Chapter 35

993 Words

Pinagmasdan ko si Vincent na naglalakad palapit sa akin. Parang may malalim  na iniisip.  Kanina pa sya nakalabas ng banyo pero hindi man lang nya ako nagawang tapunan ng tingin. "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kanya, nag-angat sya ng tingin sa akin. Unti-unting nawala ang pagkakasalubong ng mga kilay nya. "Uuwi ako kapag sinabi mong ok na tayo." Malabing nyang sabi. Pumikit muna ako sandali bago sinalubong ang kanyang mga tingin saka sya sinuklian ng isang tipid na ngiti. "Ok naman tayo ah, ikaw lang naman ang may problema kahapon." Mahina ngunit sapat lang para marinig nya. Nakita ko kung paano lumungkot ang ekspresyon nya bago binasa ang pang-ibabang labi. Hindi ko maiwasan ang mapatingin doon para bang lagi nya akong inaakit. "I'm really sorry." Tila nahihirapan nyang sabi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD