Additional Chapter for Flashback

1628 Words
ADDITIONAL CHAPTER FOR FLASHBACK Chapter 6 Eleven months ng kasal ang mag-asawa, parating nasa bahay si Maya. Hindi din niya alam kung masaya ba siyang walang trabaho o kukuha siya ng Board exam para maging CPA... Alas Dies na ng gabi at inaantay niya parin na umuwi ang asawa niyang si Rico. Ilang linggo narin na napapansin niyang malamig na ang pakikitungo ng asawa sa kanya. Ni hindi na nito sinasabayang kumain si Maya at lahat ng niluluto niya ay hindi na kinakain ni Adamson. Sinusubukan niyang maging mabuting maybahay ni Adam. Kahit hindi niya alam ang pagluluto ay sinusubukan niya. Pero habang tumatagal ay palamig na ng palamig ang Asawa niya sa kanya. "Hubby!" Bati niya dito at tinulungan niyang kuhain ang bag nito. Bakas sa mukha nito ang pagod. "Follow me, we need to talk." Utos nito, diniretso nila ang kusina at doon umupo sila ng magkaharap. "Kumain kana muna, alam kong pagod ka." Tumikhim ng pagkain si Adam pero binaba din nito ang kutsarang hawak niya at humarap kay Maya. "Nagtatrabaho ako sa Kompanya namin. Ginipit ako ni Mama, naalis ako sa una kong trabaho at ito ang inoffer niya." Matamlay nitong sagot "Hayaan mona atleast kasama mo ang Mama mo. Tyaka sa inyo naman ang company Adam.." nakangiting sambit nito kahit alam niyang ayaw ng asawa niya ang niluto niya. Araw arw siyang nageeffort para sa asawa niya. "Aalis lang ako ulit, kailangan ako ni Mama sa bahay, may kailangang ayusin at pag-aralan sa bagong project.." saad nito at tumayo, kinuha ulit nito ang bag niya at iniwan ang asawa niyang nag-iisa. Alas Dose na at hindi man lang naalala ni Adam ang anibersaryo nila, November 09, unang taon ng pagkaka-kasal nilang dalawa. Pinunasan ni Maya ang mukha at inayos ang buhok, kinuha niya ang wallet niya.. Sinundo siya ng kaibigan niyang si Gie, ang bestfriend niyang isang single Mom. Papunta sila ngayon sa Bar kung saan tambayan nila ito noong College. "Tang ina seryoso ka? Hindi man lang niya naalala yang anniv ninyo?" Ininom nito ang bote ng alak at mukhang hindi makapaniwala. "Oo, ito pa naman ang isa sa pinaka mahalagang araw sa buhay ko, ang makasal sa kanya Gie.."Lumuluha ang mga mata nito habang nakatingin sa Wedding Ring nila ni Adamson. "Wala kabang nararamdaman, na baka may babae na siya?" Pangaasar ni Gie kay Maya. Hindi mapinta ang mukha ni Maya sa sinabi ng kaibigan niya sa kanya. "Magcomfort room lang ako." Pagpaalam nito sa kaibigan, habang naglalakad si Maya nakita niya ang pamilyar na built ng isang lalaki habang kahalikan ang isang babae sa gilid. Hindi niya maintindihan ang sarili at talagang pinanuod niya ito. "Adam?" Napatakip siya ng bibig at unti unting umagos ang luha sa Mukha niya. Tumakbo siya papasok ng CR at doon binuhos ang luha. Nakatingin siya sa salamin. Pinagmamasdan niya ang sarili, mataba, at tila isang bulak na nalanta. Hindi niya magawang lumaban at magalit dahil kinakain siya ng sobrang kalunkutan. "Maya! Huy napano ka? Ang tagal tagal mong bumalik kaya pinuntahan na kita.." hinagkan ni Maya ang kaibigan niya at patuloy lamang siya sa pag-iyak. Mas dumarami pa ang alak na kanyang ininom, pilit niyang nilulunod ang puso gamit ang alak. Alam niyang sa paggising ay mawawala din ang alak na nainom niya. Pero ang sakit na babakas at hindi maghihilom. Nagising si Maya sa tapik ng mukha ng anak ni Gie, apat na taong gulang babae.. "Good morning po tita Malaya!" Sigaw ng bata sa kanya. Napangiwi siya sa tining ng boses nito. "Good morning din Bianca!" "Hay nako Maya, ano ba nangyari sa'yo kagabe? Para kang nasiraan ng utak.." pag aalalang tanong ng kaibigan niya habang inaayos ang almusal. Sa sobrang kalasingan niya kagabe, nakuha nalamang siya iuwi ni Gie sa sarili bahay. "May, may kahalikang ibang babae si Adam.." nanlaki ang mga mata ni Gie, hinagkan niya ang kaibigan niya dahil nagsimula na naman itong humagulgol "Tahan na Maya, 'yan na ang sinasabi ko sa'yo. Hindi ninyo pa lubos kilala ang isa't isa, hindi pa kayo graduate sa pagiging binata at dalaga, agad ninyong pinasok ang pagpapakasal. Maya tignan mo ako, may anak na kami pero nagawa parin niya akong iwan." Payo ng kaibigan niya sa kanya "Gie ang sakit, kasi mahal ko siya. Pero gustong gusto ko na marinig ang reason niya kung bakit niya ginagawa yon?" Pag pupumilit nito. "Hay nako Maya, mas matigas pa sa adobe yang ulo mo! Alam mo isusumbong na kita kay Tita Alma." Kinotongan niya sa ulo ang kaibigan. "Hiwalayan mo na siya." Saad ni Gie at umiling si Maya. "Hay bulag talaga sa pag-ibig." Bulalas ni Gie sa kanya. ~ ~ ~ Ni hindi man lang siya binati ng asawa, araw araw na itong matamlay sa kanya. Tinigilan nadin niya ang pag inom ng Pills, tinulungan siya ni Gie na mag-ayos, dahil sa tumataba narin siya. Pilit niya narin hindi pinapansin si Adamson turo ng kaibigan niya para mamiss siya nito. Kasama ni Maya ang isang lalaki na nakilala lamang niya sa Bar. Sinusubukan niyang tumingin din sa iba para makalimutan niya ang ginawa ni Adam, ni isang singcong duling wala siyang lakas ng loob para tanungin si Adam sa ginawa nito. Kapag magaaway sila, madalas sa maliit na bagay na pinalalaki lang ni Adamson. Pag- aaway sa gawaing bahay na nauuwi sa masasakit na salit. Humalik siya sa lalaking kasama niya. Wala nadin siyang pak-alam kung may makakita sa kanya, dahil hindi naman nila alam na kasal siya kay Adamson Gonzales. Nanatiling tago ang kasal niya, pati narin siya. Tinanggap niya ito dahil hinahayaan lang niyang matupad ang pangarap ng kanyang asawa. "Let's make love baby.." bulong ng lalaki sa kanya, bago pa siya sumama dito ay hinatak siya ng isang lalaki. Narating nila ang kotse at pinasok siya agad sa loob. "Cheating huh?" Nilingon ni Maya ang kasama niya sa kotse, walang iba kundi ang asawa niya... "Cheating? Ibaba mo nga ako! Sasama ako sa kanya!" Pagmamatigas ni Maya sa asawa. Para bang nakasakay siya sa eroplano sa sobrang bilis nitong magpatakbo ng sasakyan. Kitang kita din ni Maya na niluwagan ni Adamson ang korbata .Nang marating nila ang bahay, ora mismong hinatak lamang siya nito papasok sa kuwarto. "What? You want wild s*x!? Hindi mona ako binigyan ng kahihiyan Maya! Kung kani-kanino ka nakikipag halikan!" Sigaw nito sa kanya at hinatak ni Adamson ang soot niyang damit. "What? IKAW 'YANG SINASABI MO! Ikaw ang nakikipag halikan sa iba, pagtapos okay lang? Pag ako bawal? Kitang kita ko Adamson, 'yang kasama mo sa office 'yan ang kahalikan mo. First Aniiversary natin 'yon pero anong ginawa mo? Iniwan mo akong mag-isa sa bahay dahil may babae ka? Ano sumagit ka?! Gulat ka no? Gusto kitang bigyan ng chance Adam! Kasi mahal na mahal kita. Alam ko naman na ayaw ng Mommy mo sa akin, nararamdaman ko Adam na pinagkakasundo ka niya sa ibang babae kaya ka nag kakaganyan! Ipag laban mo naman ako tulad noong umpisa." Lumabas ng kuwarto si Maya at iniwan ang asawa sa loob ng kwarto. Hinabot siya ni Adam at hinatak. "I'm sorry, naiipit lang ako Maya. Ginigipit ako ni Mama, mahal kita Maya, pero sinusunod ko lang si Mama.." yumakap ito sa kanya. Katulad nga ng sinabi ng kaibigan niya, tatanga tanga nga siya pagdating kay Adam. Palagi niyang pinag bibigyan kahit alam niyang siya na naman ang masasaktan... Ilang araw ang nakalipas, Binibisita niya si Adam sa office nito, kahit tago lamang pinipilit niya padin na tumakas para puntahan niya ito. Pinagdadalhan niya ito ng pagkain. Alam niyang hindi siya magaling magluto, kung kaya't nagpapaluto pa siya para kay Adamson. Nasa loob ng bahay si Maya at kakatapos lamang niya na mag-linis. Tuwang tuwa siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Buong akala niyang si Adm ang dumating. Pero nag kamali siya, "Good afternoon po Mama.." bati niya sa In ni Adam, isang malakas na sampal ang salubong nito sa kanya. "Ikaw ba ang pinakasalan ni Adam? 'Yang itsurang 'yan? Ugly fat Woman? Boba pa? At ang kapal mong magpakita sa Office ni Adam? Sinira mo na nga ang pangarap ng anak ko na mag doctor tapos sisirain mo pa ang business namin?! Hiwalayan mo na si Adam!" Sigaw ng Ina nito sakaniya "Bakit? Ano hong masama na malaman nila sa office na asawa niya ako? Legal po ang kasal namin! Hindi naman po ako papayag na magrereto kayo ng ibang babae sa asawa ko, bakit hindi niyo matanggap na kasal na kami. Matanda na si Adam, hindi na siya naninirahan sa saya mo!"Akmang sasabunutan siya ng Ina nito pero nagpumiglas si Maya kaya napaupo sa sahig ang Ina nito. "MOM!" Sigaw ni Adam at tinayo ang Ina niya, hindi napigilan ni Adam na masampal si Maya. "Huwag na huwag mong babastusin ang Mommy ko Maya! Wala kang respeto!" Sigaw ni Adam sa kanya "Sinampal mo ako? Adam! Siya yong nanampal sa'kin! Kayong mag-ina, Yinuyurakan na niya ang pagkatao ko at ang kasal natin pero ako pa ang mali!?" Sigaw niya at tumakbo papasok ng kuwarto nila. Ang akala ng lahat ang hiwalayan nila ay parang aso't pusa lamang na hindi nagkaintindihan.Hhindi nila alam na mas may malalim pang dahilan ang hiwalayan nila. Hindi din niya inaasahan na dadapo ang kamay ng asawa niya sa kanya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD