Hard to say I'm Sorry Chapter 5

1026 Words
Chapter 5 RAMOS WINES LAUNCHING  Nasa harapan ng salamin si Maya sa loob ng Event center, ito na ang araw ng Launching ng Red Wine ng company. Bilang siya ang Modelo nito kailangan siya ang nandoon kasama niya si Rico. Naka itim na gown ito, litaw ang ganda ng hubog ng katawan nito. Nakadagdag sa ganda niya ang nude niyang Lipstick and smokey eye make-up niya. Sa buong tanan ng buhay niya ngayon lamang siya nilgyan ng artificial bangs ng make up artist at pinusod ang buhok niya. "What the hell? Are you insane Adamson! Bakit si Maya ang kinuha niyong face of our company!? Ano nalang sasabihin kung mabuko na Ex-Wife mo siya? Paano ang sasabihin ng pamilya ni Danica? Kahihiyan talaga ang bigay ng babaeng yan! Mukhang retokada!" Sigaw ng Ina nito habang nasa loob sila ng private room "Mom don't be so harsh? Bakit ba galit na galit ka kay Maya, ibang iba na siya ngayon ma, she's CPA now malayo na siya sa Maya na nakilala ko. Hindi mo naman kailangang maliitin si Maya." Pag tatanggol ni Adam "Wag mo akong paki-alaman! Malas yang batang yan kundi dahil sakaniya edi sana Doctor kana sa San Francisco?! Lahat ng pangarap ko sayo wala, nawala dahil sa babaeng yan! Tandaan mo Adam kapag bumaba ang sales natin dahil sa mukha niyan ipalalampaso ko ang mukha niya!" Iniwan siya ng ina niya na mag isa sa loob ng Kwarto. Nag simula ang event kung saan bored na bored na si Maya habang naka upo sa VIP area, kasama niya dito si Rico, Adam, Danica at ang magulang ni Adam at Rico. "So board passer kapala Hija, kung hindi mo mamasamain anong Rank mo sa exam?" Tanong ng Ama ni Rico kay Maya. "Ah Top SIX po Sir." nilakasan niya ang boses niya ng marinig ito ng Ina ni Adam. Puno ng tensyon ang dalawa dahil sa sama ng tingin nito kay Maya. Wala din naman paki alam si Maya dahil hindi na siya tulad dati na pupwedeng apak apakan nalang. "Ang laki ng pinag bago mo Hija." Giit ng Papa ni Adam. Nagulat ang ina nito at kinurot ang asawa sa binti. "You know her Brother?" Manghang tanong ng Ina ni Rico dito. "Ah nakikita ko siya noon, schoolmate ni Adam. Saan na ba ang trabaho mo ngayon?" Pag dadahilan nito. Hindi maiwasan ni Adamson na mapatingin sa dating asa at sa pinsan niyang si Rico. Hindi din niya maintindihan ang dapat maramdam dahil pakiramdam niya ay nilalaro siya ng babae o mismong si Maya ang nakikipag laro sakaniya para gantihan siya sa pakikipag hiwalay dito. "Ah Professor po ako sa Univertsity and accountant sa Hospital, also nag tuturo din po ng Martial Arts" Mabilis na sagot ni Maya. "Saan naman kayo nag kakilala ng anak ko?" Pag tanong ulit ng Ina nito. "Gym Mom, kasama ko siya doon." Singit ni Rico at inakbayan niya si Maya. "You look good ha? Bagay kayo ng anak ko Hija." Nakangiting sambit ng Ina ni Rico. Hindi maiwasan ni Adamson na mabilaukan sa kinakain niya ganon din ang Ina niya na hindi mapinta ang mukha nito. Nag pumilit na ngumiti nalang si Maya para iwas tensyon at maka halata ang mga ito. Wala din silang alam sa nangyari sakanila ni Adamson noon, dahil sa San Francisco nanirahan ang pamilyang ito. Mula lang namatay ang Lola nila doon nalang sila namalagi sa Pilipinas dahil sa Pamana kay Rico at Adamson. "Congratulations Ramos and Gonzales Family. Pupwede din ba naming Gawing Model si Ms. David? Napaka Perfect nitong Launching ng Wine." Giit ng Isa pang Investor. "Pupwede naman dipende nalang kay Rico at Maya kung papayag" pag bibiro ng Mga magulang nito sa mga business partners. "Rico naiinip nako" bulong niya sa binata. "Konti nalang uuwi na tayo" wika ni Rico habang hawak hawak ang kamay ni Maya. Kanina pa kasi ito umiinom ng alak. Halos lahat ng inooffer na alak ng Kompanya ay natikman niya na kaya nakakaramdam na siya ng Hilo. "Oh wait for me, puntahan ko lang si Papa may ipapa signature lang ako, diyaan kalang okay?" Tumango naman si Maya at ilang sandali nakaramdam siya na may humatak ulit sakaniya. Narating nila ang hagdanan pa Fire Exit. "Ano ba kita mong naka gown ako hahatakin mo ako!" Sigaw niya dito bahagyang nakakaramdam narin ito ng pag kahilo. "I-uuwi na kita drunkard ka talaga!" Suway nito sakaniya at hinawakan ulit sa Braso. "Pwede ba! Hindi mo ako pag mamay ari! Kahit kailan wala ka ng karapatan na hawak hawakan ako ng walang paalam!" Pag piglas nito. "Nag mayabang kapa talaga sa achievements mo sa buhay huh?" Bakas dito ang sarkastikong tonong binitiwan. "What? Pag mamayabang? Bakit naungusan kolang yang pangarap mo pag mamayabang na? Hindi ko naman kasalanan na Natupad ko talaga yong pangarap ko Adam! Lalong hindi ko kasalanan kung yong pangarap mong pag dodoctor hindi mo natupad! Pwede ba nasayo na nga ang lahat mayaman kana sikat kana pero yang pagiging isip bata mo at pagiging Mama'sBoy mo ang nananaig!" Sigaw niya dito Hinapit ni Adam ang beywang niya at isinandal sa Pader. Nakatingala si Maya sakaniya at kitang kita nito ang pamumula ng mukha ni Adam. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siyang Mama'sBoy, kahit totoo naman hindi parin siya maka kawala sa mga desisyon ng kanyang ina para sakniya. "Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganiyan Maya!" Sigaw niya dito "Wala kanarin karapatan na sigawan ako hatakin ako at pakialaman ang buhay ko! Diba atat na atat kang hiwalayan ako!? Ayan malaya kana, kaya ikaw na si Malaya! Gets mo ba yon Adam! Bitiwan mo nga ako" ngunit pinigilan siya ulit nito. "Bitiwan moko, matagal na tayong tapos wag kang umakto na Lovable Husband ko. At hindi ikaw si Rico para ihatid ako sa bahay." Tuluyan niyang iniwan si Adam. Nakasalubong niya si Rico na Aburidong nag hahanap sakaniya. "Where have you been Maya?" Inayos nito ang buhok niya at hinawakan sa kamay. "Nag pahangin lang tara alis na tayo." "Yeah sayang wala ka natapos narin naman yong event i-uwi na kita sianyo" pag aaya ng lalaki dito. "Can I sleep with you?" Diretsong tanong ni Maya. "Huh sure kaba?" Pag aatubiling tanong nito. "Yeah ayokong umuwi muna, sa bahay. Tara na!?" Hinatak niya ang kamay ni Rico at nag madali silang sumakay ng Elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD