"Ma!" sigaw ko. Bahala na kung mapapagalitan ako sa pagsigaw ko basta mahanap ko lang 'yong notebook ko.
Kanina ko pa hinahalughog ang bag ko pati na rin ang cabinet ko kaso hindi ko talaga nakita. Kailangan na kailangan ko 'yon bukas dahil magche-check ang teacher namin sa ap at esp.
Bumukas ang pinto at tumambad si mama na nakakunot ang noo.
"Ano ba? Tanghaling tapat tapos ang ingay-ingay mo," kunot ang noong aniya. Halatang galing siya sa pagwawalis dahil may dala pa siyang walis sa kanang kamay niya.
Naiiyak kong kinamot ang ulo ko.
"'Yong notebook ko, nawawala. Nilagay ko lang 'yon do'n." Tinuro ko ang isang maliit na mesa malapit sa cabinet ko.
"Eh, hanapin mo. Parang baliw. May mata ka naman. Huwag puro bibig gamitin."
Pinagalitan pa nga.
"Eeeee, hinanap ko na nga. Tingnan mo, magulo na ang kwarto ko. Ma," naiiyak na sabi ko. Nakaupo na ako ngayon sa sahig at parang bata na sumisipa-sipa.
"Tsk! Hanapin mo lang diyan." Lumabas agad siya.
"Sana 'di masarap ang ulam ng kumuha ng notebook ko," banta ko sa kawalan.
Kaya naman kinabukasan ay problemadong-problemado akong pumasok. Wala agad ako sa mood pag-upo ko.
Pwede ko naman sigurong pakiusapan si ma'am mamaya.
"Bakit kasi 'yong notebook pa na 'yon?" naiiyak na tanong ko sa kawalan.
Mayamaya pa ay nagsidatingan na rin ang mga kaibigan ko.
Nag-usap lang kaming dalawa ni Kim at Claudine habang hinihintay ang sina Bea, Bethany, Lia at Quicyll.
"Hoy, nakita niyo ba 'yong notebook ko na orange? 'Di ba, hiniram niyo 'yon?" tanong ko kay Kim.
Bukod kasi do'n sa kwarto ko, naalala ko rin na hiniram nila 'yong notebook ko no'ng isang araw.
"Sinauli ko na 'yon sa'yo," kunot-noong sagot niya.
Kumibit-balikat naman si Claudine.
"Basta ako hindi ko 'yon hiniram," ani Claudine.
"Bakit? Nawawala ba?" tanong ni Kim habang subo ang isang rebisco.
"Hahanapin ko ba kung hindi nawawala?" I sarcastically asked. Peke pa akong ngumiti sa kanya. "Syempre, nawawala. At saka, ang aga-aga, kumakain ka na."
"Pag inggit, pikit," wika niya sabay subo ng pagkain.
Duh, para namang naiinggit ako sa pagkain niya.
Nag-usap nalang kami ni Claudine. Hindi ko nalang kinausap si Kim dahil nga kumakain pa siya. Inaasar niya ako, eh, baka mapikon ako.
Habang nag-uusap kami ni Claudine ay sabay na dumating si Bea at Lia. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko kung ano ang hawak ni Bea. Nilapag niya 'yon sa mesa ko.
"Shemay... Akala ko nawala," mangiyak-ngiyak kong saad. Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Paano 'to napunta sa'yo?"
"Huh? Nagpaalam kaya ako sa'yo no'ng uwian," sagot niya.
"Wala akong maalala," wika ko. As in. Siguro hindi ko labg siya narinig. "Ah, basta! Atleast, nandito na ang notebook ko."
Naglinis na kami agad nang dumami na kami.
Wala kaming masyadong subject teacher na pumapasok ngayon dahil nga pa end na ang school year. Busy rin ang iba sa amin sa pag-gawa ng mga projects na hindi pa nila napasa.
Mabuti nalang talaga hindi nawala ang notebook ko. Hindi ko na kailangang magsulat ulit.
