CHAPTER 57

1489 Words
Peitho “Ano kayang ginagawa ni Queen sa mga oras na ‘to?” mahinang tanong ni Aikka habang nakatingin sa labas ng Cafeteria. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa cafeteria, break time namin ngayon at ang kasunod ay free time na namin hanggang mag lunch break. Balak kong pumunta sa library mamaya, upang dumayo doon ng tulog dahil tahimik doon at walang maingay. “Tawagan mo kaya para malaman mo, yun ay kung sasagutin ka ni Queen, ‘diba?” nakangising sabi ko kay Aikka. Ngumuso naman ito sa akin bago niya kinuha ang kanyang cell phone sa kanyang mini sling bag na kulay pink. Walang patumpik tumpik nitong tinawagan si Queen sa face time. Nag ring lang ito ng nag ring, tumingin sa akin si Aikka at dinilaan ko ito upang ito ay asarin dahil hindi ito sinasagot ni Queen. Ngunit, hindi ko inaasahang sasagotin ni Queen ang tawag nito dahil nairnig ko ang tunog mula sa kanyang cell phone, senyales na sinagot na ang kanyang tawag. Tiningnan ko ang reaksyon ni Aikka, natigilan ito habang nakatingin sa kanyang cell phone na may nakakainis na kulay ng case. “Vanessa, kanina pa tumatawag kaibigan mo, hindi mo manlang sinsagot!” narinig kong sigaw ng isang boses ng lalaki sa kabilang linya. Nanlaki ang aking mga mata at napatayo upang tingnan ang screen ng cell phone ni Aikka, habang si Axel naman na abala sa kanyang laptop at kailanman ay hindi naabala kapag may ginagawa ay napatayo din upang tingnan ang cell phone ni Aikka. “Anong kailangan ninyo?” malamig na tanong ni Vanessa sa amin. “Is that King?” mahinang tanong ni Aikka dito kaya sabay kaming napatingin kay Aikka. Kung ganun, ang lalaking naringi naming mag salita ay si King? Kaya pala ganun na lang kapamilyar ang boses nito, dahil kanina lang ay narinig pa namin ito. Imbis na sagutin ay ihinarap niya ang camera sa pwesto ni King, abala ito habang nag hahain ng mga pag kain sa lamesa habang nakasuot ng cute na apron, ang apron na madalas isuot ni Axel kapag siya ay nag luluto. “What is he doing there ba, Van?” conyong tanong ni Aikka dito. “You told him that I am sick, that’s why,” sabi ni Queen at saka ito nag kibit balikat. “Papatayin ko na ‘to, kung wala kayong kailangan,” malamig pang sabi niya. “Tekaaa! Papasok ka ba later?” tanong ko sa kanya. “Oo,” tipid at malamig niyang sagot bago niya pinatay ang tawag. Tumingin ako kay Axel na walang emyson ang muka na bumalik sa kanyang ginagawa. Hindi ko maiwasang mapailing at mapatingin kay Aikka ng masama. “May pag tawag tawag pa kasi!” sabi ko dito at saka siya inirapan. “What’s the problem ba? Porket hindi sinasagot ni Van ang tawag mo, nagagalit ka na,” sabi niya sa akin at saka ako dinilaan. Inirapan ko na lang siya bago ako nag patuloy sa aking pag inum ng mango shake. Vanessa Lavender Smith (Queen) “Mag bibihis na muna ako bago tayo kumain,” sabi ko kay Kyro at saka ako tumayo sa aking inuupuan. “Sige, lalabugin ko muna ang karne para masarap kainin at malambot,” sagot naman niya sa akin habang nakatalikod at nakaharap sa kanyang niluluto. Hindi na ako nag salita, tahimik akong umalis sa kusina at umakyat ng hagdan upang mag tungo sa aking kwarto. Dire- diretso lang akong pumasok sa aking banyo at nag hubad ng aking saplot upang maayos na makaligo. Habang naliligo ay naalala kong naiwan ko ang aking cell phone sa ibaba, wala namang kaso doon ngunit baka lang tumawag si Butler Shun at ibungad nito ang salita Queen. Nag madali na akong maligo at hindi na nag babad pa, lumabas ako ng banyo at agad na nag bihis ng kumportableng damit. Mabuti na lang talaga at walang uniform na sinusunod ang paaralan yun. Pag kaapos kong mag bihis ay sinunod ko namang ayusin ang aking wig, ngayon ko lang napansin na wala naman pala yung ginagamit ko na malakas dumikit, hindi ko naman pwedeng gamitin ulit yung kanina dahil ito ay amoy pawis na. Siguro ay mag iingat na lang ako na huwag itong mahubad sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, nang makita kong ayos na ako ay agad na akong bumaba at nag tungo sa kusina. Habang nag lalakad ay naramdama ko ang cell phone ko na nag vavibrate. “Vanessa, kanina pa tumatawag kaibigan mo, hindi mo manlang sinsagot!” rinig kong sigaw ni Kyro mula sa kusina. Mukang sinagot na nito ang tumatawag sa akin, madali akong lumapit sa kanya at kinuha ang aking cell phone. Nakita ko ang muka ng tatlo na nasa screen, gulat na gulat ang mga ito, hinayaan ko lang sila dahil alam ko namang nagulat ito dahil nakita nila si Kyro na naririto sa bahay. “Anong kailangan ninyo?” malamig kong tanong sa kanila habang nag lalakad patungo sa isang upuan at ako ay naupo na. “Is that King?” mahinang tanong ni Aikka sa akin. Imbis na sagutin ay ihinarap ko ang camera sa pwesto ni Kyro, abala ito habang nag hahain ng mga pag kain sa lamesa habang nakasuot ng apron, ang apron na madalas isuot ni Axel kapag siya ay nag luluto. “What is he doing there ba, Van?” conyong tanong ni Aikka sa akin matapos kong ibalik ang camera sa akin. “You told him that I am sick, that’s why,” malamig kong sabi sa kanya bago ako nag kibit balikat. Wala naman akong narinig na kahit na anogn responde mula sa kanya kaya tiningnan ko sila. “Papatayin ko na ‘to, kung wala kayong kailangan,” malamig kong sabi sa kanila. “Tekaaa! Papasok ka ba later?” tanong sa akin ni Peitho. “Oo,” tipid at malamig kong sagot sa kanya at saka ko pinatay agad ang tawag. “Kumain ka na,” nakangiting sabi sa akin ni Kyro at saka ito naupo sa upuang nasa tapat ko. Doon ko lang napansin na tapos na pala itong mag luto at nakapag hain na rin pala sa lamesa at kakain na lang ang aking gagawin. Agad akong kumuha ng kanin at inilagay ito sa aking plato, wala pa akong hapunan at almusal kaya naman nakakaramdam na rin talaga ako ng gutom. Isama pa na ako ay puyat at kulang sa tulog, kaya kakailanganin ko talaga ng maraming pagkain. “Heto, ilagay mo dito yung sabaw para dito mo na rin higupin, mas masarap kung sabay sabay at marami kang mahihigop,” sabi niya sa akin bago ibinigay ang isang soup bowl. Tinanggap ko naman agad ito, tulad ng sinabi niya ay nilagyan ko ito ng maraming sabaw at itinabi hinigop ang sabaw dito. “Marami pang sabaw doon, sabihin mo lang kung gusto mo pa ay ikukuha kita,” sabi niya sa akin bago siya nag umpisang kumain. Hindi ako nag salita, nag patuloy lang ako sa pag kain at pag higop ng sabaw. Hindi talaga maitatanggi ang kagalingan nito sa pag luluto, tunay na masarap talaga ang luto nito. Sa totoo lamang, kahit hindi na siya mag aral at mag tayo na lang siya ng restaurant, siguradong papatok ito sa mga tao. “Kaibigan mo yung mga tumawag kanina hindi ba?” tanong niya sa akin sa kalagitnaan ng aming pag kain. Tumango lang ako sa kanya at hindi nag salita. “Para kasing hindi,” sabi niya sa akin, “Pinapanuod ka lang nila sa tuwing nabubully ka,” dagdag pang sabi niya sa akin bago ito muling nag patuloy sa kanyang pag kain. “Alam nila ang oras at lugar para sila ay makialam,” malamig kong sabi sa kanya. Nakita ko siyang tumingin sa akin ng seryoso, tila binabasa nito ang nasa isipan ko ngunit hindi ito mag tatagumpay. “Ang hirap mong basahin, sabi ng ina ko, sa mga mata daw ng tao makikita ang tunay na nanararamdaman nito, pero yung mga mata mo… hindi ko mabasa,” makahulogang sabi niya sa akin. Tumigil ako sa ginagawa kong pag kain at tumingin sa kanya gamit ang malalamig kong tingin. “Gaano ba kasakit ang pinag daanan mo noon, Vanessa?” seryosong tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya, tumayo na ako at tumalikod sa kanya at saka ako nag lakad palabas ng kusina ngunit bago pa ako makalabas ng kusina ay tumigil ako sa pag lalakad. “Pakilinis na lang niyan pag katapos, kukunin ko lang ang bag ko sa itaas,” malamig kong sabi sa kanya at nag patuloy na sa aking pag lalakad paalis ng kusina. ‘Wala kang alam, Kyro, wala…’ sabi ko sa aking isipan habang nag lalakad patungo sa aking kuwarto upang kunin ang aking bag. Pumasok ako sa aking silid at kinuha ang aking bag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD