CHAPTER 56

1494 Words
Hendrix Kyro WIlliam (King) Huminga ako ng malalim habang nakatingin kay Vanessa, unti unti akong nag lakad patungo s harapan nito at kinuha sa kanya ang remote. “Bakit mo pinatay?” walang emosyong tanong niya sa akin. “Ang mga taong may sakit na katulad mo ay dapat nag papahing asa kwarto, hindi nandito sa sala at nanonood ng cartoons,” seryosong sabi ko sa kanya. Tinitigan niya naman ako, hindi siya nag salita o gumalawa manlang, tanging ginawa niya lang ay titigan ako. “Sinong nag sabi na may sakit ako?” tanong niya sa akin habang nakatitig pa rin. “Yung kaibigan mong isip bata na napaka hilig sa kulay pink,” sabi ko sa kanya at saka ako natigilan at napatingin agad sa kanya, “Bakit? Anong ibig mong sabihin? Wala ka bang sakit?” sunod sunod kong tanong sa kanya. Doon ay saka pa lang niya inalis ang kanyang tingin sa akin, kinuha niya pabalik sa akin nag remote at muling binuksan ang tv. “Wala akong sakit, mukang naloko ka ng isip bata na ‘yon,” walang emosyong sabi niya habang nakatingin pa rin sa tv. Natigilan naman ako sa kanyang sinabi, tila natuod ako sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig. Parang gusto ko na lang na kainin ako ng lupa o semento dito dahil sa hiya na aking nararamdaman. “K- kung ganun, aalis na ako!” nag mamadaling sabi ko at saka ako dali daling tumalikod at nag lakad. “Sandali,” malamig niyang sabi kaya naman tumigil ako sa aking pag lalakad at humarap sa kanya. Nakatingin siya sa akin habang nakasandal sa sofa, tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa gamit ang malalamig na pares ng kanyang mga mata, tumigil ang titig nito sa supot na aking dala dala. “Pagkain ‘yan?” malamig niyang tanong sa akin pag tukoy sa supot na aking hawak hawak. Tumango ako dito, “Oo, dinalhan kita, akala ko kasi may sakit ka, edi siyempre hindi ka makakapag luto kaya wala kang ipapakain sa akin.” “Ganun ba? Lutuin mo na, nagugutom na ako,” malamig nitong sabi sa akin at saka ako tinalikuran. “What? Cup noodles lang ito at saka mga prutas,” sabi ko sa kanya habang nag lalakad palapit sa kanyang tabi. “Maraming ingredients sa kusina, mag luto ka,” malamig niya pang sabi sa akin. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya, siya ang aking personal assistant pero nag mumukang ako ang alalay dito. “Bakit hindi na lang ikaw ang mag luto? Ipag luto mo ako, bisita mo ako ‘diba?” hindi ko napigilan ang aking bibig at naitanong ito sa kanya. Hindi siya agad nag salita, hinintay pa niya na mag comercial ang TV bago siya tumingin sa akin. “Bakit hindi ka na lang umalis?” balik niyang tanong sa akin gamit ang kanyang malamig na boses. “Sabi ko nga mag luluto na ako, ano bang gusto mong kainin?” tanong ko sa kanya. Naisip ko na mas mabuti kung mananatili pa ako dito ng mas matagal, baka sa paraang yun ay may malaman ako tungkol sa kanyang buhay dahil nasa loob ako ng kanyang pamamahay. Kaya kahit na inuutusan niya akong magluto ay susundin ko na lang, upang maging mas matagal pa ang pananatili ko dito. “Samahan mo ako sa kusina, hindi ko alam ang gagalawin doon,” muling sabi ko sa kanya. Padabog siyang tumayo mula sa kanyang inuupuan habang ang muka ay nanatili pa ring walang emosyon, pinatay niya ang tv at nag lakad paalis habang dala dala pa rin ang remote. Sumunod na alng ako sa kanya, inaasahan kong dadalhin ako nito sa kusina at hindi nga ako nag kakamali. Pumasok kami sa malaki at malawak nilang kusina, mayroong limang nag lalakihang refrigerator at nakalagay sa mga taas nito ang pangalan ng kung anong laman ng bawat isa. “Mag luto ka na,” malamig nitong sabi sa akin bago ito naupo sa upuang nasa tapat ng malaking lamesa na sa tingin ko ay Dining area. Itinaas nito ang kanang kamay at nakita ko na naroroon ang remote, doon ko lang napansin ang isang malaking TV na naririto sa kusina. Napailing na lang ako pag katapos ko itong makita, nag tungo na lang ako sa kitchen sink at kumuha ng lalagyan. Pag katapso nito ay nag lakad ako patungo sa isang refirgerator na may nakasulat sa itaas na meat. Pag kabukas na pag kabukas ko nito ay bumungad sa akin ang napakaraming karne, may mga section ito at nakalabeled