Chapter 7

1160 Words
"Look girls, this is Kobe Elliot Marcelo." Sabay-sabay kaming napatingin sa hawak nyang cellphone. Hindi maitago ang kinang sa mga mata ni Jona habang ipinapakita sa amin ang litrato na sya mismo ang kumuha. Isang lalaking maputi at matangos ang ilong ang nasa litarato. May manipis at mapupulang labi habang nakaupo. Ang mga paa ay nakadekwatro. Halata ang pagkainip sa kanyang mga mata. "Ang yummy." Kinikilig na sabi ni Marie. "Sino na naman yang ini-stalk mo?" Tanong ko habang magkasalubong ang mga kilay. Lumapad lang ang ngisi ni Jona bago malanding tumawa. Hinawi pa nya ang buhok na para bang modelo ng shampoo. Napaismid na lang ako dahil mukhang alam ko na ang binabalak nya. "Remember the guy with four eyes?" Mahina nitong tanong. Napatikhim naman si Diary dahil sa sinabing iyon ni Jona. Bahagya nya pang inayos ang salamin bago inirapan ang kaibigan. Mahinang tawa lang ang pinakawalan ko. Talagang kapag si Jona ang nagsalita, hindi maiiwasan na may masasaktan. "The guy on Ice Vincent's party. Yung nerd." Pilit nyang pinapaalala ang itsura. Napaisip tuloy ako kung sino doon ang tinutukoy nya. Napapitik ako ng daliri nang maalala si Koko. Iyong barkada ni Kuya. Kinuha ko ulit ang cellphone nya para titigan mabuti ang itsura dahil hindi ko sya agad nakilala. Nang makumpirma ay napatango na lang ako. He looks mysterious and handsome in the photo. Ibang-iba kapag nakasuot sya ng salamin at tanging uniform lang ang laging suot kapag nakikita ko. "My gosh, feeling ko nakakita ako ng artista kagabi sa party. Muntikan ng malaglag ang underwear ko!" Sabi ni Jona na tuwang-tuwa sa ideyang tumatakbo sa isip. Saka sya biglang tumawa, napa-iling nalang ako. Bigla ko tuloy naalala si Vincent. Napabuntong hininga na lang ako. Napansin ko kasing tuwing nagpupunta sya sa bahay kasama si Kuya ay iniiwasan nya na ako. --- "Gusto mo ng juice?" Alok ko. Pagkatapos kasi ng practice nila ay hindi pa sya agad umuwi dahil may gagawin pa daw sila ni Kuya. Nakita ko ang pag-iling nya na hindi man lang ako nililingon. Seryoso ang titig sa hawak nyang cellphone. Pero dahil pursigido akong magpapansin ay dinalan ko nalang sya ng tubig bago umupo sa tabi nya. Napansin ko ang paglunok nya pero nakatuon pa rin ang atensyon sa hawak na cellphone. "Saan kayo pupunta ni Kuya?" Tanong ko pero hindi sya kumibo at nagpanggap na parang walang narinig. Kaya hinablot ko ang cellphone nya dahilan para mapatingin sya sa akin. Nagsalubong agad ang dalawa nyang kilay habang nakakunot ang noo. "Bakit di ka sumasagot?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Huminga lang sya nang malalim bago umiling. Pilit kong pinahaba ang pasensya ko. Pinanliitan ko sya ng mata. "Iniiwasan mo ba ako?" Diretsong tanong ko pero wala akong sagot na nakuha sa kanya. Sa halip ay binawi nya ang cellphone sa kamay ko. Kaya mas lalo lang akong nainis. Ano ng nangyari sa makulit na Vincent na kilala ko? Mas lalo akong lumapit sa kanya at pilit kong hinuli ang mga mata nya na pilit iniiwas sa akin. "Stop it, Coligne." Matigas na pagkakasabi nya sa akin.Tumayo sya at walang sabing umalis. Napasabunot na lang ako sa sarili. Ano nang gagawin ko? Bakit ba iniiwasan nya ako? ---- "Hello, nasa Earth pa ba ang kaibigan ko?" Pilyang sambit ni Jona habang kinakaway ang isang kamay sa harap ng mukha ko. Saka lang ako natauhan kaya umayos na ako ng upo at hinarap sila. "Ang layo na yata ng narating mo. Kanina pa naglalakbay ang utak mo sa kalawakan." Nagtataka nya akong tinitigan habang umiiling pa. "Gusto nyo bang sumama sa akin manood ng basketball game nila Bench?" Paglihis ko sa usapan, bakas ang pagkadisgusto sa mukha nya ng banggitin ko ang pangalan na iyon. Umismid sya bago tumaas ang kanang kilay. "No way! That gurang is a jerk. Hindi naman gwapo." Maarteng sabi nya saka pinaikot sa hintuturo ang dulo ng buhok. "Ako gusto kong sumama." Kuminang ang mga mata ni Marie habang magkadaop ang dalawang palad. "Sumama na kayo saglit lang tayo dun, promise." Masayang pahayag ko bago ngumiti. Itinaas ko pa ang kanan na kamay. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Diary. Inayos pa nito ang suot na salamin bago ako mariin na tinitigan. "Don't tell me?!" Sigaw ni Jona at napatakip pa ng bibig. "Crush mo si Bench?" Pagpapatuloy nya sa sinasabi. Mabilis akong napailing bago sya sinimangutan. Mapagdudang mata naman ni Marie ang humarang sa akin. "Baka si Ice." Maingat na sabat ni Diary, napalingon ang dalawa sa kanya. Napasinghap na lang ako. Alam kong hindi nila ako titigilan. "Oh my gosh, what happened to the world?!" Malakas na sabi ni Jona dahilan para mapalingon sa gawi namin ang mga kaklase. Curious silang nakatingin sa amin. Pati si Faustin ay nakatingin na rin. Wala sa sariling napailing ako bago sya pinukulan ng matalim na titig. "Are you drugs?" Dagdag pa ni Marie. Napangiwi na lang ako sa maling grammar nya. Malakas ang ginawang pagtawa ni Jona kay Marie. Tinukso pa itong mag-aral ng mabuti katulad nya. "Basta samahan nyo nalang ako." sabi ko at tinalikuran sila. Nang matapos ang klase ay nagpaalam na sa akin ang mga kaibigan ko. Madalas akong maiwan mag-isa dahil maraming pinapagawa sa akin si Mrs. Aquino. Nagmamadali kong nilagay ang notebook sa bag kaya nalaglag ang ballpen na nakaipit doon. Pupulutin ko na sana nang may nauna nang kumuha ng ballpen ko sa ibaba at inabot sa akin. Bahagya akong nagulat dahil hindi ko inaasahan na lalapitan ako ni Faustin. "S-salamat." Nauutal na bigkas ko saka mabilis na hinablot iyon sa kamay nya. "Pwede bang mag-usap tayo?" Katulad ng dati ay wala pa ring emosyon ang pagkakasabi nya. Tipid akong tumango bilang sagot. Sumunod nalang ako sa kanya nang magsimula syang maglakad palabas ng kwarto. Marami pang tao sa classroom kanina kaya naisipan kong tama lang na sa ibang lugar kami mag-usap. Binuksan nya ang pinto ng fire exit at huminto sa kalagitnaan ng hagdan. Sumandal sya sa pader bago inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. "Mukhang suko kana yata." Hindi iyon tanong kundi pahayag. Napabuntong-hininga sya at seryoso akong tinignan. "Sabihin mo lang hindi naman kita pinipilit." Pagpapatuloy nya. Napatikom ang labi ko dahil sa pagkainis. Hindi mo nga ako pinipilit. But you blackmailed me! "Nagsisimula na ako. Medyo nahihirapan lang pero ginagawa ko pa rin naman." Determinado kong sabi. Tumango lang sya bago inalis ang katawan sa pagkakasandal. "Wag kang mag-alala, tutulungan kita." Makahulugan nyang sabi na nakapagpakunot ng noo ko. "Bakit mo ba ito ginagawa?" Gusto ko tuloy lalong malaman kung bakit nya ginagawa ito. Nagkibit lang sya ng balikat bago inilabas ang cellphone. "Number mo." Maikling sabi nya bago inabot sa akin ang cellphone. Agad ko naman na kinuha iyon at nagtipa ng numero. Nang matapos ako ay ibinalik ko agad sa kanya. Hindi na sya kumibo pa at walang sabing iniwan ako mag-isa. Napairap na lang ako bago sumunod na lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD