It's been 2 years since I let Ryle court me. Feel ko lumulutang ako sa langit sa sobrang saya. I can't describe how happy and lucky I am.
My crush! My crush for almost 6 years is courting me! And the fact that he is still waiting for me until now always make my heart jump.
Grade 12 na kaming pareho at iba kami ng school na pinapasukan. No'ng una, nalulungkot ako dahil bihira lang kaming magkita. Pero, gumagawa talaga siya ng paraan para magkita kami kahit isang araw lang sa isang linggo.
Gaya ngayon, sabi niya ay hihintayin ko siya sa labas ng gate ng school namin. Kaya naman 'yon ang ginawa ko.
"Saan ka po, miss?" tanong ng isang driver sa akin. Umiling naman ako sa kanya.
"Ah, may hinihintay po ako," sagot ko. Tumango ang driver at naghanap ulit ng pasahero.
I was patiently waiting for him when my phone beeped. Kinuha ko 'yon sa bag ko at in-open. Nag-message si Ryle.
Ulan: Malapit na ako. Sorry kung naghintay ka. Wala namang pumuporma sa'yo riyan, 'di ba?
Natawa ako sa tanong niya. Kung meron man, sino naman?
Siguro nga lahat ng mga students dito sa school alam na manliligaw ko siya. Ang iba nga iniisip na may relasyon na kaming dalawa.
Noong nakaraang Valentine's day kasi hindi ko in-expect na pupunta siya sa school. Dinamay niya pa ang mga classmate ko. Hinarana niya ako sa harap mismo ng building namin. Nasa second floor kasi ang room ko kaya feeling ko nasa taong 90's ako habang hinaharana niya.
Me: Ano ka ba? Parang sira. Walang pumuporma sa akin dito. Huwag kang mag-alala.
Ulan: Mabuti naman.
Natawa ako at hindi na nag-reply.
Ulan. That's the name na nasa contact ko. Dati Ryle lang ang nakalagay na name sa number niya pero no'ng hiniram niya, iba na ang name pagbalik. I asked him about it and ang sagot niya lang, "you said you love rain so, i named myself 'ulan'."
Syempre, kinilig ako do'n sa sagot niya. Sino ba naman ang hindi?
May tricycle na huminto sa 'di kalayuan ko and alam ko nang si Ryle ang sakay n'on.
At tama nga ako. Bumaba siya at inabot ang bayad sa driver.
"Thankyou," aniya. Agad niya akong hinanap kaya inangat ko ang kamay ko para mapansin niya. Nakangiti niya akong nilapitan.
"Kumusta ang exam niyo?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Okay naman. Mahirap pero natapos ko rin," nakangiting sagot niya habang nakatingin sa akin. "Halika na."
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad at naghanap ng masasakyan. Pupunta kami sa kabubukas na café ng tita niya ngayon. In-invite kasi kaming dalawa kahapon. Eh, busy kaming dalawa kahapon kaya ngayon nalang.
May nahanap agad kami ng masasakyan.
"Naka-decide ka na ba kung saan ka magka-college?" tanong ko.
"I told you kung saan ka, do'n din ako." He smiled at me.
"Ryle." I looked at him. "Baka magalit ang mama mo."
He reached for my hands.
"Nagpaalam na ako. And she said okay lang," he said.
Napanguso nalang ako at hindi na nagsalita. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Bigla akong nahilo. Nahihilo kasi talaga ako kapag nakalalanghap ako ng usok ng sasakyan. Napatakip ako ng ilong nang mapansin kong traffic.
Mabuti na lang ay nakarating na kami sa café ng tita niya. I was amazed. The café is really comforting. 'Yong tipong kapag may problema ka, makikita mo lang ang designs ay mawawala na. I don't know what's the color of the walls and ng mga gamit but it's so relaxing.
"Uy, nandito na ang couple!" tili ng tita ni Ryle nang makita niya kami. Bahagya pa akong napayuko dahil saglit na napatingin sa amin ang ilan sa mga costumer nila.
