Chapter 15 Kasama ni Maya ngayon si Adam sa labas ng Airport. Hinatid nila ang dalawa. Kahit mag katabi sila ni hindi naman sila nag papansinan. Nag aabang lang ng Taxi si Maya dahil nag Taxi lang sila ni Rico papunta dito. "Sumabay kana saakin.." sinabi ni Adam at hinawakan ang kamay niya. "Ano ba! Kakaalis lang ng girlfriend mo ang landi mona!" Suway ni Maya dito. "Malandi agad? Hahatid lang sana kita hanggang sainyo dahil tumataga ang Presyo ng Taxi dito, alam kong kuripot ka kaya nga ihahatid na kita." Napapikit si Maya at tumingin ulit sakaniya. "Okay sige. Sayang pera ko.." napangiti si Adam habang tinitignan niYa si Maya na sumakay sa kotse. "Bakit hindi ka pa kasi bumili ng sarili mong sasakyan?" Pag bubukas ng topic ni Adam dito. "Ayoko okay nako sa isang Kotse namin ni Mama

