sis! Syempre Matino iyong tao... hindi ko lang alam kay Tara." Ani Maggy at pinandilatan ito ni Tara.
Ngumiwi naman si Maggy na ngayon ay abala na sa pagtetext. Natapos na kaming mag-ligpit. Ako na ang tumapos sa paglilinis. Nasa sala kami ngayon. Nagpaalam na din si Joe at Patrick dahil sa busy ang mga ito. Natapos nila iyong pinapanood nilang boxing at panalo si Manny Pacquiao doon.
"Yanny, mauuna nadin siguro kami." Math said na ngayon ay nakatingin ng diretso kay Tara. Kumunot lang ang noo nito.
Bumaling ito sa akin at ngumiti.
"Thank you for the breakfast." He said.
"Welcome!" I responded.
"Me too Sis, may gagawin pa eh." Maggy said at yumakap sa akin. Ganoon din ako. "Hindi ka ba sasabay, Tara?" She asked our friend.
Tumango lang ito kay Maggy at bumaling sa akin. "See you next week. I remind you iyong pag-gigym, okay? Thank you by the way sa breakfast and nextime ulit." Sabi nito at yumakap din. Ganoon din ako.
"Okay bye take care..." I said and waved my right hands to them.
Palabas na sila ng nagpaalam ulit sa akin. Tumango ako at kumaway sakanila.
"Okay Ingat kayo..."
Nang nawala na sila sa paningin ko ay siyaka ko lang talaga napagtanto na 'boring' nga talagang mag-isa. Iyong maingay na syudad at ang mga sasakyan lang itong palagi kong nararanig tuwing gabi kapag mag-isa ako. Hindi tulad ng nasa province ako dahil masaya doon sa bukid namin. May farm sila Papa at Mama doon kaya kahit paano ay maayos ang pamumuhay namin.
Nakilala ko sila Tara, Maggy at Dana sa isang baryo doon sa amin. Halatang mga dayo ang mga ito. Halatang anak mayaman. Nasa kinse anyos ako ng nakilala sila at sila naman ay matanda ng isang taon o, dalawa sa akin. Tulad ng iba ay may pagka arte si Dana at suplada ito kumpara kay Tara na mabait. Isa si Dana sa anak ng may-ari ng rancho at unika ihja ito ng mga Mercedes. Si Tara naman ay anak ng negosyanteng yuan chou half Chinese ito at ang kanyang Ina naman ay pinay. Mag-kaibigan ang pamilya nila ni Dana at Tara. Magkasosyo ang mga ito sa mga negosyo. Wala akong masyadong alam kay Maggy dahil mailap ito sa akin noon. Minsan tahimik, minsan maingay. May pagka-mataray ngunit mabait din.
Nong una ay ayaw ko sakanila ngunit si Tara itong mabait at palagi akong pinag-tatanggol kay Dana kapag nagkakasalubong kami sa eskwela. Kalaunan nagbago ito at gumanda ang pakikitungo sa akin. Dahil sa nakitaan niya ako ng bait ng minsan ay pinagtanggol ko ito sa mga Pam-bubully nila Nelson noon na pinsan ko. Tinanggap ko iyong 'sorry' at pag-aalok na maging kaibigan ko siya.
Lumipas ang dalawang taon nalaman kong luluwas ulit sila ng Manila at doon na ulit ipagpatuloy ang nasimulan sa eskwela. Nakakainis lang at wala akong magagawa kapag lumayo na sila. Anak mayaman sila kaya anong magagawa ko? Nasa syudad talaga sila nakatira. Doon ang future nila. And me? I'm just a probinsiyana girl who dream to be one of them but I can't because I'm poor.
Nang nagpaalam sila sa akin noon ay nalungkot ako. Ganoon ang nangyari. Nanghihinayang ako marahil ay malayo sila o, wala na akong kaibigan. Meron pa naman ngunit iba iyong sila.
Hindi kami nawalan ng komunikasyon kahit na nasa Manila sila at nandito ako sa Batangas. Nang tumuntong ako ng kolehiyo ay marami din akong nakilalang kaibigan. Nang mag second year college ako sa Batangas Eastern College ay mas lalo akong nagpursige dahil din sa kurso kong education. Gusto kong magturo. Iyon din ang pangarap ni Mama dati. Pero hindi kaya ng mga magulang ni Mama na tustusan iyon.
Kapag may nakikita akong mga batang nasa lansangan ay hindi ko masikmura kung paano ako nabubuhay na okay at may nahihirapan. Kaya gusto kong tumulong. Nang nalaman kong nagbibigay nang free scholarship ang school dahil sa bagong Mayor ay ginawa ko ang lahat para makapasa. At nangyari iyong gusto ko. Nakapasa ako. Sa isang kilalang school sa syudad ng Manila. Nang binalita ko iyon sa mga magulang ko ay natuwa sila at pumayag silang sa Manila ako magpatuloy ng kolehiyo sayang lang kung tatanggihan ko ito dahil full scholar naman. Sa 100% na nag-take ng scholarship ay 56% lang ang pumasa at isa ako doon.
Malaki ang ngiti ko nang ibalita iyon sa mga kaibigan ko at nagulat pa ako dahil same school lang kami sa kilalang unibersidad ng Pasay.
Nang makatuntong ako ng Manila. Nagdasal ako ng paulit-ulit. This is my first time na mag-travel at mawalay ng matagal sa family ko. Nakakalungkot ngunit kailangan. This is my dream. At kailangan ko ito.
Kinabukasan ay tinawagan ko sila Mama. Tulad ng dati ay maayos sila. Pasukan nadin sa probinsiya. Enrolled nadin ang mga kapatid ko. Sunday ngayon at wala akong ginagawa o, pinag-kakaabalahan. I think, maghahanap ako ng pansamantalang trabaho. Part time job ika nga ng matustusan ko iyong pangangailangan ko.
Oo, at may farm kami at malaki-laki din iyong binigay ni Papa sa akin. Ngunit ayaw kong gumasta ng sobra-sobra dahil mauubos lang iyon lalo na nandito ako. Iniisip ko ang apartment ko. Mahal ito kahit na nagkahalagang 7k for a Month dahil kilala ni Tara iyong may-ari kaya lumiit sa pakiusap nito. At nakakahiya iyon kay Joe.
Kung ibang tao lang ako malamang ay hindi papayag ang mga iyon na tulungan ako. Hindi pa naman ako ganoon ka friendly sa ibang tao. O, maging sa ibang lalaki dahil nasanay ako sa probinsiya na mga pinsan ko lang iyong kasama ko o, kaibigan na babae. I'm not a manhater. May nanligaw nadin sa akin noong High School ako. Ngunit sabi nga nila ay matanda ako kung mag-isip. Kaya basted sila. Hindi ko iyon pinag-mamayabang pero iyon ang katotohanan.
Nasa isang convenience store ako malapit sa inupahan ko nang makasalubong ko si Joe.
"Hey?" He said and smiled at me.
"H-hi ikaw pala iyan. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang kumukuha ng mga seafoods noodles.
"Bumibili tulad mo..." Ngumisi ito sa akin.
Binaling ko sa ibang direksyon ang paningin ko.
"Yanny, right?" He asked.
"Yep." Iksing sagot ko.
"Okay ka lang ba sa apartment mo?" Tanong nito.
Nililingon ko siya dahil ayaw kong maging bastos. At dahil nakakahiya sakanya. "Yes, of course, okay lang. Thank you nga pala, ah? Siyaka pasensiya na pwede mo naman baguhin ulit iyong bayad ko. 10k di ba---"
He cut me. Nagulat ako ng lumapit pa siya ng Kunti sa akin kaya binaling ko ulit iyong tingin ko sa may mga tinapay na ngayon. At nag-simulang pumili doon.
"Nah. No problem." Ngumiti ito at kumindat sa akin. He's weird. Naging awkward para sa akin iyon. Marahil na halata din niya ang pag-iwas ko kaya umiwas nadin siya.
Tumango ako at ngumiti kahit na naaasiwa sa pinapakita niyang pangiti-ngiti sa akin. Ngunit kailangan kong maging friendly dito.
"Thank you Joe kahit di naman dapat kasi nakakahiya sayo..." Kapagkuwan ay sabi ko.
"Its Okay yanny, no problem. Excuse me for a while..." He said. Ngumiti ito sabay talikod na sa akin. Hindi ko na tinanong kung bakit. Nakita ko siyang may kausap na lalaking nakaputing uniporme sa labas at mukhang driver niya ito o, nang ibang tao sa labas. Bumaling siya sa akin at kumaway ito.
Nakuha ko ang ibig sabihin niya kumaway din ako pabalik sakanya. Mukhang busy siya. Hindi nag-tagal ang titig ko sakanya dahil nakasakay na ito sa isang black ford hyundai. Iyon ang nakita ko sa marka ng likod nito.
Isang oras nang matapos akong mamili ay nag-pasya akong tawagan si Patrick magse-set lang ako ng schedule dahil pasukan na bukas. Kaya ko naman magpapayat nang walang gym. But of course pakana ng mga kaibigan ko iyon at wala akong magagawa. Wala nga ba?
Pinindot ko iyong keypad ng cellphone ko ng nakabayad at lumabas na sa convenience store na iyon at agad akong nag-dial doon ng numerong binigay ni Patrick sa akin. Ang gym instructor ko.
