Chapter 16 "Kailan niyo balak mag pakasal ni Adam?" Tanong ni Rico kay Danica, kasama niya ito habang nag didinner. "Hindi ko alam kung itutuloy ko pa." Umiling ito at ngumiti. "Why? Nag ka problema ba kayo?" Pag tatanong ni Rico. "Alam kong may mahal si Adam, I think he is still inlove with his Ex Wife. Naalala kopa noong pinag kakasundo kami ni Adam, una nga napurnada na ang kasunduan pero ngayon nag try ulit. Pero itong pangalawang kasunduan mukhang purnada ulit." parang nabuhosan ng malamig si Rico sa sinabi ni Danica "Wag mong sabihin na hindi mo alam. " patuloy lamang ito sa pag kain, napatigil naman si Rico at hinarap ang dalaga. "Paano mo nalaman?" Pag tatakang tanong nito. "Bago pa ako ipakilala kay Adam, my dad did a background check. Age of 22 nag pakasal na sila ni Maya.

