"Hoy, kanina ka pa tulala. Anong meron?" tanong ni Bethany sa akin.
Matapos mag sink in sa akin 'yong panaginip ko, parang hindi na ako maka-concentrate. At alam kong magiging aligaga na ako mamaya lalo na't kapartner ko si Ryle.
Hindi pa nakakarating si Ryle dahil daw may inaasikaso. Kanina naman, habang tinuturuan kami ni Alyanna ng steps ay hindi ko nasusundan. Mabuti nalang pina-upo niya muna kami para hintayin ang iba pa naming kasama.
"Wala," sagot ko.
Alam ko namang mapipilit agad ako ni Bethany na umamin pero gusti ko munang pahabain. Ayaw ko namang umamin agad.
That dream really bothers me. Alam ko namang panaginip lang 'yon pero hindi pa rin maalis sa isip ko na baka may something nga kay Shera at Ryle.
Dahil sa naisip ko, wala sa sarili kong nilingon si Shera.
She looks beautiful without even trying. She is with her friend, Ella. Ang ganda niya. 'Yong tipong kahit wala siyang ginagawa at wala pa siyang ayos, maganda na talaga siya. Samantalang ako, para akong tinorture. Ang ganda niya sa kahit na anong anggulo. Para siyang artista. 'Yong tawa niya, ang ganda sa tainga. Hindi tulad n'ong akin.
"Anong meron kay Shera? Kanina ka pa tingin nang tingin sa kanya. May problema ba?" nakakunot ang noo niyang tanong.
Malungkot akong ngumiti at bumuntong-hininga.
"Ang ganda niya, noh?" bulong ko.
"Sino?"
"Si Shera."
"Ahh." Tumango-tango pa siya. "Oo naman. Maganda talaga. Bakit?"
Hindi ako umimik.
"Hoy! Anong problema mo? Teka, nai-insecure ka ba?" binulong niya sa akin ang huling tanong.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Sino ba ang hindi?"
Mahina niya akong tinulak.
"Pabigla-bigla ka naman. Bakit? Anong nangyari? Kanina pa kita tinatanong tapos hindi mo naman ako sinasagot," naiinis na aniya.
"Basta nga."
"Sabuyan kaya kita ng tubig," inis na saad niya. "Bakit nga kasi?"
See? Paanong hindi ako mapapaamin niyan?
"Nananaginip ka, 'di ba?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya sa biglaang pagtanong ko.
"Oo naman," sagot niya, nakakunot ang noo.
"Eh, naranasan mo na bang managinip na parang totoo? Na parang nangyari na?" tanong ko.
Her brows furrowed. Naguguluhan na siguro siya.
"Ahm, minsan... Pero hindi naman ako naaapektuhan. Alam ko naman kasing panaginip lang 'yon. Bakit? Anong meron? Nanaginip ka nanaman?"
Kumibit-balikat lang ako. "Feeling ko kasi nangyari na 'yon. Hindi ko alam. Parang totoo kasi. Ramdam ko pa rin kasi 'yong sakit dito." Tinuro ko ang puso ko.
"Mika. Hoy, parang sira talaga. Huwag ka ngang umiyak." Hinagod niya ang likod ko. "Ano ba kasing nangyari sa panaginip mo?"
Wala na akong magawa kundi ang sabihin at ikuwento sa kanya ang panaginip ko.
"Nasa reunion daw tayo tapos may trabaho na tayong lahat. And then, nakita ko do'n si Ryle. No'ng una, 'di ko alam kung sino ang kasana niya. 'Ying mga gestures na pinapakita ni Ryle sa kasama niya... gusto ko 'yon. Sa last part doon ko nakita na si Shera pala ang kasama niya. 'Yon lang. Tapos bigla namang akong nagising," pagkukwento ko.
Nakatingin lang sa akin si Bethany.
"'Yan nanaman. Lagi ka nalang niyang ginugulo. Hay! Kung pwede ko lang ilipat 'tong puso ko sa'yo para maging manhid ka na," nanggigigil niyang saad.
Alam niya talaga kung gaano ko kagustong makalimutan si Ryle.
"Alam ko naman na panaginip lang 'yon at simpleng paghanga pero–"
"Simpleng paghanga? Seryoso ka? Simple? Eh, umabot na nga ng ilang taon 'yang feelings mo sa kanya and not to mention his red flags na pinapakita niya na hindi mo nakikita. You even do his assignments and some of his projects tapos you'll just call it simple? Really? Kung simpleng kang 'yon, paano pa kaya kapag nagmahal ka na? Well, I know na mahal mo na siya but... para tawagin mo 'yong simpleng paghanga? Nah, I will not agree on you in that part." She rolled her eyes.
I just chuckled. Sa haba ng sinabi niya, alam ko na ang pinupunto niya. I'm lucky na naiintindihan niya ako. Never niyang sinabi na dapat baliwalain ko nalang si Ryle dahil crush lang naman 'yon. Lagi niyang sinasabi na hindi lang 'yon crush. Alam niya na sobra pa 'yon sa crush.
"Pero seryoso, bakit sa t'wing nagmo-move on ka, doon siya magpaparamdam. Hindi pa talaga sa personal, sa panaginip pa talaga."
Napansin niya rin pala 'yon? To be honest, I badly want to move on.
Para naman ma-divert sa ibang bagay ang iniisip ko, nagkwento nalang si Bethany ng kung ano-ano. Kaming dalawa ang magkasama ngayon dahil may binili pa sina Quicyll. Gumaan naman ang loob ko dahil sa pagkukwento ni Bethany. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, napalingon kami sa mga paparating.
Ano ba't ang aga-aga tapos ang ingay.
"Aly," tawag ni Shane kay Alyanna.
"Oh?"
"Itong tatlong 'to, mabuti nalang talaga dumaan aki do'n sa isang computer shop. Nakita ko sila do'n, naglalaro."
Nasa likod ni Shane si Ryle at ang dalawang kaibigan niya. Ryle was wearing his black hoodie and a black pants. His hands were in his pocket. Nakangisi lang siya habang nagsusumbong si Shane.
Napaiwas naman ako ng tingin nang siniko ako ni Bethany.
"Pahalata ka naman masyado." Pinanlakihan niya ako ng matam
Inismiran ko siya.
"Halata! Anong halata? Hindi naman, ah," wika ko habang nilalaro ang daliri ko
Pinagsabihan ni Alyanna sina Ryke at dalawa niyang kaibigan. Para namang hindi nila dinamdam ang pinagsasabi ni Alyanna dahil tumatawa lang silang umupo sa pwesto nila.
Sakto naman na paglingon ko sa right side ko, parating na sila Claudine. Nasa likuran niya sina Lia, Kim, Bea at Quicyll. May hawak silang supot isa-isa. Habang kay Lia at Claudine ay dalawa. Siguro ay 'yon ang amin ni Bethany.
"Sige na. Sige na. Since halos nandito na lahat, we will start our practice in 5 minutes," sabi ni Alyanna.
Napabuntong-hininga nalang ako at napaigtad nang may lumapag na supot sa hita ko. Nag-angat ako ng tingin.
"Nandiyan na 'yong pagkain mo, kamahalan," puno ng sarkasamong ani Claudine.
"Hehe thankyou," sabi ko. Tumango lang siya.
"Nakita namin 'yong pala-loves mo do'n sa computer shop kanina," sabi ni Bea, nakatingin sa akin.
Kahit na hindi niya sabihin kung sinong 'pala-loves' 'yon, alam ko nang si Ryle ang tinutukoy niya. Alam ng lahat na may gusto ako kay Ryle pero sila ang parating tumutukso sa akin.
"Kaya nga. Kani-kanina lang, pinagsabihan ni Aly si Ryle." Nilingon ako ni Bethany. "Ito naman, parang walang narinig sa mga sermon ni Aly. Titig na titig kay Ryle, eh."
Dahil do'n nagsimula ulit silang tuksuhin ako. Tinulak-tulak oa ako ni Quicyll. Si Lia naman ay pasimpleng tinitingnan si Ryle. Akma ko siyang sasawayin nang bigla siyang sumigaw.
"Ryle, si Mika..."
Awtomatikong dumapo ang kamay ko sa kanya.
"Parang sira, 'to." Patuloy pa rin ako sa pagpalo kay Lia kahit hindi ko siya abot. Kinakabahan ako baka kung ano ang isipin ni Ryle.
"Si Lia, nakakainis!" Nilingon ko sila Ryle na nakatingin sa gawi namin. "Wala. Wala 'yon."
Parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa pisngi ko. Feeling ko namumula ako. Paano ba naman kasi, nakatingin din sa amin si Ryle. I don't know if sa akin ba siya nakatingin or sa mga kaibigan ko.
"Ayses! Kunwari ka pa, kinikilig ka rin naman," ani Lia. Sinundot niya pa ang tagiliran ko.
Panay ang iwas ko sa mga kamay ni Lia. Para akong uod sa ginagawa ko. Lahat siguro ng kamalasan ay nasalo ko ngaying araw. Sanay naman akong tinutukso ako ng mga kaibigan ko pero nakatingin si Ryle, eh!
"Yieee! Mika, hi raw sabi ni Ryle," sigaw ng isa sa kaibigan ni Ryle.
Namula naman agad ako kahit na alam kong hindi 'yon sinabi ni Ryle. Kunwari ag galit akong lumingon sa gawi nila.
Do'n ko lang napansin na halos lahat ng classmate ko ay nakatingin sa akin at tinutukso rin ako. Mas lalong nag-init ang pisngi ko nang nakita kong nakayuko lang si Ryle habang tumatawa. Nakalagay pa ang isang kamay sa batok.
Hindi ba siya magagalit?
Padabog akong tumalikod at pabagsak na umupo.
"Sus! Kunwari galit. Gustong-gusto naman," si Bea na kumakain.
"Wala kaya," tanggi ko sabay irap. Nakangisi silang lahat sa akin.
"Nakaiinis talaga," himutok ko.
"Mamaya na 'yang crush-crush, dali na, practice na," putol ni Alys a panunukso nila.
"Sige na. Practice na!" Pumalakpak si Kim.
Ang tamis-tamis pa rin ng mga ngiti nila sa akin. Tumayo na kami at pumunta sa gitna. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko habang papalapit sa pwesto namin ni Ryle. Feeling ko kailangan ko ng mask para maitago ang mukha ko.
Nakatayo na ako ngayon sa tabi ni Ryle na ngayon ay nakatingin at nakikinig sa mga bilin ni Aly.
Palimhim akong ngumisi dahil nga kapartner ko si Ryle.
Dahil sa ballroom namin, nahahawakan ko ang kamay niya. No'ng una, naiilang ako pero nang tunagal na ay unti-unti na akong nasasanay. Hindi ko rin maiwasan na kiligin. Ikaw kaya mahawakan ng taong gusto mo, hindi ka kaya kikiligin?
"Okay! First step na," sabi ni Aly. Agad akong pumunta sa harap ni Ryle. Gano'n din ang ginawa ng iba.
"Mika, humarap daw sa partner," nakangising wika sa akin ni Shane. Napapikit ako at malakas na bumuntong-hininga.
"Harap daw."
Napatuwid ako ng tayo sa bulong na 'yon ni Ryle. Para akong kinuryente sa boses niya. Dahan-dahan akong humarap sa kanya at inalis ang lahat ng kilig sa isip at katawan ko.
Nag-start nang magbilang si Aly kaya nilagay ko sa left arm ni Ryle ang left hand ko.
Iba pa naman magalit si Aly kapag may nagkamali. Nasa kalagitnaan palang ang itinuro sa amin at may three weeks nalang kami bago ang competition.
Tinawag ni Aly ang mga girls para ituro anv bagong steps. Ang kapartner naman niyang si Nico ay tinuruan boys.
Maayos naman ang pagturo sa amin. Hindi rin maiwasan ang mga biruan at tuksuhan lalo na't ang iba sa mag-partner ay may feelings sa isa't-isa. Well, except sa amin ni Ryle.
"Guys, dapat sa Monday memorize niyo na lahat mg prinactice natin. Pwede naman siguro kayong mag-practice nang mag-isa sa bahay niyo," bilin sa amin mi Alys. We all nodded.
Sinend niya sa aming lahat 'yong video nila ni Nico habang sumasayaw para may guide kami.
Sa sumunod namang linggo ay gano'n pa rin. Binibigyan kami ng time ng ibang subject teacher para makapag-practice kami.
"Mika," tawag sa akin ni Bethany. Lumapit siya sa akin at iniwan muna sina Claudine, Bea, Lia, Quicyll at Kim.
"Ano?"
Busy ako sa pagsusulat kaya hindi ako makasabay sa kanilang anim.
"Kinuwento ko sa kanila 'yong panaginip mo," aniya. Kumunot ang noo ko.
"Panaginip? Anong panaginip?"
Sa rami ng panaginip ko na kinuwento ko kay Bethany, hindi ko na matandaan ang iba.
"Tsk! 'Yong kay Shera." Inirapan niya ako.
"Ah... And so?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Okay lang?"
"Oo naman. Duh, para namang hindi ako nagkukwento sa kanila."
"Sabagay."
"Sige na. Umalis ka na nga. Storbo ka talaga. Kita mong nagsusulat ako dito, eh."
"Ay, wow! Ang sipag natin, ay. Hindi ka naman nagte-take note dati."
"Syempre, kailangan 'to sa clearance."
Tinawanan lang ako ng baliw. Mabuti nalang ay bumalik na siya sa pwesto nila Claudine.
Nang sumunod na araw ay practice lang kami nang practice.
"Last part na! Malapit na tayong matapos, guys," saad ni Aly. Isang linggo nalang ang mayroon kami kaya todo practice lang ang ginagawa namin t'wing free time.
"Bukas, sabay tayong pupunta doon sa mananahi para sukatan tayo."
Napagplanuhan na namin ang magiging suot namin at sukat nalang namin ang kulang.
"Boys. Please lang. Always remember, huwag niyo hayaang mahulog 'yong partner niyo," bilin ni Aly.
Dahil sa sinabing 'yon ni Aly, nilingon ko si Ryle.
"Hindi mo naman ako ilalaglag, 'di ba?" tanong ko sa kanya. Matangkad siya kaya kailangan kong tumingala.
"Hindi 'yan," sagot niya. Nakatingin lang siya nang diretso.
"Paano mo nasabi?" Nakataas ang kilay ko. He looked down at me.
"Hindi ka naman bibitaw, 'di ba?"
Agad akong napaiwas ng tingin dahilan upang mahina siyang natawa.
Syempre, hindi ako bibitaw. Ang sakit kayang mahulog lalo na kung hindi ka siguradong may sasalo. Pero parang sira 'tong puso ko, eh. Iba ang iniisip ko sa sagot niya.
Habang papalapit na nang papalapit ang araw ng competition, mas lalo pa naming pinag-igihan. Dalawang araw nalang bago ang competition kaya sinabihan na kami ng teacher namin na i-try ang damit namin. Para kapag may problema, maaayos agad.
"Mika Marquez."
Napatigil ako sa pag-ce-cellphone at nag-angat ng tingin. Nakita ko si Aly na may hawak na damit. Siguro ay akin 'yon. Sa inisip ko na baka akin 'yon, naglakad ako papunta sa kanya at kinuha ang damit. Wala pa sana akong bala na suotin ang damit kasi nakahihiya. Kaso kailangan, eh.
Pagkatapos kong maisuot ang damit ay hindi agad ako naging komportable.
"Mika!" sigaw sa akin ni Lia nang makalabas ako sa cr. Masama ko siyang tiningnan. Dahil sa sigaw niya, napatingin din sa akin ang ibang kaklse namin.
Nahihiya tuloy akong lumapit sa mga kaibigan ko. Nang makalapit ako ay mahina kong hinila ang buhok ni Lia.
"Nakaiinis ka talaga. Kailangan mo talaga akong tawagin nang malakas? Nakahihiya. Nakatingin tuloy silang lahat," sabi ko kaagad. Hindi niya pinansin ang reklamo ko at tinawanan lang ako.
"Ayaw mo n'on? Nakatingin sa'yo si Ryle?" Tumawa si Kim.
Tahimik lang na nakaupo sina Quicyll at Claudine. Sa aming pito, silang dalawa ang tahimik. Minsan, nakikisabay sila. Pero minsan talaga ay hindi. Introvert. Hindi sila sanay na makipag-kaibigan o makipag-usap sa ibang tao.
"Kaya nga nakahihiya! Hindi pa naman ako sanay sa ganitong kaiksi na damit." Ngumuso ako habang tinitingnan kung hanggang saan ang damit ko. Hindi nga abot sa tuhod ko ang design.
Kung hindi ako sanay sa ganitong suot, ganoon din sina Quicyll at Claudine. Kapag lumalabas kami, simpleng t-shirt at pantalon lang ang suot nilang dalawa.
"Claudine, ang ganda. Bagay na bagay sa'yo," si Bea.
Tumango kaming lahat.
"Oo nga. Huwag kang mahiya! Utang na loob, anv ganda-ganda mo tapos mas mahiyain ka pa sa makahiya," sabi ni Kim.
Kumunot ang noo ni Bethany.
"Wow. Nagsalita. Ano ka nalang kaya?" natatawang tanong niya.
Umiling nalang ako. Sa totoo lang, kaming lahat ay mahiyain. Hindi namin maamin sa iba pero 'yon ang totoo. Kapag kaming pito ang magkasama, maingay kami. Tinutukso namin ang isa't-isa. Pero kapag naman may kasama kami na hindi namin masyadong close, syempre, tatahimik kami. Hindi kami sanay na makipagsabayan sa kanilang lahat. Kasama namin sila sa room kaya nakikipaghalubilo pa rin kami sa kanila. Pero hindi ganoon ka close. Nakikipag-usap lang kami. Masaya naman na makausap namin sila pero iba ang pakiramdam kapag alam mong komportable ka sa mga taong nakapalibot sa'yo.
"Ang ikli pala talaga," reklamo ni Quicyll. Kanina niya pa hinihila pababa ang suot niya para hindi kita ang binti niya.
"Maikili talaga. Hayaan mo na. Matatapos din 'to," si Lia. Matapos naming suotin lahat ang damit, tinawag kaming lahat ni Aly para subukang sumayaw.
"Hindi ka komportable?" tanong ni Ryle nang papalapit ako sa kanya. Hinihila ko pababa ang damit ko dahil tumataas talaga.
"Okay lang. Aayusin ko nalang 'to mamaya," sagot ko. Hindi ko pinansin kung paano siya tumitig sa akin.
"Are you sure? I can let you borrow my jacket kung gusto mo."
Kunot-noo ko siyang nilingon.
"Ano ka ba? Eh di, useless lang ang pagsuot ko nito kung hihiramin ko 'yon." Umiling ako. "Sabi ko nga sa'yo, okay lang. Keri ko 'to."
"Sure ka?"
Napahilamos ako sa mukha at napapadyak.
"Oo nga." Matalim ko siyang tiningnan. "Ang kulit," bulong ko.
Kung hindi ko lang siya crush, kanina ko pa siya nasapak.
Pumunta agad ako sa harap niya nang nagsimulang pinatugtog ni Aly ang music.
Nasa bahay kami ngayon ng isa naming kaklase. Malaki kasi ang space sa kanila. Mabuti nga pumayag ang parents niya. Ang swerte nga namin dahil pinapakain pa kami.
Huminto kami nang wala na kaming marinig na tunog. Dahil do'n, napabuntong-hininga kaming dalawa ni Ryle. Ilang beses na kaming oinatayan ng tugtog ni Aly.
"Ayusin niyo. Shane, ayusin mo naman kamay mo. Ganyan ka ba sasayaw sa competition?" Bumuntong-hininga siya. "Ilang beses ko nang pinaalala sa inyo na huwag gawin ang ganoong porma sa kamay! Straight nga lang. Ano ba?! Ayusin niyo."
Umiwas ako ng tingin.
Isa sa mga iniiwasan ko kapag nagagalit si Aly ay ang tumingin sa mga mata niya. Baka kasi pagalitan din ako. Sa tingin ko ay nasa 4 pm na. Medyo hindi na kasi mainit ang paligid.
"Gusto ko nang magpalit ng damit," hinihingal na bulong ko. Okay naman na ako sa damit kaso nilalamig na ako. Lalo na't walang manggas ang sa left arm ko.
Hindi na nagsasalita si Aly. Sinabihan niya lang kami na magpahinga muna nang dalawang minuto.
"Bakit?" tanong ni Ryle.
"Hmm?" Tumaas ang kilay ko.
Narinig niya ako?
"Sabi mo gusto mo nang magpalit ng damit."
"Nilalamig na ako, eh," sagot ko. "Oh? Saan ka pupunta?" banta ko nang akma siyang tatalikod. "Huwag mong sabihing kukunin mo ang jacket mo? Okay na nga. I don't need your jacket. Malapit na rin namang matapos."
Nawe-weirdo-han na ako sa kanya, ha.
