Nahihirapan akong makakita dahil sa mabilis na pamumuo ng luha, pagkatapos lumandas may panibago kaagad. Hindi ko pinansin ang tauhan niyang nagbabantay doon. Tutulo na ang luha ko at ang sakit-sakit ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. It’s not what I think?! Eh, ano bang iniisip ko? Ano nga ba? O ang tamang tanong ay anong nararamdaman ko? Kasi ang sakit kahit wala naman akong karapatan. Bakit ganito 'yong feeling? Bakit hindi ko makontrol?! Ibang-iba ito noong nahuli ko si Justine na nagloko sa'kin. Noon kailangan ko pang uminom para lang mailabas ko ang nakakaramdam ko at tanging galit ang namumutawi dahil sinira niya ang tiwala ko. Pero kay Mikhael, alam ko kung ano ako sa kanya at alam ko ding hindi dapat ganito ang reaksyon ko kaya lang ang sakit. Higit sa lah

