Ilang minuto bago sya kumalma. S'ya na din ang nagkusang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Nakayuko ang ulo nyang lumayo saka mabilis pinunasan ang mukhang basang-basa dahil sa luha. Pati ako ay pasimpleng nagpunas ng luha. Saglit akong suminghot at may awang syang pinagmasdan. Nahihirapan man ay pilit syang ngumiti. "S-salamat," Nahihiya nyang sabi at agad nag-iwas ng tingin. Itinago nya ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon saka muling suminghot. Hindi ko alam ang dapat na isagot kaya isang tango lang ang nagawa ko. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago namin napagpasyahang umuwi. Hindi ko man itanong ay nakita ko sa mga mata nya na nasaktan sya nang sobra at hindi sapat ang ginawa nyang pag-iyak kanina. Bago sya tuluyang sumakay sa tricycle ay sinabi ny

