Pagkatapos nila mag-usap ay dumiretso na agad si Vincent sa gitna ng gym para bumalik sa practice. Habang si Kuya naman ay tinabihan ako sa upuan at ang atensyon ay nasa hawak na cellphone.
"Kuya ano ang pinag-usapan nyo kanina?" Curious na tanong ko, napatigil sya sa pagta-type sa cellphone bago ako sinulyapan.
"May pinapasabi lang yung coach namin sa kanya." Paliwanang nya, tumango lang ako at hindi na nagtanong pa.
Hinintay kong bumalik si Vincent sa upuan nya pero nabigo ako. Dahil parang ayaw nyang lumubay sa pagpa-practice.
Si Kuya naman ay iniwan na ako dito. Naiinip na ako kaya nilapitan ko na si Vincent sa court. Nang makita ko syang huminto ay mabilis kong kinuha ang dala kong inumin.
Pero napasimangot na lang ako nang makitang may ibang babae ng nag-abot sa kanya ng tubig.
Nakita ko ang bahagyang pagtawa nya nang abutan pa sya nito ng face towel. Napahigpit ang hawak ko sa mineral bottle.
Matagal ng sumagi sa isip ko na baka may girlfriend na ito. Kaya paano ko pa magagawa ang misyon ko?
Ayoko naman mang-agaw ng pag-aari ng iba. Magmumukha akong desperada sa kanya. Baka lumaki pa ang ulo at isipin na sobrang gwapo nya.
Sa halip na sa kanya ko ibibigay ang hawak na tubig ay kay Bench ko nalang ito inabot. Sakto lang ang pagdaan nya sa harapan ko.
Bahagyang nagulat si Bench pero napalitan din ito ng ngisi at walang alinlangan na tinanggap ang tubig kahit na meron na syang hawak na tumbler.
"Thanks Coligne. sakto paubos na ang laman ng tumbler ko." Masigla nyang sabi.
Sinulyapan ko ulit ang dalawa, napalingon naman agad si Vincent sa amin. Mabilis ko naman binawi ang mata at ibinaling sa kausap. Peke akong ngumiti at nagpanggap na interesado sa sinasabi ni Bench.
"Gusto mo bang magmeryenda? Malapit lang ang cafeteria dito. Don't worry, my treat." Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na nya agad ako palabas.
"Buenaventura, saan mo dadalhin ang kapatid ko!" Sigaw ni Kuya mula sa malayo habang nagtatakang nakatingin sa amin.
"Magdi-date lang kami saglit!" Hiyaw din ni Bench saka tumawa nang malakas.
Bago kami tuluyang makalabas sa gym ay lumingon muna ako sa banda ni Vincent.
Mula sa malayo ay nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon nya bago tumalikod.
Wala na akong nagawa kung hindi sumama kay Bench. Tinanong nya kung ano ang gusto ko at sya nalang daw ang bibili kaya hinintay ko nalang sya.
Maya-maya lang ay bumalik syang may dala nang macaroons at juice.
"Kumain ka lang wag kang mahihiya sa akin." Nakangisi nyang sabi na parang bata ang kausap.
Ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ang mukha nya. May dimples pala sya pero sapat lang ang lalim nito kaya hindi masyadong halata kahit na nakangiti.
Makapal rin ang pilik-mata nya bumagay sa kulay brown nitong mata. Medyo mahaba ang kanyan buhok halos sumasalat na sa tainga nya.
Pero kahit na ganoon ay mas nangingibabaw ang kagwapuhan nito. Bahagya akong napanguso dahil naalala ko si Vincent. Ano na kaya ang ginagawa no'n?
Madaldal si Bench kaya hindi ako nainip hindi ko namalayan na napatagal kami sa pagmimeryenda.
Bahagyang nawala ang pagkainis na nararamdaman ko sa kanya. Dahil mabait naman pala ito. Sobra lang sa pagkapilyo.
"Oo nga pala may game kami sa Friday mas maganda kung manunood ka." Alok nya sa akin.
Sa totoo lang ay hindi ako mahilig sa basketball pero naisip ko na makakatulong iyon para mas mapalapit ako kay Vincent.
Napaisip tuloy ako kung isasama ko sila Jona gayong galit sya kay Bench.
