"Come here." Utos nya gamit ang baritonong boses sabay tapik sa kanyang hita. Marahas akong napalunok bago tumayo at umupo sa kandungan nya. Hindi ko na inisip kung tama pa ba itong ginagawa ko. Basta ang mahalaga ay masunod ang init na nararamdaman ko ngayon. Yumapos ang bisig nya sa baywang ko at marahan akong hinila para mas maglapit pa ang katawan naming dalawa. "Don't be nervous,Coligne." Bulong nya sa akin gamit ang nanghihinang boses na tila kinakapos na sa paghinga. Napakapit ako sa braso nyang nakapaikot sa akin nang maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa batok ko. Parang may kung anong bagay na nagwawala sa loob ng tiyan ko. Mariin kong kinagat ang labi para mapigilan ang sariling pag-ungol nang halikan nya ang likod ng tainga ko pababa sa aking balikat. Mapusok nya ito