Ilang minuto bago niya ito sinagot.
"H-helo?" I said.
May naririnig akong mga ibang tao sa background. "Yes? Who's this please?"
"This is yanny. Remember?"
"Yup. Of course..." Dinig kong tumawa ito sa kabilang linya. Dahil siguro doon sa sumisingit na mga kasama niya.
"Nakaka-disturbo po ba ako? K-kasi mukhang busy po kayo... maybe I call you later?" Sabi ko at nag-para ng tricycle pabalik sa apartment ko.
"Nope. Bakit ka pala napatawag?" Medyo hindi ko na naririnig ngayon ang ingay marahil ay umalis ito.
"Gusto ko sana magpa-sched ng training alam mo na iyong pag-gigym." I rolled my eyes. Nakapasok na ako ng apartment at dumiretso sa kusina para ilagay ang mga supplies na nabili ko.
"Okay. Anong date time mo gusto para ma-sched nakita. I'm sorry kanina dahil may mga dumating." Ang tinutukoy nito ay iyong maingay sa background kanina.
Tumango ako kahit di niya nakikita iyon.
"Nope." Sabi ko
"Pwede bang every Saturday and Sunday ako? Uhm , 8:30-3pm. Okay na ba iyon?" Sabi ko.
"Sure..." He said.
"Thanks. Maybe itetext nalang kita kung dumating na iyong sabado. Nagpe-prepare ako ngayon e, for tomorrow."
Ngumiti ako kasi inaabala ko ang aking sarili ngayon dahil pasukan na bukas.
"Okay..." Aniya.
"Bye, Thanks." Agad kong pinatay ang tawag.
7 AM nang magising ako dahil sa tunog ng alarm clock na nasa side table malapit sa kama ko. Naka half close pa ako ng bumangon at kinapa ang tsenelas gamit ang kanang paa.
"YANNY!"
Napatalon ako nang may biglang kumatok at sumigaw ng malakas sa labas ng aking pintuan.
Nagmadali akong lumabas sa kwarto ko at tumungo doon sa isa pang pinto.
Binuksan ko iyon at tumambad sa akin si Tara at isang chinitang batang babae na matangkad pa sa kay Tara.
"Pasok. Napadaan ka? Mamaya pa ten ang klase natin, ah? Magkaiba nga lang tayo ng subject and courses..." Sabi ko ng diri-diritso habang umuupo ito sa sofa kasama iyong batang babae.
Kumuha ako ng biscuits at ginawan ko sila ng chocolate coffee na nabili ko kahapon at alam kong magugustuhan nila ang lasa.
"Yep. I know that's why I'm here." Tara said habang binabasa iyong librong nasa maliit na lamisang di-kahoy.
"Why?" Agad kong sabi habang nilalapag iyong ginawa ko para sakanila.
Ninguso ko iyong batang babae na kasama niya at abala din sa paghahalungkat ng iba ko pang libro na nasa ilalim ng wood table.
"Kristine. This is yanny my friend..." Pakilala nito. Tumayo ito at nakipag-kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at ngumiti ako.
She's slim. Mistisa, Kulot-kulot ang buhok sa dulo. Halatang may pagka-foreign ito dahil halata din sa mapula-pulang kutis niya.
Ngumiti siya. "I'm the sister of kuya Joe..." She said, smiling.
Nagulat ako. At bumaling kay Tara. "Oh! So you're... Tin?" I asked. Habang tinataasan ng kanang kilay si Tara.
Nagkibit balikat lang ito. Anong ginagawa ng kapatid ni Joe dito?
"I heard from kuya na gusto mo din po iyong mga libro. Nandito po ako para makita ka. I'm sorry kasi malapit lang dito sa apartment iyong bahay namin maybe ten minutes bago makarating dito..." She said and smiled at me.
Tumango-tango ako habang sinasabi niya iyon. Alam ba ito ng kuya niya? I don't like her idea na makita ako. Another weird for me. I cleared my throat when I saw Tara smiled at me.
Si Tara naman ngayon ang nagtaas ng kaliwang kilay habang iniinom iyong ginawa kong chocolate coffee.
"Y-yeah of course... you can also bring those books you like. I mean... pwede mong hiramin." Sabi ko at umupo sa tabi ni Tara. Umiinom na din ako ng coffee hindi nga lang ito chocolate. May cereals na nakahalo dito.
"Talaga po?" Tin asked. Ngumiti ito saka kumuha nong cookies.
"Alam ba ng kuya mong nandito ka, Tin?" Si Tara. Bumaling ako sakanya na binabasa iyong huling pahinang may nakalagay na: 'sometimes love happens by accident. When you least expect it. You can't prepare for it. You can't be ready. It just happens.'
