Kabanata 2: Encounter

1876 Words
“Mga taksil!” I shouted from the top of my lungs. I even raised my hand, holding this alcohol drink that I bought. Nagpakalunod ako sa alak para lang makalimot. Ang sakit kasi e. Ito lang din ang paraan na alam ko para hindi ako magmumok sa bahay. Ayoko pa rin umuwi at tanggapin na tama lahat ng hinala ko at totoo ang mga ito. I went to the abandon park where now one would like to go because they say that this is a place where people mysteriously killed or being ambush. Takot ako dito noon pero hindi ngayon dahil na rin siguro sa tama ng alak sa katawan ko at ang pagnanais kong makalimot. Umupo ako sa swing dahil pakiramdam ko matutumba na ako. Hindi ko pa nakakalahati itong alak na iniinom ko pero kanina pa naiikot ang mundo ko. Hinilig ko ang ulo ko sa swing. “Malasin sana kayong dalawa!!!” Winagayway ko ang bote ng alak at may tumalsik pa na siyang ikinatawa ko. “Kung kaya akong lokohin, lolokohin ka rin nun!” I faked a cry then laughed. F*ck! I'm insane. Bakit walang luha?! Tumayo ako pero natumba lang ako. Natapon ang alak ko pero may natira pa naman. Uminom ako kaunti at napapikit dahil sa pait ng lasa nito. Pinangako ko sa sarili kong una't huling beses ko na 'tong iinom. “Letseng lupa! Letseng Justine! Letse lahat ng manloloko! Lamunin sana kayo ng lupa! Mga sinungaling!” Pinagpagan ko ang katawan ko na nadumihan. Hindi pa ako tapos magpagpag sa sarili ko ng may narinig akong isang putok ng baril. Flabbergasted. I looked around to see where it came from. Pero dahil madaming puno dito at madalim hindi ko masabi kong saan 'yon galing. At hindi ko rin alam kung talaga bang putok ng baril 'yon. Lasing ako, oo, pero malinaw kung anong narinig ko. Hindi naman ako ginapangan ng takot at bumalik ako sa pag-inom. Iba na ang tama ng alak sa utak ko. Pagewang-gewang ako sa paglalakad ng may nakita akong isang anino. Naningkit ang mata ko at pilit kong tinititigan kung ano ba 'yong nakita ko. Dahil sa tama ng alak sa sistema ko hindi ko na ma-process sa utak ko kung ano ba talaga ang nasa harap ko. “M-may tao ba d'yan?” Saglit akong nanahimik at hinintay kong may sasagot ba pero wala. Lumakad ako ulit pero natapilok lang ako. I put myself back and tried to walk towards that shadow. Kung sana katinuan lang ako ngayon malamang tumakbo na ako pauwi. “Hoy! Kung may pinatay kayo d'yan. Damay niyo na ako. Patay na kasi 'tong puso ko.” sabay hampas sa dibdib ko at tumawa. Napahinto ako sa paglalakad nang may tumutok na kung anong bagay sa likod ng ulo ko. "Ang bilis naman." sabi ko ng hindi nag-iisip sabay nasinok pa. I swallowed hard thrice as I heard a footstep coming from me aside from someone who is now on my back. Shit! Mamamatay ata akong brokenhearted ngayon. Nagsimulang magwala ang puso ko sa kaba ng may narinig akong kalabit ng baril, isang kalabit lang nito sa gatilyo siguradong wakas ang buhay ko. Tama nga ang kumakalat na balita. May pinapatay talaga dito. At magiging isa na ako sa mga 'yon kung hindi ako makakatakas dito. “J-joke lang 'yong sinabi ko. Bakit ang serious niyo naman?” kinakabahan kong sabi at pilit na gumawa ng tawa. “Tara inom!” I tried to make my voice joyful as I raised the alcohol bottle. Pero walang sumagot at nanatili pa ring nakatutok ang baril sa likod ng ulo ko. A man showed up in front of me. Nakapasok ang parehas niyang kamay sa bulsa habang pinagmamasdan ako. He narrowed his eyes at me and then licked his lower lip. Kahit may kadiliman kita naman ang mukha niya. Hindi mo iyon maitatago sa liwanag ng buwan at sa patay sinding ilaw dito sa part. Siguro mas malinaw kung mapapansin ang mukha nito kung nasa katinuan lang ako. Kaya lang hindi. Halata sa kanya na may itsura siya at alam ko ding isang tao lang ang nasa harapan ko ngayon pero bakit nagiging dalawa siya? Talagang nahihilo na ako! Hindi ko siya masyadong mamukhaan! “You want to die, right?” I nodded but shook my head instantly, making his face crumble. He leaned down and whispered on my ears that made me shiver. “I can grant your wish.” His voice is deep and husky. Muli akong nasinok at nagkurap-kurap. “Nasabi ko 'yon kasi niloko ako ng gago kong boyfriend,” pagalit kong sabi. “Pero ayoko pang mamatay!” Sino bang gustong mamatay?! Umayos siya ng pagkakatao at inismiran ako. Inabot ko sa kanya 'yong alak na hawak ko. Shemm! Nagkukusa ang katawan ko, hindi ko makontrol! “Inom tayo,” pagyayaya ko sa kanya. Isang maling desisyon ko lang talagang patay ako sa kinakatayuan ko. He raised his eyebrow and looked at me with a disgusting look on his face. “I don’t drink that kind of s**t,” Ngumuso ako at sinamaan siya ng tingin. “One hundred pesos bili ko dito!” “Hindi naman 'yan mahal. Inumin 'yan ng mga walang pera,” Hindi ako makapaniwalang bumuga ng hininga. Aba! Nilait niya ba ako?! “Ang hirap kitain ng piso alam mo ba 'yon?!” irita kong sabi sa kanya. Sinubukan kong pagmasdan ang kabuuan nitong nasa harap ko. Base sa suot niyang suit at dating mukhang mayaman siya pero nagiging dalawa