“No, Sebastian hindi natin anak si Sutton dahil anak siya ng kaibigan ko sa America. Iniwan siya sa akin Myrna nung isang taon pa lang siya at nagkataon naman na magka apelyido kayo ni Myrna. Kaya Montenegro ang dalang apelyido ni Sutton dahil hindi ko pa ito napapabago hanggang ngayon.” saad ko kay Sebastian. Dinadalangin ko lang na sana hindi niya mapansin ang panginginig ng mga kamay ko at hindi siya magpa imbestiga. “Sana nga nagsasabi ka sa akin ng totoo Almirah, dahil kapag nalaman ko na nagsisinungaling kayo sa akin kukunin ko sa inyo ang anak ko at wala akong paki alam kung uubusin ko ang pera ko para lang makuha sa inyo si Sutton.” Banta niya sa amin at lumabas na ng bahay namin. Nanghihina na napaupo naman ako sa sofa at napa hilamos sa mukha ko. “Ano ang gagawin ko kuya?" Nag

