Pinilit ako ni Sebastian na lumabas ng kwarto para ipinakilala niya ako sa mga kapatid niya. Si Sandy, tahimik lang siya at pagdating na pagdating niya kanina galing sa school ay note book na agad ang hawak niya. Si Sanjo naman ay ganun din tahimik lang din ito, pero mabait naman dahil binati nila ako kanina ng lumabas ako ang nagpakilala sa akin isa isa. Sadyang mahiyain lang ang dalawa. Ang dalawang kapatid naman ni Sebastian na si Jessy at Jelly au madaldal parehong bibo ang mga to. At katulad ni Sandy ay notebook din ang hawak ng mga ito at sabay sabay na nag aral at gumawa ng mga takdang aralin ang mga ito. “Ate paano mo po nakilala si kuya Gil” tanong sa akin ni Jessy. " Ah, nagkabunguan kasi kami nung nag paenroll ako.” Sagot ko sa kanya. " Talaga ate? Naga gwapuhan ka din po ba