Lumapit siya sa amin at nakipag-beso kay Ryle. Hawak ni Ryle ang isang kamay ko kaya mahina akong nahila ng tita niya.
"Mabuti naman, nakapunta kayo," nakangiting aniya sabay lingon sa akin. Ngumuso ito. "Akala ko talaga hindi kayo pupunta."
Niyakap ko siya at nakipag-beso. "Pwede ba 'yon, tita? Hindi lang talaga kami pwede kahapon, eh. Sayang nga. Mabuti na lang wala na kaming gagawin, eh."
"Hay, salamat naman." Hinaplos niya ang braso ko. "Kaya Ryle, umayos ka. Ang bait-bait nitong nililigawan mo. Huwag na huwag mong sasaktan."
Ryle chuckled. "As if naman sasaktan ko siya. I love her."
My face heated. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa kilig. Parati ko naman 'yang naririnig kay Ryle pero hindi ko pa rin talaga maiwasang kiligin sa mga pinagsasasabi niya. At lahat ng sinasabi niya ay pinaninindigan niya talaga.
Iginiya kami ng tita niya sa uupuan namin. Maya-maya ay dumating na ang pina-order ng tita niya.
"Ang saya-saya niyo. Sigurado ka bang hindi mo pa sinasagot 'tong pamangkin ko?" tanong ni tita sa akin.
"Hindi pa po," sagot ko. Nahuli niya kasi kaning nagtatawanan. Paano ba naman kasi, nilagyan niya ng whipped cream ang pisngi ko. Ginantihan ko naman siya. Hindi ko nga lang napansin na naparami ang nakuha kong whipped cream.
"Naku! Huwag mo na 'yang sagutin," biro niya.
"Bitter ka lang, tita," natatawang saad ni Ryle. Tinampal ko ang hita niya.
"Hindi, ah. Kailan ako naging bitter?" Humalukipkip siya.
"Tsk. You really want to know? Baka bigla ka na namang mag walk-out," pang-aasar ni Ryle.
Wala akong alam sa pinag-uusapan nila kaya kinain ko nalang ang cake na nasa tabi ko.
Hmm... Ang sarap. Chocolate, paborito ko.
"Shut up. Sige na. Mika, sa loob muna ako, ah," nakangiting paalam sa akin ni tita.
"Hoy, baka na-offend mo siya kaya umalis. Ikaw talaga." Pinunasan niya ang gilid ng labi ko.
"Okay lang 'yon. Kaya nga inaasar ko siya para makapag-move on na."
Pinag-usapan nalang namin ang nangyari sa araw namin. Wala naman masyadong ganap. Pagkatapos naming kumain ay niyaya niya na akong umuwi. Hindi pa sana ako papayag na ihatid niya kaso inutusan siya ng tita niya na ihatid ako. Wala naman akong choice. Baka kasi magalit.
Nang makarating kami sa harap ng gate ng bahay namin ay sumabay siyang bumaba sa akin.
"Oh? Bakit?" tanong ko.
"Nandiyan si Eya?" he asked, smiling.
I rolled my eyes.
"Wow. Siya ba nililigawan mo o ako?" biro ko. "Tsk. Syempre, nandiyan. Hindi naman 'yon marunong umalis ng bahay."
Alam kong may ibibigay siya kay Eya kaya pinapasok ko siya ng bahay.
"Ryle? Aba! Napadalaw ka," ani mama nang makita kami.
"Hinatid ko po si Mika. Si Eya po?"
Napairap ako at nilapag ang bag sa upuan.
"Si Eya? Teka, tatawagin ko muna. Nilalagnat 'yon, eh. Hindi kasi paawat. Sinabing hindi pwedeng maligo ng ulan. Kaya ngayon, ang resulta, nasa kama lang siya. Nakatulog buong araw."
"Ah. Ganoon po ba? Sige po. Huwag niyo nalang pong tawagin." May kinuha si Ryle sa bag niya. "Pakibigay nalang po."
Kinuha 'yon ni mama at pinasalamatan si Ryle. Syempre, hindi siya nakauwi agad dahil hindi naman papayag si mama na aalis siya ng bahay nang hindi kumakain.
Sabay kaming kumakain ngayon. Tapos na raw kasing kumain si mama dahil nakasabay niya si papa.
"I'm excited," Ryle suddenly said.
"Bakit?" tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.
"We're going to be a college student." Tapos na siyang kumain at hinihintay niya nalang ako na matapos. Hindi naman kasi ganoon karami ang kinain niya.
"Excited ka?" natatawang tanong ko. "Mabuti ka pa. Ako, masaya ako na makakasama kita pero hindi ako masaya na magka-college na ako. Nakapapagod."
"Love, malapit na tayo sa dulo. Kaunting tiis nalang," he said.
I sighed.
"Alam ko naman. Hindi ko lang talaga maiwasang isipin na mararansan kong umiyak dahil sa isang subject." Inalala ko ang nangyari sa akin no'ng nakaraan. "Ayaw ko nang umiyak dahil sa isang subject. Ang pangit ko pa namang umiyak."
Tinawanan niya ako.
"Who said that? Maganda ka pa rin kaya kahit umiiyak ka. Love, you're always beautiful."
Ayan na naman siya. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Nang matapos ko ay agad ko 'yong niligpit kasama ng pinggan ni Ryle.
"Huwag ka ngang pabigla-bigla mag pakilig," sabi ko sa kanya habang nilalagay ko sa isang tray ang mga pinggan.
Kinabukasan ay wala akong pasok kaya nasa bahay lang ako buong araw. Hindi naman ako makaalis ng bahay dahil kaming dalawa lang ni Eya ang naiwan sa bahay. Habang kausap ko si Ryle sa telepono, inaasikaso ko naman si Eya.
Sa dalawang taon na nililigawan ako ni Ryle, ilang beses ko nang naririnig sa mga kaibigan ko ang tanong kung kailan ko ba raw siya sasagutin. Sa totoo lang, gusto ka na siyang sagutin. Kaso pinapangunahan ako ng kaba ko at kilig ko, eh. Iniisip ko pa lang na sasagutin ko na siya parang mangigisay na ako sa kilig.
Makalipas ang ilang buwan ay college na akmi ni Ryle. Ang daming nagyari sa loob ng ilang buwan na 'yon. At ang isa sa mga magagandang nagyari ay ang araw na sinagot ko siya.
Iyon ang gabi na hinding-hindi ko makakalimitan. It was his birthday. Ang plano ko lang no'n ay sosorpresahin ko siya pero habang patagal nang patagal, mas lalo akong nagkalakas ng loob para sagutin siya. Hindi man planado pero alam kong hinding-hindi namin 'yon makakalimutan.
Saksi ang mga magulang at kaibigan namin kung paano ko siya sinagot. Nasaksihan nilang lahat ang unang yakap namin bilang couple.
I feel like I'm floating.
"Wala ka na bang bibilhin?" Ryle asked. Bumibili kami ngayon ng pagkain dahil lunch.
"Okay na 'to," sagot ko. Napatingin ako sa mga babaeng nakatingin kay Ryle. Kung makatingin parang wala ako sa tabi, ah.
Kanina pa talaga ako naiinis sa kanila. Ito namang si Ryle, mukhang nagugustuhan pa ang patingin-tingin nila.
"Okay ka lang?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Umiwas ako ng tingin. Baka magkaroon pa ng galt sa akin 'ying mga babae.
"Okay lang," bulong ko at tinalikuran siya. Parang nakawawala ng respeto, eh.
Marami talaga ang nagkakagusto kay Ryle. Lalo na ngayon na college na kami. Minsan nga nababalitaan ko na lang, shini-ship na siya sa ibang babae. And it hurts. Alam nilang may girlfriend na si Ryle at ako 'yon. Parang wala silang pake sa nararamdaman ko.
