"Ryle... mamaya na nga," I whined. Kanina niya pa ini-istobo ang pag-tulog ko. "5 minutes."
Tinanggal niya ang unan na nakatabon sa mukha ko.
"Tsk! Kanina pa 'yang 5 minutes na 'yan. Get up. Baka ma-late tayo."
"Promise, last na 'to." Tinaas ko pa ang right hand ko sabay binagsak 'yon sa unan. Narinig ko ang pagbuntong-hihinga niya. Umalis siya sa tabi at tumayo. Siguro ay pumunta ng banyo.
May pupuntahan kami ngayon and hindi naman sinabi sa amin na maaga pala magsisimula. Eh, pagod ako. Ni-relax ko muna ang katawan ko bago ako tumihaya at nag-unat.
"Good morning!" sigaw ko. Inayos ko muna ang higaan namin bago ako lumabas. Hindi ko alam kung nasa banyo ba siya o nasa kusina kaya hindi ko nalang hinanap. Hindi naman 'yon aalis.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Gumanda ang pakiramdam ko nang makita ko kung gaano kalinis ang kusina. Puting-puti! Siguro ay nilinis ito ni Ryle kanina. Sa pagkakaalala ko kasi, nagkuto ako kahapon. And, nakalimutan kong linisin. Ah, bahala na.
Kinuha ko ang pitsel sa ref at kumuha na rin ng baso. Pagkatapos ay sinalinan ang baso ng tubig.
"Ahhhh... So refreshing!" wika ko nang makainom ng tubig. Nagsalin pa ako ng isa.
Habang umiinom ako ay may pumulupot na braso sa beywang ko. Umirap agad ako nang maamoy ko ang pabango ni Ryle. Nilapag ko ang baso. Umikot ako at hinarap siya.
"Saan ka galing?" tanong ko.
Tiningnan niya ako. Hinalikan niya ang noo ko bago sumagot.
"Other room," sagot niya. Bumuntong-hininga ako at nilagay ang dalawa kong kamay sa leeg niya at niyakap siya.
"Na naman? Matagal pa 'yon gagamitin," sabi ko. Hinalikan niya ang sintido ko.
"I'm excited."
"Sus. Baka mamaya mabibigla nalang ako. Kompleto na ang gamit do'n." Ngumuso ako.
He chuckled.
"Sige na. Maliligo na ako." Tinulak ko siya at tinungo agad ang banyo. Alam kong nasa kabilang kwarto ulit siya dahil hindi niya ako sinundan.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil parang iwas na iwas ako sa tubig ngayon. Kung maligo ako ay ang dali lang. Hindi ako inaabot ng sampung minuto sa loob ng banyo.
Matapos kong maligo ay nakita ko si Ryle na ready nang umalis habang ako ay nakatapis pa.
"Excited ka?" I sarcastically asked. I was about to go to the cabinet para kumuha ng damit nang tinawag niya ako.
"Come here."
Nakasimangot akong lumapit sa kanya. Nang nasa harap na niya ako, doon ko napansin na may hinanda na siyang damit sa akin na nakalagay sa gilid niya.
"Inunahan mo na naman ako," sabi ko at ngumuso.
Kapag talaga may lakad kaming dalawa, inuunahan niya akong pumili ng damit. Okay naman ang pinipikit niyang damit pero para naman akong manang. Minsan, gusto ko nalang maiyak habang naglalakad.
"Don't worry. I picked a good dress for you." Nginitian niya ako.
"Huwag mo akong ngitian. No'ng huli mong ginawa 'yan, para akong naging manang."
"You're still gorgeous," paglalambing niya. Kukunin ko na sana ang damit.
"So, mukha ngakong manang?" galit kong tanong sa kanya. Padabog kong kinuha ang damit na nasa tabi niya at tinungo ang banyo para makapagbihis.
"Be careful!" he said.
"Ewan ko sa'yo!" sigaw ko at malakas na isinara ang pintuan ng banyo. Tiningnan ko rin agad kung may nasira. Wala naman kaya sinuot ko na agad ang damit ko.
Okay naman. Hindi ako nagmukhang manang pero hindi ito ang gusto kong suotin. Wala na akong magagawa kaya lumabas na ako ng banyo. Wala na si Ryle sa kama. Siguro ay nasa labas na.
Sampung taon na kaming magkasama. And in that 10 years, we really treasure every day that passed. Yes, we fight. But, we make sure na magkakaayos kami kaagad. Kilalang-kilala na namin ang isa't-isa kaya alam na namin kung paano suyuin ang isa't-isa.
Nakita ko siya na naghihintay na sa labas. Nakasandal pa sa kotse. Pinagbuksan niya ako at agad naman akong pumasok sa sasakyan.
"Nandoon na ba raw ang mga kaibigan mo?" tanong niya nang makasakay na rin siya. Pinaandar niya na ang makina at nagsimulang magmaneho.
"I don't know. Wala pa akong natanggap na message galing sa kanila," sagot ko.
"Huwag masyadong hyper mamaya, ha," paalala niya. Napanguso ako.
"Oo nga."
Ilang beses niya na akong pinapaalala sa akin 'yon.
Malayo-layo pa ang pupuntahan namin kaya nagpaalam akong iidlip muna. Nakatulog naman kaagad ako. Nagising lang ako dahil sa boses ni Ryle.
"Love, we're here na."
Nag-unat ako at kumurap-kurap.
"Kanina pa?" paos ang boses na tanong ko.
"Kararating lang natin."
Why does he look so cute today?
Inabot ko ang pisngi niya at pinisil. Hmm. Ang lambot! Ilang beses ko 'yong ginawa. Hinuli ni Ryle ang dalawa kong kamay at ipinatong 'yon sa hita niya.
"What are you doing?" he asked.
I smiled sweetly at him. I tried to touch his face again but he is so strong.
"You're so cute. Why?" I pouted.
Kumunot ang noo niya na para bang nainsulto siya sa sinabi ko.
"Cute? Love, I'm not cute. I'm your hottest fi–"
"Kapag sinabi kong cute ka, cute ka! Epal talaga. Bahala nga ka riyan."
Nauna akong bumaba sa sasakyan. Siya na nga ang sinabihan ng cute tapos parang ayaw niya pa. Ayaw niya ba n'on? In-a-appreciate ko na nga 'yong ka cute-an niya!
"Love! Okay. Okay. I'm cute," parang labag sa kalooban na aniya habang sinusundan ako.
"Wala akong pake." Tuloy pa rin ako sa paglalakad. At siya naman ay tuloy pa rin sa pag-sunod sa akin. Huminto ako nang nasa tapat na ako ng restaurant.
"Nandito na kaya sila?" I mumbled. Kinuha ko ang cellphone ko para i-message si Bethany.
Bethany the mowdel
Nasaan na kayo?
Nasa tabi ko na ngayon si Ryle at hindi ko siya pinapansin. Naiinis talaga ako. Sinabi na nga na cute siya, ayaw niya pa!
"Mauna na tayong pumasok, love," aya sa akin ni Ryle saka hinawakan ang baywang ko. Akala niya siguro makukuha niya ako sa mga lambing-lambing niya.
"Tsk. Mamaya na. Hihintayin ko pa sila Bethany," masungit na sagot ko.
"We can wait for them inside."
Tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko.
"Eh, di mauna ka na ro'n," sabi ko sabay irap. Bumuntong-hininga siya at hindi na nagsalita. Hindi siya umalis sa tabi ko.
"Mika!"
Agad akong lumingon sa likuran namin. Agad na sumilay ang akong ngiti nang makita ko si Bethany kasama si Claudine na papalapit sa amin.
Bethany was wearing a black crop top and a jeans. Sa suot niyang 'yon ay mas nagmukha pa siyang matangkad. Well, she's already tall. Bagsak ang kanyang buhok. Hinawi niya ito. Feel ko tuloy ginawa niyang runway ang daan. She is wearing a white shoes kaya nag mukha siya cool sa suot niya.
Then, there's Claudine wearing a simple purple t-shirt paired with a mini skirt. Aww. She looks so cute! She's turning 30 next month but she still looks so young. Her hair is so beautiful as her. Ahhh. So pretty! Parang hindi siya tumatanda!
"Oh my God!" tili ko at agad na tumakbo sa kanila. Ramdam ko naman ang paghabol sa akin ni Ryle at inalalayan ako.
Agad ko silang niyakap nang mahigpit. Matagal-tagal na rin no'ng last kaming nagkita.
"Akala ko, nauna na kayo," nakanguso kong wika. Binati ni Bethany si Ryle.
"Eh, sorry naman. Hindi namin alam na masisiraan kami ng sasakyan, eh," natatawang sagot ni Claudine habang inaayos ang heels niya.
Parang pamilyar sa akin ang sagot niya. Parang narinig ko na 'yon dati.
Hindi ko na inisip kung kailan ko 'yon narinig at inaya ko na agad sila sa loob ng restaurant. Nakasunod lang sa akin si Ryle. Nang makahanap na kami ng mauupuan, hinila ni Ryke ang isa para doon ako umupo. Humupa na rin ang inis ko sa kanya kaya ngumiti ako.
"Pupunta ba si Quicyll?" excited na tanong ni Bethany.
"Yes. 'Yon ang sabi niya no'ng tumawag ako. She did not say what time she would come, tho," I answered. Tahimik lang si Ryle habang nakikinig sa usapan namin.
Habang hinihintay pa namin sina Bea, Lia, Kim at Quicyll, nagkukwentuhan lang kaming tatlo. Habang si Ryle naman ay tahimik lang. I think, hindi talaga siya close sa mga kaibigan ko. Nagtataka nga ako, eh. We're classmates since grade 7 kaya nagtataka ako bakit hindi siya sanay na makihalubilo sa kanila. Lagi rin kasi kaming magkasamang dalawa kaya siguro hindi na siya sanay.
"Kumusta naman ang runway, Madam Bethany?" pabirong tanong ko sa kanya.
She chuckled. "Okay naman. Runway pa rin."
"May nabalitaan ako, ha. Sabi nila may pictorial ka raw for endorsement kasama ng isang guy. Who's the guy?" Claudine asked.
Hmm. Hindi ko alam 'yon, ah.
Bethany's eyes widened.
"Saan mo naman narinig 'yan?" she asked nervously.
"Hmm. Ikaw, ah. Baka may something kayo n'on, " Claudine teased.
Binalingan ko naman ang lalaking nasa tabi ko. Hinayaan ko munang magkausap sina Bethany at Claudine.
"Are you hungry na?" I asked. He looked at me.
"No," sagot niya. "Ikaw? Gusto mo mag-order na kami?" he asked. He leaned closer to me kaya sumandal ako sa balikat niya.
"Mamaya na. Hindi pa dumadating sila Lia. Hintayin na lang natin."
"Okay," he whispered.
Mayamaya naman ay nakarinig kami ng mga tili. Muling sumilay ang mga ngiti ko. Syempre, alam kong mga kaibigan na namin 'yon.
Lumapit sa amin sina Quicyll, Bea, Lia at Kim. Nagyakapan muna sila bago ako tumayo at niyakap sila. I can't believe na kompleto kami ngayon. Last time na kompleto kami ay noong nakaraang buwan pa.
"Oh my God! I miss you all!" Niyakap ko sila isa-isa. Si Ryle naman ay binati sila at nakipag-kamay.
"Oh? Hindi ko alam nakailangan pala na may kasamang boyfriend. Sana sinabi niyo para madala ko 'yong akin," biro ni Lia bago umupo.
"Syempre, kasama siya. Classmates kaya tayo noon. Teka, umorder na kayo. Nagugutom na ako," wika ko. Pinipigilan konlang kanina kasi baka biglang mag-order si Ryle. Nakahihiya naman sa kanila. Nauna pa akong kumain.
"Gutom ka na ba?" Ryle asked. I nodded. Tumango rin siya at tinawag ang waiter. Pumuli na ang mga kaibigan ko ng kakainin at ganoon din ako. Si Ryle naman ay kung ano lang daw ang akin. Kaya naman, kaunti lang ang pinili ko dahil baka hindi niya maubos kapag dinamihan ko.
"Isang champagne na lang din. Thankyou," sabi ni Kim sa waiter. Tumango ang waiter bago umalis. Mayamaya ay dumating na ang mga pagkain namin. Wala na akong sinayang na oras at sumubo agad ako.
Hmm. Ang sarap. Hindi ko talaga alam kung anong tawag sa kinakain ko. Nakita ko kasi sa menu kanina. Nasarapan ako kaya pinili ko.
Lalagyan na sana ni Bea ang baso ko ng wine, mabuti na lang agad kong nakuha ang baso.
"Bawal." Umiling ako. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Anong bawal?" si Quicyll.
"Kaya nga. 28 ka na tapos bawal?" Tumawa si Lia. Talaga naman, oh.
"Guys." I sighed. "Bawal nga. Baka may mangyari sa magiging anak ng first crush, first love, high school crush, at fiancee ko. Kaya bawal."
Nalaglag ang mga panga nila sa sinabi kong 'yon. Mahinang natawa si Ryle at kinuha ang basong hawak ko. Sinalinan niya ito ng tubig.
"A-ano?" gulat na tanong ni Kim. Ganoon din sina Lia, Bethany, Bea, Quicyll at Claudine. Alam ko nang ganito ang magiging reaction nila kaya hindi na ako nagulat.
"She's pregnant," Ryle answered proudly. "With my child."
"Totoo?" Claudine asked. Kulang nalang lumabas ang mga mata nila sa sobrang dilat.
"Oo nga," sagot ko. "Gulat na gulat? Grabe. Sige na, kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom."
Unti-unti nang humupa ang gulat sa mga mukha nila. I can't believe na ganito talaga ang magiging reaction nila. Akala ko simpleng gulat lang.
"Teka," si Lia. "May sinabi ka rin kanina." Tumingin siya sa akin at kay Ryle. "You two are now engaged?"
Sa tanong na 'yon ni Lia, sabay-sabay na dumapo ang mga tingin nila sa kamay ko.
"Oh my God!" Bea exclaimed. "Oh my God! For real?!"
Hindi na mapigilan ni Ryle na matawa rin dahil sa mga reaction nila. Napailing na lang siya.
"Oo nga." Tumawa ulit ako sa mga reaction nila. Hindi ba nila expected na mangyayari 'to?
"Wait. Oh my Gosh! How did he proposed to you? Bakit hindi namin alam?" gulat na tanong ni Quicyll.
"Hindi ko rin alam," sagot ko at kumibit-balikat.
Kinunutan ako ng noo ni Bethany.
"Ano 'yon? Nagising ka na lang na engaged ka na?" biro niya. Mukhang namang nahimasmasan na sila dahil tumuloy sila sa pag-kain.
"Yes," diretsang sagot ko. "Gano'n talaga ang nangyari. Basta pag-gising ko may singsing na sa daliri ko." Nilingon ko si Ryle.
"Matagal niya akong sinagot, eh. Baka matatagalan din ang pagtanggap niya ng proposal ko," biro niya. Mahina kong natampal ang hita niya.
"Seryoso? Gosh!" si Bea. "Kailan lang?"
"Last, last week," sagot ko.
Hindi ko talaga inaasahan 'yon. Hindi ko naman kasi alam na sa pag-gising ko, engaged na agad ako kay Ryle. Hindi 'yon enggrandeng proposal pero hinding-hindi ko 'yon makakalimutan. Also, no'ng araw na nalaman naming buntis ako, hindi ko rin 'yon makakalimutan. He passed out, eh. Imbis na matuwa ako dahil nalaman naming buntis nga ako, tumawa lang ako nang tumawa nang nakita ko na lang siya na nakahiga na sa sahig.
After naming kumain, inaya kaming lahat ni Claudine sa bahay nila. Mamaya pa naman 'yong pupuntahan talaga namin.
Nagpaalam naman si Ryle na pupunta sa mga kaibigan niya. Syenpre, pinayagan ko na. Wala naman siyang ginagawa kapag kasama niya kami.
Nakipagkuwentuhan lang ako sa mga kaibigan ko. They all asked me kung ano ba raw ang gender. Eh, hindi ko pa nga alam.
Habang nag-uusap kami, tumunog ang cellphone ko. Ryle messaged me.
Love
Are you okay there?
I smiled.
Me
Yes. Ikaw? Nagkita na kayo ng mga kaibigan mo?
"Anong oras tayo pupunta do'n?" tanong ni Bea.
"Mamaya na. Maaga pa naman. Parang wala pa ngang tao do'n, eh," sagot ni Quicyll.
We all agreed. Our batch will be having a reunion mamaya. And I am so excited!
Love
Yup. I can't believe that they are still single hahaha.
Natawa ako sa sinend niya. Palibhasa kasi hindi siya torpe noon no'ng umamin sa akin.
Me
Hanapan mo sila para hindi na single. Oh, wait. Magkikita naman tayong lanhat mamaya, 'di ba? Paano kung ipakilala ko ang mga kaibigan ko sa nga kaibigan mo?
Hmm. I think, that's a good idea. Para naman hindi na single 'tong mga kaibigan kong 'to.
Love
Love, kilala na nila ang isa't-isa. Remember, classmate tayo noon. Anyway, that's a good idea.
Me
Oh, 'di ba? I'm so smart???
I chuckled.
Love
Yes, Love. You are.
Hindi ko ma siya na-reply-an ulit dahil sa kilig ko. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Gosh!
Hindi ko alam kung anong mayroon sa kinain namin kanina pero no'ng nagpapahinga ako, hanggang sa pag-gising ko, nag-uusap pa rin sila.
Nag iminulat ko ang mga mata ko, sila agad ang nasilayan ko. Naglalaro sila ng kung ano at hindi ko alam kung anong oras na. Habang pinagmamasdan ko sila, doon ko na-realize kung gaano na kami ka successful ngayon.
Sa aming pito, tatlo ang accountant. Ako, si Bea at si Kim. Hindi namin inaasahan na matutupad namin 'yong pangarap namin noong highschool. Akala namin, hanggang do'n nalang 'yon. Si Bethany naman ay isa ng ganap na model. Proud na proud ako kay bethany. Dati nahihiya siyang maglakad sa maraming tao pero ngayon, confident na siyang rumarampa sa runway. Si Quicyll naman ay isa ng ganap na abogado. Si Claudine ay isa ng paramedic. Bagay na bagay talaga sa kanya. Si Lia naman ay isa ng guro at isa siya sa mga kinakatakutan ng nga estudyante sa paaralang pinagtatrabahuan niya.
Hindi ako makapaniwalang natupad namin lahat ng gusto namin. Naiiyak ako sa t'wing naiisip ko kung gaano kami naghirap. Saksi kaming lahat kung paano namin iniyakan ang isang subject. Hindi ko ma-explain kung gaano ako ka-proud sa narating namin ngayon.
Dahil malapit nang mag alas kwatro, nagpaalam ako kay Claudine na gumamit ng banyo para makapagbihis. Hindi na kasi ako komportable sa suot ko. Pagkatapos kong makapagbihis, lumabas agad ako sa banyo. Pagbalik ko sa mga kaibigan ko ay nandoon na rin si Ryle.
Since, nakarating na si Ryle, we decided na pumunta na sa venue. Masayang ang byahe namin dahil ang ingay-ingay ni Kim at Bethany. Ako naman ay tahimik lang na nakikitawa sa kanila. Busy kasi ako. Pinagmamasdan ko lang maman ang magiging ama ng anak ko at magiging asawa ko.
Wow. Ryle Romero. Hindi niya ako binigo no'ng sinabi niyang sa akin lang siya. I am so lucky to have him. And I'm going to be lucky, forever!
"Doon na lang tayo." Turo ni Bea sa isang table.
"Paano 'yan ang dami natin," si Bethany.
"Ganito nalang. Since sampu tayong lahat, ang lima ay sa kabilang table at ang iba naman ay sa katabing table," si Lia.
Sinunod namin ang sinabi ni Lia. Nilapitan namin ang isang table. Hinila ni Ryle ang isang upuan para sa akin at doon na ako umupo. Kasama namin sa table si Lia, Claudine at Bethany. Nagtaka ako kung bakit wala ni isa sa mga kaibigan niya ang nakiupo sa mesa namin.
"Nakatulog ka ba kanina?" bulong sa akin ni Ryle. Kailangan niya lang lumapit sa akin dahil hindi ko na siya naririnig dahil sa lakas ng sound.
"Hmm." Tumango ako at naramdam ko ang kamay niya sa hita ko. "Kayo? Ang ginawa niyo?"
"Nagkukwentuhan lang kami," sagot niya.
"Sure ka?" Nanliit ang mga mata ko.
"Yes, love," sagot niya at hinalikan ang sintido ko. "Kayo ni baby? Okay lang naman kayo habang wala ako, 'di ba?"
"Yup," I answered, popping the "p".
"Good."
Dahil nga sa lakas ng tunog, hindi kami nakakapag-usap nang maayos nina Claudine, Bethany at Lia. Tahimik lang akong nakasandal kay Ryle. Mabuti na lang lumapit siya sa akin.
"Good afternoon!"
I straightened my back as the emcee started to talk. Feel ko nangyari na 'tong eksenang 'to. Sinisikap ko talagang alalahanin kung bakit familiar sa akin.
Habang nagsasalita ang emcee ay 'yon ang inaalala ko. Parang ang weird ng feeling ko today. Kanina sa restaurant parang feeling ko nangyari na 'yon.
Maayos na akong nakaupo habang si Ryle naman ay umusod ng kaunti. Habang ang lahat ay nakikinig sa nagsasalitang emcee ang utak ko naman ay may inaalala.
And then that dream suddenly appears on my mind. Wala na akong maramdamang lungkot nang maalala ko 'yon. Wow. It's been ten years but that dream is still on my mind. Parang ayaw niyang umalis sa utak ko.
Akma akong lilingon kay Ryle para kausapin siya nang may tinawag ang emcee. At pamilyar na pamilyar sa akin ang tinawag niya.
"Please welcome, Dr. Shera De Asis and her husband, Dr. Clyde Bautista."
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko nang tinawag si Shera ng emcee. It's so familiar. Alam ko at naaalala kong kasali 'yon sa panaginip ko.
Pinagmasdan ko si Shera na naglakad kasama ang asawa niya. Wow. I can't believe that she's married. At doon ko lang na-realize. Sa panaginip ko, si Ryle ang kasama niya. Pero ngayon, kasama ko si Ryle at hindi ako nasa panaginip. Totoong kasama ko siya sa totoong buhay, habang buhay.
"Are you okay?" Ryle whispered. Nilingon ko siya at nginitian.
"Yes. Why?"
"Para kang naiiyak, eh." Hinaplos niya ang pisngi ko.
I chuckled. "Wala lang 'to. May naalala lang."
"Hmm? Pwede mo bang i-share?"
"Parang nangyari kasi ngayon 'yong isa sa mga panaginip ko dati."
Nangyari pero may pagkakaiba. Sa panaginip ko ay malungkot ako. Sa panaginip kong 'yon, kasama ni Shera si Ryle.
I am so lucky dahil panaginip lang 'yon. Nagpapasalamat akong ako ang kasama ni Ryle ngayon. Even though matagal na 'yon, hinding-hindi ko pa rin nakakalimutan. Parang nakatatak na siya sa isipan ko. Parang parte na siya ng buhay ko. Naalala ko, hindi ako makapag-concentrate dati dahil sa panaginip na 'yon.
"Majimag-eulo naneun hangsang dangsin-ui misoleul bol geos-ibnida," biglang bulong sa akin ni Ryle.
"Ano 'yon?" Kumunot ang noo ko. "Nawe-weirdo-han na ako sayo, ah. Bigla-bigla ka na lang nagsasalita nang hindi ko naiintindihan."
"It means 'Finally, I will always see your smile'. Did you know that when we were in highschool, I told you that I want to see your smile forever?"
"Huh? Wala akong maalala."
"Siguro hindi mo na maalala pero ako naaalala ko pa rin."
Kinikilig talaga ako kapag sinasabi niya na dati niya pa hinihiling ang mga ganoong bagay. Kasi ako, wala akong hiniling. Akala ko kasi hanggang do'n lang kami. Akala ko, pagkamasdan ko lang siya sa malayo. Ang gusto ko lang dati ay makahanap siya ng babaeng makapagsasaya sa kanya. Hindi ko hiniling na ako 'yon.
Our reunion was so successful. Nakausap ko si Shera. Kinuwento ko sa kanya kung gaano ko siya kinamumuhian no'ng highschool kami. And we just laugh. Natawa rin ako sa sarili kong ugali.
Nang makauwi kami ni Ryle ay agad na akong nagpahinga. Ganoon din si Ryle. Ilang oras din kasi siyang nakipag-usap sa ibang ka-batch namin.
Habang lumilipas ang taon na kasama ko si Ryle, na-realize ko na mas mabuting umamin at ma-reject kaysa manahimik at mawalan ng opportunity. Minsan kasi kapag iniisip natin na aamin tayo, in-e-expect agad natin na mare-reject agad tayo. Pero okay lang naman 'yon. Atleast, sinabi mo ang feelings mo. Para mo na kasing sinasakal ang sarili mo kapag kinikimkim lang. Though, it's not advisable to everyone.
I can't explain how happy I am to be the one that is destined to Ryle. Hindi ako makapaniwala!
Iyong dating pinagmamasdan ko lang no'ng highschool ay magiging asawa ko na. Hindi ako makapaniwalang makakabuo kami ng pamilya ni Ryle.
Hindi ko naman kasi talaga inaasahan. Akala ko talaga si Shera ang makakatuluyan niya, eh. Kasalanan 'to ng panaginip ko dati, eh.
Mahina akong natawa at napailing.
That dream really traumatized me. Kahit na ang tagal na n'on, hindi pa rin mawala sa isip ko.
Sa dinami-rami ng panaginip ko, 'yon lang ang hindi ko nalilinitan. And I think, that dream is my unforgettable dream.