“Kuya doon na lang po kayo ni ate Almirah sa loob ng kwarto dito na lang po ako sa sala." Saad ni Sanjo habang kumakain kami ng hapunan. Napatingin naman ako sa tatay at tatay ni Sebastian. Hindi ko kasi alam kung okay lang ba sa kanila na magkatabi kami ni Sebastian ngayong mga bata pa kami at nag-aaral pa. “Sigurado ka bang sasala ka matutulog? Wala kang bentilador na magagamit at maraming lamok." Naninigurado na tanong pa ni sebastian sa kapatid. “Doon na lang ako sa kwarto nina sunday okay lang naman sa akin na doon ako matulog." Nahihiyang sabi ko naman kay Sanjo. " Okay lang ate dito na lang ako sa sala, saka baka hindi iyan makatulog si kuya Sebastian kapag sa kwarto kaya nila nina Sandy matulog.” Nakangising sagot naman niya sa akin. napatingin tuloy ako kay Sebastian na todo