kung anong klaseng karne ba ito. Karne ng baka, karne ng baboy, karne ng kambing, karne ng manok at marami pang ibang exotic meat. ‘Hindi ko akalaing kumakain sila ng ganitong exotic meat,’ sabi ko sa aking isipan matapos kong makita ang mga karne. Kumuha na lang ako ng karne ng baboy at saka isinara ng maayos ang refrigerator, sunod akong lumapit sa isa pang refrigerator na may nakalabeled na vegetables. Binuksan ko ito at tulad sa meat refrigerator, punong puno rin ang refrigereator na ito, ngunit hindi ng karne kung hindi iba’t ibang klase ng gulay. Kumuha naman ako agad ng mga gulay na siyang babagay na sangkap sa pag luluto ng sinigang. Tama, sinigang ang aking lulutuin upang magawa ni Vanessa na humigop ng sabaw. Mukang hindi healthy ang babaetang yun, msayado itong skinny at isa pa, mukang napakahilig nito sa mga ju8nk foods kaya naman marapat lang na lutuan ito ng ganitong pag kain. Total, mag tatanghalian din naman kaya ito talaga ang naisipan kong lutuin para sa kanya. “Which do you prefer? Brown rice or ordinary?” tanong ko dito. “Ordinary,” sagot naman nito sa akin habang tutok pa rin ang kanyang atensyon sa kanyang pinapanuod na Doraemon. Hindi na ako nag salita, dinala ko na ang lahat ng aking kunuha sa kanilang refrigerator sa kitchen sink, pinatuluan ko ang mga ito ng tubig habang nag hahanda ng pag sasaing ng kanin. Dahil mas masarap kainin ang sinigang kapag may kanin kaya minabuti kong mag saing na rin upang mabusog si Vanessa. “Kung wala kang sakit, bakit hindi ka pumasok ngayon?” hindi ko maiwasang tanong kay Vanessa habang nag huhugas ako ng bigas. “Tinamaan ako ng katamaran,” tipid niyang sagot sa akin habang tutok pa rin ang atensyon sa kanyang pinapanuod. Hindi naman na ako nag salita pa, nag patuloy na lang ako sa aking ginagawang pag luluto. Vanessa Lavender Smith (Queen) Tahimik lang akong nanunuod ng Doraemon, habang si Kyro naman ay nag luluto. Mabuti na lang at natahimik na ito, hindi na ito maya’t maya nag tatanong dahil nadidisturbo ang aking panunuod. Habang commercial pa, kinuha ko ang aking cell phone at tiningnan ang email ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin ang email ni Butler Shun, mag iisang oras na simula nang umalis ito, at dapat sa mga oras na ‘to ay may message na ito sa akin na nag lalaman ng impormasyon na pinapakalap ko sa kanya. Muli kong naalala ang malaking gate na natagpuan ko sa kalagitnaan ng pag sunod ko sa isang lalaki na sangkot din sa pag patay sa aking mga magulang. Mukang ang nasa likuran ng malaking gate na ‘yon, na mayroong malaking simbolo ng YinYang, ito ang pinapaimbestigahan ko ngayon sa aking pinag kakatiwalaang Butler. Malaki ang tiwala ko kay Butler Shun, ito ay dahil siya na ang nag silbing Butler ko simula noong mawala ang aking mga magulang. May kabataan pa rin siya noong panahon na ‘yon, wala siyang magulang noon at nakita lang namin siya ng aking Tito ninang sa daan na nakahandusay. Tama, sa amin na lumaki si Butler Shun at mas matanda ako dito ng dalawang taon. Sobrang bait nito sa akin at wala siyang kahit na anong tanong sa tuwing may ipapagawa ako sa kanya, marahil ay ito ang kanyang paraan ng pag tanaw ng utang na loob. Ang masasabi ko lang ay maswerte ako dahil siya ang aking naging Butler. Nagagawa niyang makatiis sa ugali kong ito, tulad ng aking mga kagroupo, si Butler Shun at Tita ninang lang ang kayang makatiis ng ugali kong ito. “Nag sisimula na,” natigil ako sa aking pag iisip ng may mag salita sa aking tabi. Tiningnan ko ito at naikita kong si Kyro pala ito, seryoso ang muka niya habang nakatingin sa TV. “Bakit diyan ka sa chanel na ‘yan nanunuod? Matakaw sa commercial ang mga ‘yan, akina ang remote at ililipat ko sa chanel na puro Doraemon ;lang ang iyong mapapanunod,” seryosong sabi niya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo. Ibinigay ko sa kanya ang remote, nakita kong may pinindot siya doon at ako0 naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanyang ginagawa. Ilang sandali pa ay nag bago ang chanel ng TV at lumipat ito sa palabas na Doraemon bago ibinigay muli sa’kin ang remote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD