“Fiance?" “Yes, fiance. Fiance ko si Sebastian." Sabi niya sa akin. May kung anong kirot akong nararamdaman sa dibdib ko. Paanong naging fiance siya ni Sebastian? Alam na alam naman niya noon kung gaano ko kamahal at ipinaglaban si Sebastian sa daddy ko. Alam niya ang lahat na nangyari kahit ang tungkol kay Sutton ay alam niya. Siya ba ang sabi kay Sebastian tungkol kay Sutton? “ Hey, best, okay ka lang ba? Bakit parang namumulta ka?” Ani sa akin ni Diana na pinitik ang mga daliri sa mukha ko. “Ahh, oo okay lang ako medyo nagulat lang ako na kayo pala ni Sebastian at fiance ka na niya. But anyways congratulations sa inyong dalawa.” Sabi ko at pilot na ngumiti sa kanila. “Yes mag tatlong taon na rin kami ni Sebastian, hindi ba love?” Ani pa ni Diana at lumapit kay Sebastian saka humali

