Pagdating ko sa mansion ng mga Santiago ay hindi pa agad ako pinapasok ng mga guard na nakabantay sa gate nila. “Pakisabi sa amo na nandito si Sebastian Montenegro." Utos ko sa guard. Kanina ko pa gustong pumasok sa mansion ng mga Santiago para makita ang bata at kung tama ba ang hinala ko. “Pero boss hindi na po tumatanggap ng bisita ang amo ko sa gabi pasensya na po talaga." Sabi naman nito sa akin habang kumakamot sa ulo. “Tatawagan mo o matatanggal ka sa trabaho?” Galit na sabi ko. Wala na akong oras makipag usap pa sa kanya dahil kailangan ko makausap ngayon din si Almirah. " Sandali lang po sir.” Ani naman ng guard at agad na tumawag sa intercom. “Good evening po sir, nandito po si Mr. Sebastian Santiago." Narinig ko na sabi ng guard. Kumunot naman ang noo ko dahil lalaki ang k