Malapit nang ibigay sa amin ang clearance kaya kailangan na naming kompletohin lahat ng requirements para madali na ang pagpirma ng nga teachers. Dahil nga patapos na ang school year, tine-treasure na namin ang mga tike na magkasama kami. Baka kasi isha-shuffle kami next year.
Grade 9 is really the best grade for me. Dito ko naranasan na kiligin nang sobra. Alam ko namang magkikita pa kami next year pero mami-miss namin ang isa't-isa, eh.
"Awww, si Mika ay malungkot dahil hindi niya makikita si ryle nang dalawang buwan," pakanta-kanta pa ni Kim.
Last day namin ngayon sa school. Sabay kami ni Quicyll, Kim at Claudine na pumunta sa school para ipasa ang clearance namin. Mabuti nga na-kompleto ko lahat.
"Sus, anong silbi niyang dalawang buwan? Hindi pa rin naman magbabago ang feelings niya kay Ryle. Parang naka-tattoo na 'yon sa isip niya," sabat pa ni Quicyll.
Napairap ako sa mga pinagsasasabi nila. Parang wala ako sa tabi nila, ah.
"Ginayuma ka siguro ni Ryle," natatawang ani Claudine.
"Tsk! Anong gayuma? Asa! Kung ginayuma niya ako, eh, sana kami na ngayon, 'di ba? Kung ginayuma niya ako, ibig sabihin n'on gusto niya akong mahulog sa kanya. At ibig sabihin n'on, may gusto siya sa akin. Eh, wala naman siyang gusto sa akin! So, hindi niya ako ginayuma!"
"Naniwala ka rin?" natatawang tanong ni Quicyll.
Pumunta kami sa isang convenient store pagkatapos. Since, bakasyon na, sinusulit na namin ang last day namin as grade 9 sa school. Alam ko namang magkikita pa rin kami kahit na bakasyon.
"Ikaw na bumili ng mga gamit mo. Kaya mo naman," sigaw ni Mama.
Believe me, may sermon na naman 'yang kasunod.
"Grade 10 ka na tapos hindi ka pa rin marunong pumunta sa mall. Ano 'yan? Bata ka ba?"
"Haaaay... Si mama, paulit-ulit," bulong ko.
Mabuti nalang nasa sala siya. Nasa sala nga siya pero 'yong boses niya rinig na rinig ko pa rin. Tapos 'yong mga sinasabi niya, kaunti nalang ay mame-memorize ko na. Ilang beses niya nang sinabi na ang tanda ko na raw para umasa pa sa kanya para bumili ng gamit ko.
Eh, paano ako matututong bumili mag-isa? Hindi nga ako pinapayagan lumabas nang mag-isa.
Kaya naman 'yon ang ginawa ko. Binigyan niya ako ng limang daan. Feel ko may sobra pa kaya napagplanuhan kong kumain sa isang fast food chain. Syempre, nagpaalam ako.
Ngayong grade 10 na ako, ang dami ko nang pinagbago. Minsan nga naiinis o di kaya naman ay naki-cringe ako sa mga pinaggagawa ko dati. Pero atleast may natutuhan ako. Ang dami kong na-realize.
Maraming mawawala sa batch namin kaya nalulungkot ako. Ang iha kasi sa kanila ay lilipat ng ibang school. Sana tinapos nalang nila. Isang taon nalang naman, eh.
I was busy packing my things when my sister came.
"Oh, ano?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.
"Papel."
"Aanhin mo na naman?" tanong ko habang kinukuha ang isang pad na papel.
"Sulat."
Jusmeyo. Bakit kasi nauna akong pinanganak?
Kumuha ako ng tatlong papel at inabot sa kanya.
"Oh. Huwag mong itapon kung saan-saan, ha. Ako na naman mapapagalitan ni mama," banta ko sa kanya.
Tumango siya at nakangiting kinuha ang papel. Alleyah, my 5 years old sister. Close kami pero dahil nga pasukan na bukas, hindi ko siya masyadong nakakahalubilo. Tinuturuan kasi siya ni mama na magbasa. Gusto ko sana na ako ang magturo pero baka raw awayin ko lang si Eya.
Kinabukasan ay sinadya ko talaga na maagang magising. Syempre, first day of school! Makikita ko na ulit sila!
Hindi kami nagkita no'ng nakaraang buwan dahil ang iba sa amin ay nag bakasyon talaga. Mabuti nalang hindi ako na bored. Ang ingay nila sa f*******:, eh.
"Ma!" sigaw ko nang makalabas ako ng kwarto ko. I'm ready! Naka-complete uniform na ako. May suot na ID at necktie. Nasa bag ko na rin lahat ng gamit ko. Pati ang buhok ko ay maayos na nakatali.
"Ang aga-aga, Mika. Kumain ka na," wika niya kaagad. Hindi ko pinansin ang busangot niyang mukha.
Sabay kaming tatlong kumain. At pagkatapos naming kumain ay ibinilin agad sa akin ni mama si Eya. Hinatid ko muna siya sa school niya bago ako sumakay papunta naman sa school ko. Malapit lang sa bahay namin ang pinapasukan ni Eya kaya madali ko lang siyang maihahatid.
Excited akong bumaba sa sasakyan nang makarating kami sa harap ng gate ng paaralan ko.
Ramdam na ramdam ko talaga ang first day! Sigaw rito, sigaw roon. May ibang estudyante na hindi maka-relate dahil bago lang sila.
Alam ko naman kung ankng section ako dahil hindi naman kami pinaghihiwalay. Tumakbo agad ako papunta sa room namin. Akala ko maaabutan ko silang lahat sa loob ng classroom.
"Kim!" sigaw ko nang makita ko siyang may hawak na walis. Doon ko lang din napansin na halos lahat pala ay naglilinis.
Ay? Wala bang brigadahang naganap no'ng nakaraan? Bakit naglilinis?
Nang makita niya ako ay niligon niya muna ang isang teacher. Nang hindi ito nakatingin sa kanya, agad siyang tumakbo sa akin.
"Oh my!" Natakpan ko ang aking bibig. "Your hair. Bakit ka nagpa-rebond?" naiiyak kong tanong.
Sayang ang buhok niya.
"Oo. Okay ba? Bagay ba sa akin?" tanong niya habang hinahaplos ang sariling buhok.
"Syempre! Teka... bakit nasa labas kayo?" tanong ko. Hindi ko nakikita sina Quicyll, Bea, Claudine, Lia at Bethany kaya nilingon ko ulit siya.
"Napadaan kasi kanina 'yong terror na teacher. Ewan ko ba. Komportable na kaming nakaupo kanina, eh. Tapos bigla siyang dumating para ipalinis sa amin ang harap ng building," sagot niya sabay irap.
Sinabi niyang naglilinis din ang lima naming kaibigan. Akala ko pa naman mae-experience ko 'yong scene na tatakbo ako papunta sa kanila tapos tatakbo sila papunta sa akin. Tapos magyayakapan kami. Nasira tuloy imagination ko dahil pinalinis agad kami. Tinulungan ko nalang si Shane na pumupulot ng bato since, wala ng walis.
Habang kumukuha ako ng bato, pasimple kong nililingon si Ryle na pinapahakot ng mga sanga. Walang nagbago sa kanya. Gwapo pa rin siya. He still makes my heart beat fast. Nagtataka talaga ako. Ilang beses ko nang tinangkang kalimutan siya. Ilang beses ko nang sinabi na nagmomove-on na ako. Pero... hanggang ngayon, hindi ko pa rin nagagawa dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko pa rin siya.
Shems! Ryle, ano bang meron ka?!
"Mika, hinay-hinay. Walang aagaw niyan," bulong ni Shane.
"Tsk. Hindi naman ako sa kanya nakatingin." Inirapan ko siya.
Umiingay na ang paligid dahil parami na nang parami ang pumapasok na mga estudyante. Palakas na rin nang palakas ang panenermon ng isang teacher sa tabi.
"Deny. Deny. Deny." Iniwan niya ako para ilagay ang nakuha niyang bato sa isang sako.
"Hindi naman talaga," nakangusong bulong ko.
Ang hirap umamin.
Matapos kaming pinaglinis, pinapasok na agad kami sa room. Parang walang nagbago sa new classroom namin. Feel ko grade 7 pa rin ako. Pare-pareho lang kasi ang design ng lahat ng classrom sa building namin.
Our first day is so memorable. Since, kilala na namin ang isa't-isa, hindi na kami pinag-salita sa harap para magpakilala. Halos lahat din ng teachers, eh, kilala kami.
Kung no'ng first day ay ang aga kong nagising, ngayong 2nd grading na ay lagi na akong late.
Sa umpisa lang talaga masaya.
"Walang quiz ngayon, 'di ba?" tanong ni Claudine.
"Wala ata. At saka, sabi nila absent daw si Ma'am Ariela," sagot ko sabay subo ng binili kong mais.
Nasa canteen kami ngayon. May binili pa si Kim at Bethany kaya naghintay muna kami.
"Sino nagsabi naabsent siya?"
"Sila. Narinig ko lang. At saka, bakit parang malungkot ka na absent si Ma'am? Mas okay nga 'yon kasi walang quiz," kunot-noo kong wika.
Minsan naguguhan na ako sa kanya. Parang mas gusto niyang may pasok lagi.
"Hindi naman. Okay nga 'yon pero sayang 'yong review natin, eh. Baka makalimutan." She pouted.
"Tsk. Hindi ko nga makalimutan si Ryle, 'yong ni-review ko pa kaya."
Mahina niya akong tinampal.
"Ikaw talaga. Akala ko ba nagmomove-on ka na?"
"Na-delay, eh. Next time nalang daw," biro ko.
Inirapan lang ako ni Claudine. Bumalik agad kami sa room nang makalabas na sina Bethany at Kim. Pagkarating namin sa room ay naabutan namin sila na nakaupo na sa sahig. Nasa gilid na rin ang mga upuan.
"Anong meron?" tanong ko kay Bea. Nilapag ko na rin sa mesa ang pinabili niya.
"Maglalaro raw sila. Ewan ko ba diyan sa kanila."
Umupo ako sa tabi niya at tiningnan silang tumatawa habang nakapabilog. Halos mga babae ang nasa bilog. May dalawang lalaki rin. Ang iba naman ay nasa likod at nay hawak na mga gitara.
Pinigilan kong mapangiti nang makita ko si Ryle na nakaupo at may hawak na gitara.
Paano ako makakapag-move on niyan? Lahat na lang ng ginagawa niya ay napapangiti ako. Kahit na wala siyang ginagawa, parang natutunaw ang puso ko.
"Mika, dito ka," tawag sa akin ni Shanw at tinapik ang espasyo sa tabi niya.
"Bakit?" tanong ko. Hawak ko pa rin ang mais na binili ko kanina.
"Sali ka. Kayo rin," aya niya sa mga katabi ko. Para naman hindi kami ma-op, hinila ko sina Kim at Lia. Sumunod naman sina Bea, Bethany, Claudine at Quicyll.
"Anong gagawin?" tanong ki kay Shane. Nag-uusap pa rin ang iba naming kaklase kaya hindi ko alam kung ano ang talagang gagawin.
"Truth or dare."
Nanlaki ang mata ko at umambang tumayo.
"Eh? Ayaw ko," sabi ko pero hinila niya ako pabalik. Nagtaka naman ako nang hindi man lang bumalik sa upuan namin kaninaang mga kaibigan ko. Wala tuloy akong kasama na unatras sa larong 'to.
"Oh? Sali kayo?" masayang tanong sa amin ni Lyra. Tumango si Bea.
Alam ko kung gaano kahirap ang mga tanong at pinapagawa nila kapag ganito ang laro.
"Start na!" wika ng kaibigan ni Lyra. Siya ang unang umikot ng bote.
Ang sabi nila ay kung kanino nakaharap ang takip ng bote ay siya ang tatanungin ng truth or dare. Ang naturo naman kabilang side ang siyang magtatanong.
"Jake!" tumatawang tinuro ni Lyra si Jake. "Jannah, ikaw magtanong."
Magkaibigan sina Lura at Jake kaya natawa ako nang lumapit si Lyra kay Jannah para bumulong.
"Hoy! Dapat si Jannah lang," protesta ni Jake.
Hindi pa rin nagpaawat si Lyra.
"Ahm." Tumingin si Jannah kay Jake pagkatapos ay kay Claudine.
Claudine? Bakit sa kanya?
Tiningnan ko rin si Claudine na busy sa pag-kain. Parang hindi nga siya nakikinig sa laro, eh.
Pinalobo ko ang aking bibig para hindi ako makangiti. Baka kasi pag nakita nila ako ay tutuksuhin nila ang dalawa. Alam ko na kung aning mayroon. Hindi naman bago sa akin 'yon. Parang normal lang sa akin na malaman na may nagkakagusto kay Claudine. Maganda siya, eh. Sobrang ganda.
Jannah smirked. "Yakapin mo si Claudine."
Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko. Ganoon din si Claudine na napatigil sa pagsubo.
"Bakit ako?" she asked softly.
"Yiee!" nagsimula na silang magtilian.
"Sige na, Jake. Hug lang," panunukso ni Lyra
Nakitawa na rin kami nang namula bigla si Claudine. Parang may kung ano, ah. Mukhang may ikukwento sa amin si Claudine mamaya.
"Eh? Hindi niyo pa nga ako tinatanong kung truth ba or dare," nakakunot ang noo na reklamo ni Jake.
Oo nga no.
"Tsk. Sige na nga. Truth or dare?" si Lyra.
"Truth," nakangising sagot ni Jake.
Akala niya siguro makakatakas siya.
"Hmm. Go Jannah!" tili ng mga kaibigan ni Lyra.
Tahimik lang akong nakangisi sa gilid habang pinapanood sila na tinutukso si Jake at Claudine. Jannah asked Jake kung gusto niya ba raw si Claudine. I am expecting na ide-deny 'yon ni Jake. Kahit ako. Kahit na alam kong gusto ko ang isang tao, never akong aamin. Bahala sila.
"Wow! Walang deny-deny. Palakpakan si Jake!" Pumalakpak kaming lahat sa sinabing 'yon ni Lyra.
Hmm. Humanda ka sa amin mamaya, Claudine. May bago na naman kaming panukso sa kanya.
Nagpatuloy lang ang laro namin. Ilang beses nang napipili si Shane kaya palagi akong kinakabahan. Paanong hindi, eh, katabi ko siya. Wala sa room namin ang crush niya kaya puro truth lang ang pinipili niya.
"Hoy, may favoritism 'tong boteng 'to, ah. Naiinis na ako," nakasimangot na ani Shane. Muli kaming natawa. "Truth ulit."
"Ano ba 'yan? Parati nalang truth. Dare na naman," pamimilit ni Ella.
"Sige na nga. Anong dare?"
Dahil si kay Ella nakatutok ang isang side sa kanya kami nakatingin. Unakto siyang nag-iisip. Habang nakatingin ako sa kanya, lumuhis ang mata ko sa likuran niya.
Nakangiti si Ryle. Ibang-iba ang ngiti niya. Naalala ko tuloy ang ballroom namin. That was the best day of my life. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ngiting 'yon. Dahil sa ngiti na 'yon, hanggang ngayon gusto ko pa rin siya.
Nakauusap ko siya pero minsan lang. Katabi ko nga siya sa upuan pero hindi naman lagi magkatabi kami. Tinatawag kasi siya ng mga kaibigan niya para lumipat ng upuan. Tuloy ako na lang mag-isa sa linya namin.
Pag nag-uusap kami, tungkol lang din sa mga assignment. Minsan kasi hindi ko naiintindihan ang ibang lesson kaya sa kanya ako nagtatanong. Syempre, daan na rin 'yon para makausap ko siya. Naguguluhan na rin ako sa kanya, minsan. May mga kilos kasi siya na parang iba ang kahulugan sa akin. Hindi ko na lang pinapansin dahil baka ako pa ang aasa sa dulo.
Ngayong naka-upo siya at may hawak na gitara, parang gusto kong sumigaw. Ang lakas ng dating niya! Kahit naman anong anggulo. Ang swerte ng magiging girlfriend niya. Sigurado akong haharanahin siya nito palagi.
Alam kong nasasaktan ako sa mga iniisip ko pero oaky lang 'yon. Mas mabuti nga na ako na ang manakit sa sarili ko. Hindi ko siguro kaya kung si Ryle mismo ang gagawa. Sinasanay ko lang ang sarili ko. Lagi kong iniisip na magiging masaya ako kapag may nakarelasyon na si Ryle. 'Yon lang naman ang magagawa ko kapag dumating ang araw na 'yon. Ang maging masaya sa kanila.
Hindi na ako aasa na magugustuhan niya ako. Hindi sa pagiging "sadgirl" pero halata naman. Sa lahat ng mga babaeng nagugustuhan niya, hindi ko naaabot. Kung titingnan ko, kailangan ko pang maging katulad nila para magustuhan lang ni Ryle. But I'm not that person na kayang magbago para sa isang tao. Kapag nagbago ako, ginawa ko 'yon para sa sarili ko.
Hindi ko namalayan kung gaano na 'ko katagal na katangin kay Ryle. Natauhan lang ako nang bigla silang nagtilian. Kumunot ang noo ko at niligon kung ano ang dahilan bakit sila tumili. Nakita kong nakatutok ngayon kay Shera ang bote. Habangang isang side naman ay nakatutok kay Lia.
"Okay. Truth or dare?" tanong ni Lia. Sa awra pa lang ni Lia, talagang sasagot ka talaga agad.
"Dare," nakangiting sagot ni Shera. Hindi ko alam, ah. Pero kapag nakikita ko siya, naiinis ako. Wala siyang ginagawa pero naiinis ako. Lalo na ngayon.
Tahimik lang ako. Hinihintay ko ang ipapagawa ni Lia. Sana lang hindi ako maaapektuhan.
"Magpa-picture ka kay Ryle. Dapat nakaakbay ka sa kanya."
Huh?
"Ayiee! Go, Shera!" agad naman na nagtilian ang iba. Tiningnan ko si Lia na nakangiting pinagmamasdan si Shera. Hinihintay niya itong tumayo. Nakatingin sa akin si Bea.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Hinsi ko siya sinagot. Umiwas lang ako ng tingin. Ayaw kong magsinungaling kaya hindi nalang ako sasagot. Parang hindi nila alam na kasali ako sa laro, ah. Sabagay, wala naman silang pake.
"Sige na, Shera."
"Wait. Kukunin ko cellphone ko," aniya pagkatapos ay tumayo.
"Okay ka lang? Tumahimik ka bigla, ah," si Shane.
Napailing ako at mahinang natawa. "Wala. May naisip lang ako."
Hindi na siya nagsalita muli. Bakit ganoon? Alam ni Lia na gusto ko si Ryle. Bakit?
Hindi ko alam kung malulungkot, magagalit, magtatampo o maging masaya ako sa nangyayari ngayon.
"Madapa ka sana," bulong ko. Hawak ko pa ang mais na binili ko kanina sa canteen. Hindi ko pa naitapon. Tinatamad akong tumayo, lalo na ngayon.
"Ooh!" napalingon ako sa sigaw nila. Bakita ko na nakahawak na si Shera sa may upuan.
"Grabe, bakit mo kasi hiniling. Nadapa tuloy," sabi ni Shane sa akin. Gusto kong mamangha. Mukhang pabor sa amin ang oras ngayon.
"Narinig mo?" Nanlaki ang mga mata ko. "Joke lang 'yon, ah."
"Tsk. Deserve niya 'yon," aniya saka umirap.
Anong problema niya? Mukhang ang laki ng galit ni Shane kay Shera, ah. Ano kayang mayron?
Hmm, bahala sila. Basta ako, naiis ako.
Nakatutok lang ako sa mga galaw ni Shera. Nakaupo pa rin si Ryle habang nasa katabi niya na ang gitara. Nakikipag-usap nalang siya sa mga kaibigan niya. Alam kong narinig niya ang iniutos kay Shera. Ayaw niya ba n'on?
Sa lahat ng nili-link kay Ryle, kay Shera lang ako hindi komportable. Hindi ko alam. Basta ayaw ko lang. Hindi naman sa ayaw ko talaga kay Shera.
"Dapat nakaakbay, ha," paala ni Lyra. Hindi ko piannsin si Lia nang tinawag niya ako. Nakatutok lang ako sa paglapit ni Shera kay Ryle.
Nasa harap na siya ngayon ni Ryle pero hindi pa rin siya nito pinapansin. Ano ba naman 'tong lalaking 'to? Hindi man lang papansinin? Famous?
They all started teasing Ryle and Shera. My hwar beats so fast. Sa sobrang bilis ay muling bumalik sa akin ang isang panaginip ko. Hawak-hawak ni Ryle ang kamay ni Shera habang maingat na inaalalayan papunta sa stage.
Sobrang sakit tingnan. 'Yong lalaking pinapangarap mo, nakuha ng iba.
Ang tagal na ng panaginip na 'yon. Bakit bumabalik pa rin?
Sa isang kurap ay bumalik ako sa reyalidad.
"Okay. Ano na ang pag-uusapan natin?" tanong ko namg makaupo kami.
Ganoon ba talaga ka-imporatante ang pag-uusapan namin para harap-harapan talaga?
"Hindi ko alam kung pano sisimulan. Mika, simula no'ng sinabi mong manhid ako, napaisip ako. I know that this is so sudden. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko."
Hindi ako nagsalita. Gulong-g**o na ako, eh. Ayaw kong pangunahan ang mga sinasabi niya baka magkamali pa ako.
"My ego got hurt when you said na manhid ako. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung totoo ba 'yon. But then, I realized na it's true." Tiningnan niya ako. "Napapansin kita. Alam ko kung anong nararamdaman mo sa akin. Alam ko na sa bawat titig mo sa akin, may nararamdaman ka. I'm sorry if I am so insensitive. I'm sorry kung naging manhid ako sa paningin mo."
Napakurap ako sa mga sinasabi niya. Totoo ba 'to? This is the first time na sinabi niya sa akin na alam niyang may nararamdaman ako sa kanya. Sa bawt salitang binibitawan niya, kung saan-saan na pumupunta ang isip ko.
"I know that you like me. I know that you have feelings for me. Alam kong nasasaktan ka. And it's hard to admit because they might say na ang bata-bata mo pa para isipin ang mga bagay na tungkol sa pag-ibig. Ang hirap aminin sa ibang tao na nasasaktan ka."
Napalunok ako. Bakit parang mas naiintindihan niya pa ako? Isa sa ayaw kong sabihin sa mga kaibigan ko ay ang 'nasasaktan ako'. Alam ko naman kasi ang sasabihin nila. Sasabihin nila na kailangan ko na siyang kalimutan. As if, napakadali n'on. Sasabihin ng iba na ang bata mo pa para isipin na nasasaktan ka. Kailangan ko raw munang unahin ang pag-aaral ko. Kaya natatakot akong sabihin, eh. Hindi nila maintindihan. Ang hirap gawin ng mga sinasabi nila. Ang hirap kalimutan ng taong tumatak na sa puso't isipan mo.
Gustuhin ko mang sundin ang mga sinasabi nila pero hindi magawa. Hindi ko mapigilan ang sariki ko. Feelings ko 'yon, eh. Hindi ko kayang makontrol 'yon. Hindi ko kayang pigilan.
"Naiintindihan kita. I'm just like you. It's... so hard to confess. Mika, I know it's weird to say but... I like you. Simula noong una kang nakita ng mga mata ko. Wala akong chance na umamin sa'yo dahil kahit kanino na lang ako tinutukso ng mga kaibigan ko. Kaya nahihirapan akong umamin sa'yo. Pero noong nalaman ko na may gusto ka sa akin, nagkaroon ako ng lakas ng loob. Aamin na sana ako sa'yo, eh. Kaso, naunahan ako ng mga kaibigan ko. Sinabi nila na may gusto ako kay Shera kahit na hindi 'yon totoo."