"Mika," tawag sa akin ni Ryle at hinabol ako. Hindi ko siya pinansin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sa kanya.
"Why? Anong problema?" kunot-noong tanong niya. Bumaling ako sa likuran niya. Nakatingin pa rin 'yong mga babae.
Bakit ba sila tingin nang tingin? Hindi ba nila alam na may girlfriend na ang lalaking tinitigan nila? Hindi ba nila alam na ako 'yon?
Well, hanggang tingin nalang sila dahil boyfriend ko si Ryle! Boyfriend.
Nilingon ni Ryle ang tinitingnan ko. Bumaling ulit siya sa akin at matunog na bumuntong-hininga.
"Love, I'm yours. Huwag mo silang pansinin kasi wala naman akong pakialam sa kanila," he stated.
Kahit papaano ay kumalma ako sa sinabi niya. The way he said na akin lang siya, parang mahihimatay ako sa kilig. He never claim me as his. He always give himself to me. Kahit hindi ko hilingin. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na kahit anong mangyari, sa akin lang siya. Ganoon din ako sa kanya.
"Kung makatingin kasi... parang gusto ka nilang agawin sa akin," nakanguso kong wika. Nagseselos ako. Sa mga titig kasi nila kay Ryle, parehong-pareho kung paano ko rin titigan si Ryle. Iniisip ko tuloy na may feelings 'yong mga babaeng 'yon sa boyfriend ko.
He chuckled. Inakbayan niya ako at sinabayan sa paglalakad.
"Love, walang mang-aagaw sa akin. Okay? Kasi hindi ako magpapaagaw. Sa'yo lang ako." Hinalikan niya ang sintido ko. "Kumain na nga lang tayo."
I pouted. Naghanap kami ng mauupuan at do'n kumain.
Habang tinititigan ko ang napakagwapo niyang mukha, hindi ko mapigilan na purihin ang sarili ko. I can't believe na he's into me.
Dati, nahihiya pa ako sa kanya dahil hindi ko alam kung alam niya bang may gusto ako sa kanya. Dati, nauutal ako kapag kausap ko siya. Dati, iniisip ko na wala na akong pag-asa. Dati, lagi kong pinipigilan ang sarili ko na mahalin siya nang sobra-sobra. Dati, naghahanap pa ako ng nga rason para lang makalimutan ko siya.
Lahat ng 'yon nagbago no'ng umamin siyang gusto niya ako. Hindi na ako nahihiya sa kanya dahil alam namin ang na may nararamdaman kami sa isa't-isa. Hindi na ako nauutal dahil komportable na akong kausap siya. Malaya ko nang pinapakita kung gaano ko siya kamahal. Kung dati ay nagpupurisigi akong kalimutan siya, ngayon ay nagpupurisigi akong patibayin ang kung anong mayroon sa amin.
I never thought we would end up together.
Akala ko, pagmamasdan ko lang siyang maging masaya sa iba.
Parang gustong sumabog ng puso ko sa t'wing sinasabi niya sa akin na mahal niya ako.
I remember when we're invited in a debut celebration. Napakaraming tao sa loob ng venue. Nauna akong dumating kaya hinihintay ko siya. Habang hinahanap ko siya, nakitang ko siyang hinahanap din ako. Then, I remember this one comment I read somewhere.
'And anyone could tell if the two of them locked into a room full of people, they would always be looking for each other.'
Because of that, I concluded that we are so inlove with each other.
I am so happy and lucky that I am part of his life. He is not vocal. But he is so clingy. And 'yon ang isa sa mga minahal ko sa kanya. Dati, ayaw ko sa mga taong clingy dahil ganoon ako. Pero no'ng dumating siya sa buhay ko, parang nagbago. Gusto ko na ng clingy. Pero dapat si Ryle. Wala ng iba.
"I love you," he whispered. Kararating lang namin sa bahay at hinatid niya ako.
"I love you." I smiled and hugged him tightly.
I think—I'm sure, nasa tamang tao na ako. If he's not the right person for me, huwag na lang.