Mayamaya ay nagsimula ulit kami. Tina-try ko talaga na hindi magkamali dahil ayaw kong pagalitan ako ni Aly. Hindi naman talaga maiwasang magkamali kaya napakaswerte ko dahil hindi ako nakikita ni Aly. Pinapatahimik ko nalang si Ryle kapag tinawanan niya ang mali ko.
Mabuti nalang ay natapos kami bago mag 7 pm. Hanggang 8 lang ang paalam ko kay mama, eh. Ang iba sa amin ay doon kumain sa bahay nila Denmark. Siguro nasa sampo ang nagpa-iwan. Kami naman na tumanggi ay nauna na.
"Kain muna tayo," aya ni Kim.
Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng subdivision.
"Eh? Sana nagpaiwan ka nalang do'n," nakakunot ang noong ani Bea.
"Kaya nga," sang-ayon ni Claudine.
"Nahihiya ako. Sige na! May nakita ako kaninang nagbebenta ng siopao sa may kanto," si Kim.
"Kanina? Grabe naman. May nagbebenta ba ng siopao ng maaga?" tanong ni Bea.
Nasa likuran namin sina Bea, Quicyll, Kim at Lia. Habang nauna naman kami nina Bethany at Claudine.
Nilingon ko si Bea. "Nakita ko rin 'yon kanina. Pero wala pa namang nagbebenta. May nakalagay lang na nagbebenta sila."
Nang makarating kami sa kanto ay agad naming nakita ang nagtitinda ng siopao.
Agad kaming inasikaso ng tindera. Napangiti ako nang makita ko kung gaano siya kasaya na may bumili sa tinda niya.
"Dalawa po akin," sabi ko sabay abot ng 20 pesos.
"Maanghang o hindi?" tanong niya.
"Hindi lang po."
Habang busy ako sa pakikipag-usap sa tindera, bigla-bigla nalang na may tinawag si Lia. Hindi ko nalang siya pinansin. Kinuha ko ang dalawang siopao. Humingi pa ako ng isa pang supot dahil ihibigay ko ang isa sa kapatid ko.
"Bibili kayo?" rining kong tanong ng mga kasama ko. Hindi na ako lumingon dahil alam ko kung sino ang tinanong nila.
"Ng ano?" tanong ng kaibigan ni Ryle.
"Siopao. Halata naman sa hawak namin, 'di ba?" masungit na tanong ni Lia.
Natawa ako. Hindi ako makalingon sa kanila dahil baka kasama nila si Ryle.
"Tsk! Sige na nga. Magkano po?" tanong nito sa tindera.
Tumabi muna ako para makabili sila. Nang napatintin ako sa daan ay may nakita akong papalapit na sasakyan na siguro ay papunta malapit sa bahay namin. Kakainin ko pa sana ang siopao kaso baka wala na akong masakyan mamaya.
"Hoy," tawag ko sa mga kaibigan ko. "Mauna na ako. Baka wala na akong masakyan."
"Sige." Pinahawak ni Lia ang siopao niya kay Kim. "Ipapasakay ko muna 'to."
At 'yon ang ginawa ni Lia. Hinintay niyang makalapit sa amin ang sasakyan at pumara.
"Bye guys!" Kumaway ako sa kanila bago sumakay. Wala sa sariling napalingon ako ss tabi ni Kim.
Nakatingin sa akin si Ryle habang may hawak na siopao sa dalawang kamay. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay sa siopao naman.
Huh? Anong problema ng lalaking 'yon?
Nang makauwi ako ay agad na akong nagpahinga. Kailangan ko ng energy para sa practice bukas. Mabuti nalang may iniwan pang ulam si mama sa mesa. At ang pinakamabuti sa lahat, wala kaming pusa. Wala nang kukuha sa pagkain ko. Dinala kasi ni papa.
Kinabukasan ay hindi ko inaasahang pagod akonga pumasok sa room. Parang gusto kong tumihaya nalang sa kama ko buong araw.
"Mika!" tawag sa akin ni Bea. Iidlip na sana ako kasi lunch.
"Ano?" nakabusangot kong tanong. Pinalapit niya ako.
Walang nakaupo sa katabing upuan niya kaya doon ako umupo.
"Bakit? Matutulog ako, eh," reklamo ko. Napakamot ako sa buhok ko. Buhaghag na rin ang buhok ko.
"May sasabihin ako," sabi niya na para bang interesado ako sa sasabihin niya. Napahilamos ako sa mukha.
Bumuntong-hininga ako. "Ano nga?"
"Alam mo ba na sabay na dumating kanina si Shera at Ryle?" Pinanlakihan niya ako ng mata.
Nanatiling pagod ang mukha ko.
Tapos?
"Oh? Ano naman ngayon kung sabay silang dumating?" tanong ko.
"Wala lang naalala ko lang 'yong kinuwento ni Bethany sa amin na panaginip mo." Kumibit-balikat siya. "Hindi ka magtataka?"
Kinunutan ko siya ng noo at inirapan.
"Bakit naman ako magtataka? Malay ko ba kung nagkataon lang na nagkasabay sila. Oh, 'di kaya ay sabay lang silang hinatid ng magulang nila," sagot ko at humilig sa upuan.
Gusto kong matulog. Feeling ko kapag gumalaw ako nang gumalaw, matutumba na ako.
"Tsk. Hindi nagkataon," bulong niya.
"Ano ba? Para kang professional na tsismosa. May pa bulong-bulong ka pa." Umirap ako.
"Tumahimik ka nga muna. Ayun na nga. Hindi nagkataon. Sabay talaga sila." Tumango-tango siya. "At ang nakagugulat, iisa lang sila ng binabaang sasakyan."
Sa sinabi niya ay parang nagising ang diwa ko. Nawala bigla ang antok ko. Feeling ko ready na ako sa competition bukas.
"Ano?" nakakunot ang noo na tanong ko.
"Shh. Huwag mong sabihin na sa akin mo narinig, ha." Umayos na siya ng upo.
"Anong narinig? Sinabi mo sa akin, no."
Sabay sila? Paano sila nagkasabay? Ang alam ko ay hinahatid si Sher ng tatay niya. Si Ryle naman ay ganoon din.
"Basta. Huwag mo lang sabihin na nagkasabay sila kanina." Inikutan niya ako ng mata. "Sige na. Matulog ka na ro'n."
Tulala akong bumalik sa upuan ko.
Nasa likuran ko ang upuan ni Shera kaya hindi ko siya masuri. Si Ryle naman ay malayo sa amin.
Bakit kaya sila nagkasabay?
Sa totoo lang, wala naman sa akin 'yon. Pero kasi nabanggit ni Bea ang panaginip ko. Parang pakiramdam ko tuloy may namamagitan sa kanilang dalawa.
Sana wala lang 'yon.
Bumuntong-hininga ako at tinuloy ang naudlot kong pagtulog.
Kinahapunan ay nag-practice ulit kami. Sabi ni Aly ay dalawang beses lang daw kami sasayaw para hindi kami mapagod kinabukasan.
Kinagabihan ay maaga akong natulog para may baon akong lakas. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil kinakabahan ako at excited. Feeling ko matatae ako nang wala sa oras.
"Ma! Una na ako. Ikaw nalang muna maghatid kay Eya. Kailangan maaga ako sa school ngayon!" sigaw ko nang makalabas ako ng bahay.
Hindi ko na hinintay ang sagot ni mama. Nang makakita ako ng isang tricycle ay pumara agad ako at sumakay.
Sinigurado ko talaga na nasa bag ang damit ko. Kung hindi ay patay talaga ako kay Aly.
Nang makarating ako sa room ay naghanda agad sila. Nakabihis na ang iba sa amin at ang iba naman ay mine-make up-an na. Hindi ko na binati ang mga kaibigan ko nang makapasok ako.
Dala ang damit ko, tumakbo ako papunta sa cr. Mabuti nalang ay wala pang gumagamit sa isang cubicle.
"Bakit kasi ang hirap nitong isuot," naiiyak na sabi ko habang sinusuot ang damit. Nakilito ako kung saan ko ilalagay ang kamay ko.
Matapos kong makapagbihis ay lumabas ako at nakita ko si Shera na naghihintay.
"Ah. S-sige. Sorry, natagalan." Umalis agad ako. Mabuti na 'yong wala pa siyang sinasabi ay nakapag-explain na ako.
Sobrang busy ng lahat. Wala akong nakikitang nakikipag-tsismisan sa gilid. Nakikita kong binubuhos ng lahat ang kanilang makakaya para lang magtagumpay.
Natapos ang lahat.
Hindi kami nabigo. Parang nawala lahat ng expectations namin. Akala namin, sasayaw lang kami do'n at panonoorin kung sino ang nanalo. But we're wrong.
We won.
Ang isa sa sinabi ni Aly sa amin ay iwasang mag-assume na mananalo kami. 'Yon ang ginawa namin. Kaya naman no'ng sinabi na kami ang champion, tulala kami habang inaabutan ng trophy at banner na nagpapatunay na kami ang nanalo.
"Congrats!" sigaw ng lahat ng nadadaanan namin. Papunta na kami ngayon sa room dahil tapos na ang event.
Lahat ng pagod namin ay napaka-worth it. Lahat ng away na nangyari ay worth it. Lahat ng iyak ay napaka-worth it. Lahat ng mga galit ni Aly kapag nagkakamali kami ay sobrang wort it.
Nang makarating kami sa room ay agad kong niyakap ang mga kaibigan ko.
"Congrats!" parang naiiyak na bati ni Lia sa amin. Tumawa kaming lahat sa mukha ni Lia. Naka-smudge na ang make-up niya. Because of her tears, her mascara is now ruined.
"Mika," tawag sa akin ni Quicyll at inginuso ang likuran ko. Kumunot ang noo ko.
"Ano?" natatakot kong tanong. Baka kasi biglang may kung ano sa likod ko.
Nakatingin na rin sa akin sina Kim, Bea, Claudine, Bethany at Lia. Ngumisi silang anim sa akin kaya tiningnan ko kung anong meron sa likod ko.
Napaatras ako nang makita ko si Ryle. Hindi niya na suot 'yong damit namin.
Ang bilis niya naman atang makapagbihis? At anong pakialam ko?
"R-ryle. A-ano?" Parang kinapos ako ng hininga.
Ngayong tapos na ang ballroom namin, balik na naman ako sa umpisa. Kung saan uutal-utal ako kapag nandiyan siya.
Hindi ko na naririnig ang mga bulong ng mga kaibigan ko kaya alam kong iniwan nila ako.
"Congrats." He smiled at me. 'Yong ngiting hindi ko nakikita na pinapakita niya sa iba.
Nakatingin lang ako sa kanya. Pakiramdam ko ay walang tao sa paligid naming dalawa. Tahimik ko lang siyang tiningnan.
"Salamat. C-congrats din. You did well." I smiled sweetly at him. 'Yon ang ngiting pinapakita ko kapag kinikilig ako.
"Geu misoleul yeong-wonhi bol su issgileul," sabi niya habang nakangiti at bumalik sa mga kaibigan niya.
Ano raw? Chinese ba 'yon? Or korean?
"Hoy! Ano 'yon?" Lumapit kaagad sa akin si Kim.
"Nag-congrats lang," sagot ko, iniisip pa rin ang huling sinabi ni Ryle.
"Anong congrats lang. May sinabi pa soya bago siya umalis. Ano 'yon?" tanong naman ni Bea.
"Hindi ko nga alam. Argh! Tingnan niyo nakalimutan ko tuloy!" nakasimangot na ani ko.
Mine-memorize ko nga para mai-search ko.
"Napaka-epal niyo talaga." Umirap ako sa kanila. Tinawanan lang nila ako.
Habang kinakausap kami ni Aly ay ang sinabi pa rin ni Ryle ang iniisip ko.
Ryle naman. Kung kailan gustong-gusto na kitang makalimutan, doon mo pa ako ginugulo. Plinano ko pa namang mag move on kapag natapos na ang ballroom namin. Pero dahil sa sinabi niyang hindi ko naintindihan, napaisip ako.
Paano kung sign na 'to na hindi ako pwedeng mag move on kay Ryle dahil may mangyayari? Paano kung 'yong sinabi niya ay makakaapekto sa nararamdaman ko sa kanya?
Ryle, bakit kasi hindi mo nalang sinabi sa language naiintindihan ko?
Hanggang sa celebration namin ay 'yon pa rin ang nasa isip ko. Alam kong napapansin ng mga kaibigan ko na bigla nalang akong natahimik.
Akala ko kasi pagkatapos na pagkatapos mg ballroom namin, makapag-move on na ako nang maayos.
Pero dahil sa sinabi na 'yon ni Ryle, mukhang kailangan ko lang pag-igihan para makapag-move on.