Hendrix Kyro William (King) Naiwan akong mag isa sa kusina, tiningnan ko ang plato ni Vanessa at nakita ko namang naubos ang pag kain nito, maging ang sabaw na kanyang kinuha ay naubos na rin. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti, mukang nagugustohan niya ang luto ko. At dahil tapos na rin naman akong kumain ay tumayo na ako, inayos ko na ang mga platong nagamit at dinala ito sa kitchen sink. Sunod kong inayos ang lalagyan ng mga kanin at ulam pag katapos ay agad kong kinuha ang apron upang isuot at maiwasang mag kaudmi ang aking damit sa aking pag dadayag. “Hayaan mo na ‘yan diyan,” natigil ako sa pag babasa ng aking kamay dahil biglang nag salita si Vanessa mula sa aking likuran. “Hindi ba nakakahiya? Sinong mag lilinis nito?” tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang kamay kong bas

