Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Naramdaman ko ang marahang paghagod nya sa likod ng aking ulo. Mas lalong tumindi ang nararamdaman ko dahil sa ginawa nyang iyon. Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nababaliw na yata ako. Ayoko mang aminin sa sarili ko pero nagseselos ako. Naguguluhan na ako, wala akong gusto kay Faustin. Paulit-ulit kong iniisip iyon para pakalmahin ang sarili. Kung hindi ko pa narinig ang madramang pag-tikhim ni Kuya ay hindi pa ako hihiwalay sa pagkakayakap kay Vincent. Nag-angat ako ng tingin kay Kuya. Nakailang beses akong lumunok dahil sa pagkapahiya. Nakita ko ang hindi pagsang-ayon sa mukha nya saka matalim akong tinitignan. "Are you ok?" Basag ni Vincent sa katahimikan. Halata ang pag-aalala sa kanyang muk