I feel like I'm going to cry. Hindi ko alam na may something sa kanila ni Shera. Bumalik ulit sa akin ang panaginip ko.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Wala akong masabi sa mga inamin ni Ryle. Larang hindi pa nagsi-sink in sa akin lahat.
"Shera did. Umamin siya sa akin but I never fold them na gusto ko siya. Kaya noong nalaman ko na after 3 years and you're still into me, nawala na 'yong lakas ng loob ko na umamin. Natatakot ako na baka sabihin mo na tine-take advantage ko lang 'yong feelings mo sa akin. Kaya minsan, sa maliliit na bagay ko nalang pinapakita at pinaparamdam sa'yo na gusto kita."
"Mika, hindi ako manhid. Alam ko kung anong nararamdaman mo. Natatakot ka ring umamin kasi baka ma-reject ka. I know na takot kang ma-reject. Hindi mo lang napapansin pero tahimik lang akong pinagmamasdan ka. Inoobserbahan ko lahat ng kilos mo. Inaalam ko lahat ng ayaw at gusto mo. Para kung sakali man na may mangyari, alam ko ang gagawin ko. Mika, matagal ko na 'tong kinikimkim at ngayon lang ako nagkaroon ulit ng lakas ng loob."
Alam kong umiiyak na ako. Hindi ako sanay sa mga pinagsasasabi ni Ryle. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"You make me feel special. Sa paraan pa lang ng mga titig mo sa akin, pakiramdam ko ako na ang pinakagwapo sa lahat."
Ikaw naman talaga.
"Mika, ngayon ko lang 'to naramdaman sa isang babae. Sa'yo lang ako nahihiya. Sa'yo lang ako ngumingiti. Sa'yo ko lang binibigay ang pake ko. I hope okay na lahat ng sinabi ko para bawiin mo 'yong sinabi mong manhid ako."
I chuckled as I wiped my tears away.
Okay na sana, eh. Pero mukhang nasaktan talaga siya sa sinabi ko.
"Sige. Hindi ka na manhid. Basta hindi ako clueless," ani ko sabay ngiti.
Ganito pala ang pakiramdam ng totoong kilig.
He smiled at me. His smile is so familiar. Sa pagkakatanda ko, huli ko 'yong nakita sa labi niya ay no'mg ballroom namin.
"Mika," he sighed. "I am so nervous to ask you this but..."
'Yong mga nararamdaman ko, hindi ko na maintindihan. Kanina ay kinakabahan ako pagkatapos ay nagulat ako. Sunod naman ay napaiyak ako tapos kinikilig. Ngayon naman bumalik ang kaba ko.
Hinihintay ko ang tanong niya kaya mas lalo akong kinakabahan.
"Pwede ba kitang ligawan?"
I stilled. Feel ko gumuho ang mundo ko in a good way. Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya at hindi makapagsalita.
Totoo ba 'to? He just asked me if he could court me!
Tulala ako. Kinurot ko ang sarili ko para malaman kung nananaginip ba ako o hindi. Masakit ang pagkakurot ko kaya mas lalo akong nanatiling tulala at gulat.
Mahihimatay ata ako sa saya.
"Yes!" napalingon ako kung sino ang sumigaw n'on.
Napatayo agad ako nang makita ko si Eya sa may pintuan. Nasa likuran niya sina mama at papa. Hindi ko alam kung kanina pa ba sila nakatayo sa may pintuan o kararating lang nila.
"Anong sagot mo, anak?" my father asked me while smiling.
Bumaling ulit ako kay Ryle.
"Totoo ba 'to?" gulat pa ring tanong ko. "Teka, kung panaginip 'to, huwag niyo na akong gisingin. Please!"
Natawa sila sa sinabi ko.
"Mika, you're not dreaming." Ryle placed hid hand on my hand. Parang gusto kong magwala.
Akala ko, sa panaginip ko lang mangyayari ang nga ganitong eksena. Akala ko, pati sa real life, hindi kami pwede. Akala ko, hinding-hindi niya ako magugustuhan. Akala ko, akala ko lang lahat ng 'yon.