Nanlaki iyong mga mata ko doon dahil hindi iyon sulat kamay ng isang author. Iyon ay sulat kamay ko mismo! Kinuha ko iyon sakanya at nilagay sa ilalim ng wood table. Ngumiwi siya sa akin dahil sa ginawa ko. What's wrong with me? Kasabihan lang naman iyon, hindi ba?
"Hmmm..." Tikhim niya.
Tumaas iyong dalawang kilay niyang perpekto ng bumaling ako sakanya. "That's weird. Saan mo naman nakuha iyong hugot na iyon, yanny?" She asking me while ginning.
May isang taong lumitaw bigla sa isipan ko. Umiwas ako ng tingin kay Tara dahil pakiramdam ko ay namumula ako na parang kamatis sa sobrang pula.
"AHA!"
Napatalon ako sa biglaang pagsigaw niya at maging si Tin na nagbabasa ngayon ng libro ng paborito kong author ay napabaling ang tingin sa amin ni Tara na nagtataka.
"Y-yes ate Tara?" Ani Tin na nagtataka ang ekspresyon.
"Nope Tin." Tara said. Grinning ear to ear.
Nagkibit balikat lang si Tin at pinag-patuloy iyong naudlot niyang binabasa.
Umiiling-iling si Tara habang hinahalungkat iyong bag niyang branded. Kinuha niya iyong cellphone niya at may dinial doon.
"Hello, Mommy?"
It's Tita Vicky! I missed her. Nasabi din sa akin ni Tara kahapon ng tawagan ko siya na maaga ang alis ni Tita at kaninang 4 AM iyon. Patungong Spain.
"I'm okay, yeah. No mom. Nandito ako ngayon sa apartment ni yanny... she's okay."
Ngumiti ito at bumaling sa akin.
"Tuloy parin po. Hmm, 10 AM."
Tiningnan niya iyong relo sa kanang kamay nito at ninguso ang c.r tiningnan ko ang wall clock it's 8:55 in the morning.
"Yep mom. I know just take care there too. I love you..." Ani Tara bago e-off ang tawag.
"Ililigpit ko lang sandali ito..." Sabi ko ng napagtantong napahaba iyong kwentuhan namin. Kung matatawag bang kwentuhan iyon?
Nasa kusina na ako ng nagsalita si Tin.
"Ate tatlo lang po siguro. This... Precious Hearts..." Sabi nito habang pinapakita sa akin ang napili niyang libro.
Tumango ako at ngumiti sakanya.
"Dagdagan mo pa, Tin. Kunti lang iyong tatlo..." I said.
Tumango siya sa akin. "Thanks Ate. Masyadong not fashion iyong iba. Hindi naman sa ganoon pero iyon ang opinion ko. Itong dalawang author lang ang maganda for me..." Sabi niya.
Really nasabi niya iyon?
"Hmm, Masyadong matured iyan Tin, ah?" Si Tara na ngayon ay nakatayo na.
"Nope Ate. Open minded naman ako eh. I'm 16 years old na..." She said. Sinikop nito ang buhok at inilagay sa kaliwang balikat.
Namilog iyong mga mata ko sa sinabi niya para talaga siyang matanda kung magsalita. That's why Joe overprotective nang sinabi niya iyon sa amin about kay Tin.
Umiling-iling naman si Tara. Pabalik na ako ng matapos hugasan ang mga Mug.
"Maliligo lang ako. Okay?" I said.
"Ate, I like this! can I borrow?"
Pinakita niya sa akin iyong naka-cover pa at hindi nabubuksang libro. I think anim iyon na may naka sulat na desire.
"Sure, Tin..." Ngumiti ako sakanya.
"Aalis na po ako, Ate. Hindi na ako masyadong magtatagal I have classes din pero mamaya pa iyong hapon. Meron pa akong oras para magbasa."
I laughed when she said that. Dala-dala ang mga librong hiniram sa akin. Masyado siyang personal at straightforward. Umiling ako't bumuntong hininga.
"Thank you..." Dagdag niya at siyaka lumabas ng pinto. At kumaway sa amin ni Tara. Sinalubong naman siya ng naka-unipormeng lalaki. Mukhang driver nila ito. Kinuha niya iyong libro siyaka pinag-buksan siya ng pintuan ng sasakyan.
"Maligo kana its 9:10..." Tara said.
Tumango ako at mabilis na pumuntang banyo.
"Sana di mo nalang ako hinintay baka matagalan pa ako e."
Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
"We're same in school kaya sabay nalang tayo. Boring din kapag ako lang ang mag-isa." Aniya.
Tumawa ako at mabilis na tumungo sa loob ng banyo. Ilang minuto bago ako natapos at naka pag-bihis na. Nang makalabas ay agad ko na itong inaya na umalis at tinungo namin sabay ang eskwela.