talaga siya sa paningin ko. Ahhh!!! Nag-iwas ako ng tingin at kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko na magsalita ng masasama sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ang bilis nangilid ang luha sa mga mata ko. “Grabe ka mang-lait,” Hindi ako naiiyak nung nakita kong niloko ako pero sa mga sinabi niya parang gusto ko ng umiyak. “Tsaka ang dumi na 'yan,” bulong niya pa, sakto lang para marinig ko. Tinignan ko ang alak na hawak ko at napansin ngang may mga buhangin na dumikit sa bote. Nadumihan 'to dahil sa pagkatumba ko kanina. Tapos ininuman ko pa kanina! I am wasted! “Madumi na nga.” sabi ko sabay bato nung bote. May kasama 'yong sama ng loob. “Can I kill you now?” tamad niyang tanong. Wala ako sa sariling tumango. Naisip ko kung mamamatay ako ngayon wala na akong mararamdamang sakit at wala na din akong utang. Tapos na ang lahat. Sorry Aling Dessa at hindi ko magagawang bayaran ang utang ng pamilya ko. At mukhang maiiwan ko pa ajg kapatid ko sa ampunan. Pero bago 'yon tinaas ko ang kamay ko sa harap niya para pigilan muna siya dahil may nabuong tanong sa isip ko. “Bakit?” He crossed his arm in the middle. Pansin ko kahit na ka suit siya maganda ang built ng katawan niya. Infairness. “Anong bakit?” Huminga ako ng malalim. “Bakit mo ako papatayin?” I paused. “Wala naman akong ginawang masama sa'yo at hindi naman kita kilala. Nagkataon lang na nandito ako kasi gusto ko lang namang makalimot,” “Ang pagpunta mo palang dito ay rason na para patayin kita,” ang kaswal lang ng dating sa kanya ang mga sinasabi niya. “You heard a gun shot right?” Tumango ako ng walang takot. “Oo. So, may namatay nga?” hindi siya sumagot pero sapat na 'yon bilang patunay na may namatay nga. “At ikaw ang pumatay?” He must be the boss. Kasi kung hindi baka kanina pa ako patay dahil hindi pa rin inaalis ang baril ng kung sino man ang nasa likod ko. “Parang normal na sa'yo ang gawaing 'to. Hindi ka ba nakokonsensya? O wala kayo nun? Ilang tao na din kaya ang pinatay niyo?” matapang kong tanong. Naramdaman ko ang pagsama ng titig niya sa'kin kasabay ng pagdiin ng baril sa ulo ko. Ipinapahiwatig na itikom ko ang bibig ko kung gusto ko pang mabuhay. Kung mamamatay din naman ako dapat sabihin ko na ang gusto kong sabihin. “I killed so many people,” hindi ko inaasahang sasabot siya. “In my world, dapat hindi ka makonsensya kasi ikaw ang mapapahamak. To kill or to be killed.” “Tss,” I rolled my eyes. “Kung may nagawang masama 'yong tao bakit kailangan pa silang patayin kung pwede naman silang makulong?!” Someone approached to him and whispered on his ear. He just nodded and raised his hand. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. He took a step closer towards me then cupped my face using his one hand, lifting it up to look at my face. His hand isn't tight but he put pressure on it. “Justice didn’t serve well in this world. And in this place I am the justice. I give what I think they deserve.” he hummed and bring closer his face on mine. I swallowed hard. I can smell his manly and minty scent. Sa sobrang lapit namin konti na lang maglalapat na ang mga labi namin. Nagbaba siya ng tingin sa labi ko bago bumalik sa mata ko. “I kill people because I need to. You don’t understand anything about my world, baby.” he softly whispered but dangerously. Lumalaban ako sa mga titig niya. At ngayong malapit siya, nakita ko kung gaano siya kagwapo. He has sharp jaw, pointed nose and small lip and also beard from jaw to his chin. At ang mga mata niya at kakaiba, kulay berde na parang may pagka-grey ito. Masasabi mong may banyagang lahi ito. “You better shut your mouth if you want to live,” pagbabanta niya. Muli akong napalunok at marahang tumango dahil iyon lang ang magagawa ko at ang tamang isagot sa kanya. Medyo bumalik ako sa katauhan ko dahil sa takot sa kanya. He looked like a monster looking at his prey, reading himself to eat me alive. Inalis niya ang kamay niya sa pisngi ko at umayos ng tayo. “I’ll spare your life this time but next time we meet again, I will make sure that you can't escape from me. But the next time you will ask me to kill, hindi na ako magdadalawang-isip pa.” he said staring at my body before he walked away. Nawala na din 'yong nagtutok ng baril sa ulo ko. Ngayon ko lang din napansin na may iba pa siyang kasama. Sabay-sabay silang umalis at naiwan ako doon. Napatitig na lang ako sa likod niya habang papalayo siya. Napaupo ako sa sahig habang nanghihina. Kanina pa nangangatog ang tuhod ko sa takot. Buong akala ko katapusan ko na. Napahawak ako sa dibdib ko at pumikit habang hinahabol ang hininga ko. Parang nawala ang kalasingan ko dahil sa nangyari. Tumatak sa isip ko ang sinabi niya pero hindi ako papayag na magkrus ang landas naming dalawa. He is dangerous and as well the world he live in. Hindi ko alam kung paano siya nakakatagal sa gano'n. I must stay away and not to involve myself to him at all cost. Hindi na rin ako babalik pa sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD