Hawak ko ang ulo ko na parang binibiyak sa dalawa. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit pero tahimik kong iniinda at pumipikit na lang kapag pasumpong-sumpong na kumikirot.
“Hindi ko na talaga uulitin,” bulong ko sa sarili ko.
Hindi na talaga! Pagkatapos nung kagabi. Panaginip lang kaya 'yon? Bakit makatotohanan naman sobra 'yong nangyari? Ahhhh!!! Ayoko na talaga uminom.
“Gab, sa'n ka galing kagabi?”
Tulala ako kanina pa at parang hindi ko ramdam ang nasa paligid ko. Wala pa akong matinong tulog at sa tuwing maiisip ko 'yong mga nangyari kagabi gusto kong magwala. Una, dahil sa pangloloko ni Justine. Pangalawa, dahil muntikan na akong hindi masikatan ng araw dahil sa nakaharap ko kagabi.
“Gab, sa'n ka ba galing kagabi at tulala ka d'yan?” sabi ni Aling Dessa sabay hampas sa balikat ko.
Sa lakas ng pagkakahampas niya sa'kin natauhan ako at balik realidad na naman.
“Aray ko,” bulong ko habang hawak ang kanang balikat ko na na hinampas niya.
“Ano ba kanina pa kita kinakausap ah?! Para akong nagtatanong sa hangin,” nakapameywang na sabi n Aling Dessa.
I sighed and put my sanity back. As much as I can. “Nagmuni-muni lang po,” mahina kong sabi.
Napakunot si Aling Dessa. “Anong nagmuni-muni?! Amoy alak ka nung umuwi ka a. Paano kung 'di kita nakita kagabi?!”
Kapag ganito si Aling Dessa parang may humahaplos sa puso ko dahil may taong nag-aalala para sa'kin.
Naabutan ako ni Aling Dessa sa may kanto sa'min na nakaupo ako sa sahig. Doon kasi ako umupo dahil ang sakit na ng ulo ko at nahihilo na talaga ako. Buti na lang nakita niya ako bago pa ako makita ng mga tambay at pagdiskitahan lang.
“Pasensya na po,”
Hinihingal siyang dahil sa sunod-sunod niyang panenermon sa akin.
“Ikaw talaga Gab. Alam kong hindi mo gagawin ang mga-inom ng walang dahilan.” lumapit si Aling Dessa sa'kin kaya kinabahan ako. May hinala akong hindi niya ako titigilan kapag hindi ako nagsabi ng totoo. "Anong nangyari kagabi?"
“Niloko ka ni Justine.” bigla niyang sagot.
Hindi 'yon tanong, sigurado siya na niloko nga ako ni Justine.
Napayuko ako at marahang tumango. Ngayon mas masakit na malaman ang katotohanan. I was in denial kagabi dahil hindi ko alam kung paano tatanggapin. Today, realization hits me that Justine cheated on me.
“G*go talaga ang lalaking 'yon.” she sighed. “Tama talaga 'yong nakita ko nung isang araw e,”
“Huwag na po nating pag-usapan,”
Hindi na nga namin pinag-usapan pa ni Aling Dessa ang tungkol doon. Hindi na din niya tinanong kung ano pang nangyari nung gabing 'yon bukod sa nahuli ko si Justine. Hindi niya alam na muntikan na akong mamatay at buti na lang din 'yon kasi ayokong mag-alala pa siya.
Ayokong magdala ng problema kay Aling Dessa.
Nagdesisyon ako hindi na muna pumasok sa duty sa store dahil makikita ko lang si Justine. Ayoko siyang makita dahil baka makapatay ako ng tao kapag nagkrus ang landas namin. Parehas ko silang ibaon ng babae niya.
My phone beeped and I immediately check it.
Speaking of devil, Justine texted me.
Justine:
Be, hindi ka papasok? Miss na kita.
I rolled my eyes as I want to vomit. Miss mo mukha mo! Gusto ko 'yong i-chat sa kanya pero pinigilan ko, aksaya lang ng oras 'yon.
Halos isang linggo din akong hindi pumasok sa store at hindi nag-rereply sa mga text ni Justine.
“Uy, be! Bakit 'di mo ako pinapansin?”
Ngayon nasa harap ko ang demoho na 'to at kinukulit ako. I tried to ignore his presence but my irritation towards him aroused when he held my arms to face him.
Tahimik lang si Aling Dessa sa gilid habang mapagmasid kaming tinitignan. Alam kong gusto na ni Aling Dessa makialam pero hinahayaan niya akong harapin ang problema ko. At kung lumaki man ang gulo, alam kong reresbakan niya ako. Siya ang lagi kong kakampi.
“Be…” he pouted as he tried to hugged me but I step back.
“Pwede ba wala na tayo kaya tigilan mo ako.” nagtitimpi kong sabi.
Nakakainis na nakakapandiri ang ginagawa niya ngayon.
“E, bakit?! Anong ginawa ko?”
Napahinto ako sa ginagawa ko at inis siyang hinarap. Nagtatanong siya kung anong ginawa niya?! Seryoso talaga siya! Nag-init ang ulo ko at hindi makapaniwalang tumawa sa kanya.
“Anong ginawa mo?” hindi ko makapaniwalang tanong.
“Oo be. Para naman maayos natin. Bigla ka na lang hindi pumasok sa trabaho at hindi nagpaparamdam,”
Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa galing niyang umarte. Kung hindi ko siya nahuli malamang madadala ako sa paawa effect niya. Akala mo kung sinong inapi.
“Sabihin mo kung anong ginawa ko? Para hindi ako mukhang tanga dito,” nainip niyang sabi at halatang naiinis na rin.
“Ano ba 'yon be?”
Nakayukom ang kamay ko at lumipad 'yon sa mukha niya.
Damn! Ang sarap sa feeling na makasapak ng isang manloloko.
Gusto mo palang malaman huh!
“T*ngina mo! Nakita kita nung isang linggo may kasama kang iba. Monthsary na'tin 'yon pero iba ang kasama mo. Hayop ka! Tapos mag tatanong ka kung anong ginawa mo?!” tumaas ang boses ko.
Napatayo si Aling Dessa at may ilang din mga chismosa ang tumitingin sa'min.
Hawak-hawak niya ang pisngi niya at umayos ng tayo. Lumibot ang tingin niya sa paligid bago inis akong tinignan.
“Bahala ka nga d'yan!” iyong lang ang sinabi niya at tumalikod. “Sawa na din ako sa'yo,”
Naiwan akong nakatulala at hindi makapaniwala sa sinabi niya. I didn’t expect that he didn’t even try to explain to me what he just did! Parang tinanggap niya na agad. Putek! Pero buti na lang nasapak ko siya pero kulang pa 'yon.
Kailan niya pa ako niloloko?! Napaka niya talaga.
Hindi ko aakalaing makakatagpo ako ng taong gano'n sa katauhan niya. Hindi mo aakalain sa itsura niya dahil mukha niya mabait at maamo. Panlabas na anyo lang pala 'yon.
Months has been passed I became a single again. Hindi naman sobrang tagal ng relasyon namin para masanay akong lagi siyang nandyan. Mas matagal akong naging single kaysa naging in relationships. Nagresign na 'ko don sa store bago niya pa ako tanggalin at pinagtuunan ko ng pansin ang paghahanap ng bagong trabaho. Sinabihan naman ako ni Aling Dessa na hindi ko naman kailangang agad maghanap ng bagong trabaho. Pero gusto ko pa rin dahil kailangan ng pangsuporta.
Para sa'kin at para sa kapatid kong nasa ampunan.
Simula nung maging single ulit ako mas nakita ko kung anong mas importante sa akin. Ito muna dapat ang kailangan kong pagkaingatan.
“Kumusta ang kapatid kong pogi?” sabi ko sabay pisil sa pisngi ng kapatid ko.
Sumimangot siya at iniwas ang mukha, nagtatampo na naman.
Pinagkrus niya ang kamay niya at nag-iwas ng tingin.
“Bakit ngayon ka lang? Sabi mo dadalaw ka nung isang araw?”
Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. “Nagkaproblema kasi si Ate e. Pero may pasalubong si Ate.” pag-uuto ko sa kapatid ko para mawala na ang pagtatampo niya.
Nanlaki ang mata niya at hindi na maitago ang excitement, mabilis naglaho ang kaninang pagtatampo.
Naglahad siya ng dalawang kamay sa'kin. “Nasa’n na?” atat niyang sabi.
“Pikit ka muna.” sabi ko habang nakatago ang kamay ko sa likod ko na may hawak na regalo.
Mabilis niyang pinikit ang mga mata niya.
Ipinatong ko ang regalong dala ko sa kamay niyang nakalahad sa'kin.
“Pwede na,” it's my cue for him to open his eyes.
Malaki ang ngiti at nagtatatalon pa sa tuwa ng makita ang isang simple kong regalo. Iyon ang gusto niyang makuha nung nakaraang birthday niya pero hindi ko nabigay dahil kapos ako sa pera. Ngayong may tira naman ako kahit papaano at ang huli kong sahod sa store, binili ko na 'yon para sa kanya.
Isa 'yong ukelele. Mahilig kasi 'tong kapatid ko sa papakinig sa music. Kaya gusto ko kahit papaano na masuportahan ko ang mga hilig niya kahit na magkalayo kami. Dapat talaga gitara kaya lang mas mahal at maliit pa naman siya kaya baka hindi pa maabot ng mga daliri niya.
He hugged me tightly. “Thank you ate!”
I am lucky that I have this kind of younger brother who understand our situation. Simula ng maulila kaming dalawa, kinuha na siya ng isang non-government charity na may proyektong kupkupin ang mga batang ulila na. Dapat kasama din ako dahil menor edad lang ako nung mawala ang magulang ko pero kinuha ako ni Aling Dessa. Kahit masakit sa'kin, kinaya't tiniis kong mapalayo sa kapatid ko.
Hangga't maari linggo-linggo ako pumupunta dito para hindi siya malungkot, lagi akong nagtatabi ng pera para sa kanya. Siya din ang rason kung bakit kailangan kong magsumikap.
“Pa’no ba 'yan kailangan ng umalis ni Ate.” I smiled.
Papalubog na ang araw at ayokong maabutan ng dilim sa daan lalo na't may kalayuan pa ang iba-byahe ko.
“Balik ka kaagad,”
Nangilid ang luha ko. Hindi ata ako masasanay na mapalayo sa kanya. Ginulo kong muli ang buhok niya na siyang kinatawa niya.
“Oo naman. Lagi kang pupuntahan ni ate,” I assure to him.
I hugged him tightly and face him. “Pero dapat?”
“Behave si Kian,” masigla niyang sabi.
Nakita kong papalapit na si Sister at kinuha na siya Kian para pumasok sa loob. Pinanood ko muna silang makapasok bago ako tuluyang umalis.