"Pwede ko bang isama ang mga kaibigan ko?" Tumango naman sya at tila may gusto pang itanong pero mas pinili nyang manahimik na lang.
Ako rin naman ay may gustong itanong sa kanya.
Pasimple akong napapatingin kay Bench para sana humahanap ng tyempo. Huwag naman sana nyang bigyan ng ibang kahulugan ang itatanong ko. Tumikhim muna ako bago magsalita.
"Bench, may girlfriend naba ang Kuya ko?" Pasimula ko, nakita ko ang bahagyang pag-iisip nya sa tanong ko. Nangalumbaba sya at sumimsim sa juice na hawak.
"Wala naman, marami lang talaga syang kaibigan na babae." Sagot nya at binigyan ng diin ang pagkakasabi sa kaibigan na babae.
Tumango lang ako at nagtanong ulit.
"Eh si Vincent meron na?" Maingat kong tanong.
Marahan syang sumandal sa likod ng upuan bago humalukipkip. Mukha namang hindi nya binigyan ng ibang kahulugan ang tanong ko.
Matagal bago sya nakasagot para bang pinag-iisipan nyang mabuti ang sasabihin.
"Hmm, parang wala naman ata ngayon. Siguro baka sa isang linggo meron na ulit." Seryoso nyang sabi at napahawak pa sa baba. Nasamid ako sa iniinom kong juice dahil sa narinig.
Ibig sabihin ay wala lang ngayon pero bukas-makalawa ay magkakaroon na?
Mabilis naman akong inabutan ng tissue ni Bench. Agad kong pinunasan ang tumalsik na juice sa lamesa dahil sa pag-ubo ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya sa akin na nakapagpa-angat ng ulo ko upang tignan sya.
Walang sabi naman nyang pinunasan ang gilid ng labi ko. Medyo nagulat ako sa ginawa nya. Hindi pa man ako nakakabawi sa biglaan nyang pagpunas sa labi ko ay may humampas na sa kamay nya dahilan para mapaaray sya.
Walang sabing hinila ako ni Vincent palabas sa canteen. Napailing nalang si Bench habang hinihimas ang kamay nyang bahagyang namumula.
"Vincent, ano ba bitiwan mo nga ako!" Naiinis kong sigaw sa kanya. Pilit akong nagpupumiglas sa hawak nya pero mas lalo pa itong humihigpit.
"Sinabi nang bitiwan mo ako eh!"
Dahil sa pagka-inis ko ay kinagat ko ang kamay nyang nakahawak sa akin. Marahas nyang kinalas ang kamay sa akin bago ako hinarap.
Bakas sa mukha nya ang pinipigil ng galit. Nakaigting na ang kanyang panga habang mariin ang pagkakasara ng mga labi. Na para bang pinipigilan ang sarili na sumigaw.
Napalakas kaya ang pagkagat ko sa kanya? Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang may bakas ng pagkagat ko.
"Pasensya na, ikaw kasi bigla ka na lang nanghihila." Mahina kong sabi ng hindi nakatingin sa kanya. Medyo na guilty ako sa ginawa dahil nasobrahan yata ako.
Pakiramdam ko ay hinihipnotismo ako ng mga mata nya. Dahil sa ekspresyon na ipinapakita sa akin. Marahas syang napahilamos sa mukha bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
"Bakit ka ba talaga nandito? Nung una ay sa party ngayon naman ay sa campus. Ang bata mo pa lumalandi kana." Wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mukha nya habang sinasabi iyon.
Nagtagis ang bagang ko sa huli nyang sinabi. Pinaningkitan ko sya ng mata.
Ano'ng karapatan nyang sabihan ako ng gano'n? Hindi porke't mas matanda sya sa akin ay may karapatan na syang pagsabihan ako. Kung alam mo lang na ikaw talaga ang pakay ko. Baka kainin mo ang lahat ng sinabi mo ngayon.
"Eh anong pakialam mo? Bakit naiinggit ka dahil nasasapawan kita?" Sarkastikong sabi ko bago tumawa.
Oo dito lang ako magaling, ang mag-asar kaya lulubusin ko na.
Nakita ko ang pag-angat at baba ng dibdib nya pati ang pagkuyom ng kamao.
Tila ba gusto akong tunawin sa pamamagitan ng titig nya. Mariin syang pumikit at pilit kinakalma ang sarili. Nang muli syang dumilat ay naging malamig na ang mga mata nito.
"Walang nakakatuwa sa sinabi mo."
Seryoso nyang sabi gamit ang malalim na boses.
Humalukipkip ako at bahagyang lumapit sa kanya. Sapat lang para marinig nya ang sasabihin ko.
"Hindi ko sinabing tumawa ka." Pilosopo kong balik sa kanya bago sya binigyan ng matamis na ngiti.
Mas lalong nadepina ang kanyang panga ng umigitng ito habang nag-aalab ang kanyang mga mata. Bumaba ang tingin nya sa labi ko. Marahas syang napalunok, hindi nakaligtas sa akin ang mabagal nyang pagbasa sa mapupulang labi gamit ang dila.
Napaatras ako sa biglaan nyang paglapit. Hanggang sa wala na akong maatrasan pa. Pilit kong idinikit ang likod sa puno dahil sa walang tigil nyang paglapit. Hindi pa rin naaalis ang malalim nyang titig sa labi ko.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo."
Malambing ang pagkakabigkas nya.
Ramdam ko ang mainit na hininga nyang tumatama sa aking mukha. Sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko ay hindi ko na alam ang dapat na isagot.
Natatakot akong baka pagnagsalita ako ay mapiyok ang boses ko dahil sa panghihina. Binasa ko ang natutuyong labi upang maibsan ang kaba.
Napapikit na lang ako ng mariin nang walang sabi nyang inilapit ang mukha sa akin. Hinihintay ko ang paglapat ng malambot nyang labi sa akin ngunit tila ba nabigo ako dahil hindi doon lumapat iyon. Sa halip ay sa tungki ng aking tainga.
Ano ba tong iniisip ko?! Bakit naman nya ako hahalikan?! Pagalit na sumbat ko sa sarili.
Marahas akong napasinghap sa pagsalat ng dila nya sa gilid ng aking tainga. Ramdam ko ang init no'n, bahagyang nagtagal ito sa aking balat.
Muntik na akong magpakawala ng mahinang ungol dahil sa sensasyong naramdaman. Mabilis kong tinakpan ang bibig para pigilan ang sarili. Tila may kung ano sa aking tiyan na walang humpay sa pagwawala. Nag-iinit na ang buo kong katawan.
Ang isa nyang kamay ay naka-hawak sa likod ng puno para suportahan ang sarili. Samantalang ang isa ay nasa likod ng aking leeg para ilihis ang nakaharang kong buhok.
Para bang may sariling isip ang aking katawan dahil kusang gumalaw ang aking ulo patagilid upang bigyan sya ng kalayaan sa ginagawa.
Hindi pa man ako nakakaahon sa ginagawa nyang paglunod sa akin. Nang bigla nalang nyang inilayo ang sarili na parang napaso sa akin.
Mabibigat ang paghinga nya habang ang mga mata ay bakas ang hindi maitagong pagnanasa. Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pag-angal.
Inaamin kong nabitin ako at dismayado dahil akala ko ay sa labi nya ako hahalikan. Hindi ko akalain na kaya nyang tumbasan ng higit pa sa aking inaasahan.
Namula ang mukha ko ng mapansin kong matagal kaming nagkatitigan. Na para bang naghihintay na isa sa amin ang muling sumunggab.
Iniyuko ko ang aking ulo upang maiwasan ang mapang-akit nyang titig. Sya naman ay lumayo na at halos hindi ko na marinig ang paghingi nya ng pasensya dahil sa ginawang paghalik sa aking tainga.
"Tara na sa loob baka hinahanap kana." Tahimik naman akong sumunod habang pinapanood ang bawat kilos na ginagawa nya.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking tainga at pilit na inaalis sa sistema ang nangyari.Mariin akong napapikit bago nagpakawala ng sunod-sunod na buntong-hininga.
I've should provoke and seduce him.
Pero bakit parang ako ang naaakit?
Muli ko syang sinulyapan pero nakalayo na ito sa akin.