Kabanata 1: Broken

1164 Words
I woke up late but since it Sunday, I have no duty later night in Convenient Store. Buong araw sa palengke lang ako at makakapagpahinga ng tuluyan. Kung pahinga nga bang matatawag iyon dahil magiging abala ng sobra sa palengke dahil araw ng bilihan, kung saan dagsa ang mga mamimili. Pero para sa akin pahinga na iyon dahil wala akong iisiping trabaho mamaya. “Kumusta kayo ng boyfriend mo?” Napahinto ako sa paglalagay ng mga prutas at nilingon si Aling Dessa. Hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagtatanong. “O-okay naman po. Bakit niyo na itanong?” muli akong bumalik sa ginagawa ko. She shrugged. “Wala lang. Napansin kong hindi na madalas magpakita 'yang nobyo mo. Hindi na dumadalaw rito hindi katulad noong nililigawan ka pa lang.” sabi niya bago inilabas ang saging at isinabit. “Busy lang po siguro,” mahina kong sabi. “Siguro?” nagpagpag siya ng kamay. “Hindi ka ba sigurado kung anong ginagawa ng nobyo mo?” Lumipat naman ako sa kabila at kinuha ang isang basket sa loob na may lamang mangga at isinalansan sa labas. “Hindi naman po. Hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya,” I paused as I looked at her, smiling. “May tiwala naman ako kay Justine.” Ngumiwi si Aling Dessa at nagkibit-balikat. “Mukhang busy nga 'yang nobyo mo.” bulong niya pero nagawa ko pa ring marinig. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa. Ayoko ng pag-usapan pa 'yon dahil mas nadadagdagan lang ang pagdududa ko. Pero hangga't wala akong nakikitang kahit ano na magpapatunay sa hinala ko ay hindi ko hahayaang mag-isip ng masama kay Justine. Hindi ko inaasahan na mapapansin din ni Aling Dessa ang tungkol sa karelasyon ko. Kung siya nga halata niya ang pagbabago ni Justine, ano pa kaya ako 'di ba? Walang oras na hindi sumagi sa isip ko kung anong ginagawa niya. I took my phone on my pocket and check if there is a message from him. But none. I heaved a sigh of frustration and put it back to my pocket. Wala akong mapapala kung magmumukmok ako. Kahit gustong-gusto ko ng talagang magtampo sa kanya. Pero naalala ko may pinangako pala siya sa'king date mamayang gabi dahil six monthsary namin ngayon. Inisip ko na lang sa buong araw na 'yon na naghahanda siya para sa pagkikita namin mamaya at may balak si Justine na supresahin ako. Kahit na after ng ilang week ay hindi na niya muling nabanggit ang tungkol doon. Siguro nga may surprise siya. That way of thinking help me to brighten my mood. Nagpaalam ulit ako kay Aling Dessa na may pupuntahan ako at magkikita kami ni Justine. Inismiran lang ako ni Aling Dessa pero pumayag din naman. Pumara kaagad ako ng tricycle para makapunta sa store. Tutal duty ni Justine ngayon at malapit ng matapos ang shift niya. I used my phone to check my face. Hindi naman ako mukhang haggard at nakapag-ayos naman ako bago umalis. I wore the green velvet dress that I got from online shopping. Pinag-ipunan ko talaga 'to. Nag-ipon ako ng voucher at naghintay ng sale para malaki ang ma-discount ko. Ang laki ng natipid ko, halos kalahati ng presyo. “D’yan lang po Manong sa may All Night Store.” banggit ko habang nakitang malapit na ako. I can’t hide sudden excitement. Hindi mawala ang ngiti ko. “Dito lang po.” bumaba kaagad ako at nagbayad. Inayos ko muna ang buhok at dress ko bago lumakad papalapit sa store pero bago pa ako tuluyang makalapit. Nakita ko na siyang nakangiti papalabas habang may babaeng nakakapit sa braso niya. Napaawang ang labi ko at tuluyang nalusaw ang ngiti sa labi ko. Hindi ko kilala 'yong babae at hindi ko alam kung sino 'yon sa buhay niya. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko, na tama lahat ng hinala ko. I should trust my instinct. They say that girls instinct is always right. Malungkot ako at galit pero hindi ko magawang umiyak. Nagtagpuan ko na lang ang sarili ko na sumusunod sa kanilang dalawa, kay Justine at sa babae niya. They looked so sweet together. Kung hindi ko lang siya boyfriend malamang isa na ako sa taong naiingit sa ka-sweet-an nila. I quietly cursed them at their back. Gusto kong masuka habang may binubulong na kung ano si Justine sa tenga ng babae na parang linta kung kiligin. Ngayon pang monthsary namin ko pa siya nahuli. Nakapa-perfect timing! Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagsundo ko sa kanila. Ang gusto ko lang mapatunayan na totoo ang hinala ko at magagawa ko lang 'yon kung susundan ko sila. Wala na naman akong dapat pang patunayan pa dahil huli na sila sa akto pero parang hindi matanggap ng sistema ko. May parte sa puso ko na nagsasabing sana hindi niya ako niloloko. Iniisip ko sana kapatid na lang niya 'yon pero impossible kasi lalaki ang mga kapatid niya, may isa siyang babaeng kapatid pero pitong taong gulang lang 'yon. Pumasok sila sa isang restaurant. Mas lalong nagsikip ang dibdib ko ng makitang dinala niya ang babae niya sa resto na pinapangarap kong puntahan namin at ito rin 'yong pinangako niya na dadalhin niya ako dito ngayon monthsary namin. Glass wall ang resto at nasa bandang bintana sila nakapwesto kaya kita ko kung nasaan sila at kung anong ginagawa nila. They both giggling and excited not knowing that I am broken hearted here. Na nanggigigil na ako at sobrang pagpipigil na din ang ginagawa ko para hindi ako mag-eskandalo. Durog na ang puso ko kaya itong natitirang dignidad ko sa sarili ko ang pinanghahawakan ko para hindi ko lalong masaktan ang sarili ko. Malungkot lang ako at nasasaktan dahil pinagkatiwalaan ko siya at minahal. Pero hindi ko pa rin magawang umiyak kahit na harap-harapan na akong ginagago. Hindi ko rin magawang sumugod at komprontahin sila dahil natatakot ako. Baka sa huli ako pa ang mabaliktad at hindi ko rin gusto ng komusyon. Justine smiled at her and then crouched down to planted a kiss on her lips. And that time, I concluded that this is the end of our relationship. Iyong ngiti na akala ko sa'kin lang at ang halik na akala ko hindi matitikman ng iba. May kahati pala ako. Bumuntong hininga ako at napahilamos sa mukha. Nasapo ko ang noo ko at kinagat ang pang-ibabang labi at nag-isip kung anong gagawin ko ngayong gabi. Ang ganda ng suot ko at naghanda ako pero ito lang pala ang napapala ko. Sayang effort. I turned around and walked away before they might looked at my way and caught me. ‘Di ba parang ako pa ang nahihiya sa kanilang dalawa. Mga wala silang kwentang tao! I am angry and hated myself from not able to fight back. I am coward. Hindi. Masyado lang makapal ang mukha ni Justine! I will find a place where I can forget all of this. Kahit hindi ko alam kung saan nga ba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD