CHAPTER 17

1482 Words
Vanessa Lavender Smith (Queen) “Are you sure, Queen, you’re not sama sama to us?” pang limang beses na tanong na sa akin ni Aikka. Tulad kanina ay sinagot ko lang ito ng isang iling at ipinag patuloy ang aking ginagawang pag lalaptop. “Tara na Aikka, hindi sasama yan si Queen!” sigaw ni Peitho dito. Nakanguso namang umalis sa tabi ko si Aikka, tumingin ako kay Axel na kabababa lang at nag aayos ng kanyang damit. “Nakaalis na sila?” tanong nito sa akin habang nag lalakad sa akin papalapit. Tumango ako dito bago ibinalik ang tingin sa laptop, alas- sais na pala ng gabi kaya nag aalisan na sila. “Sigurado ka bang okay ka lang mag isa dito?” tanong sa akin ni Axel na muli tulad kanina ay sinagot ko lang ng isang tango. “Sige, nag luto na ako para sa haponan kumain ka na lang, aalis na ako, Queen,” paalam nito at umalis na. Tumahimik na ang paligid, wala ng kahit na anong ingay at tanging ang pag tipa na lang ng aking mga daliri sa aking laptop ang maririnig sa paligid. Access granted! Napangisi ako, sinubukan kong pasukin ang system ng underground gangster arena dito at hindi naman ako nabigo dahil tuklad ng aking sinabi, higit na mas magaling ako kay Axel, sadyang tinatamad lang ako. Nag scroll ako ng nag scroll sa napasok kong site, nakita ko sa itaas ang isang announcement at natigilan sa aking nabasa. ‘The Queen is back, let us all together welcome her tonight at 8 pm!’ “What the hell?” nasabi ko na lang. Sa pag kakaalala ko wala naman akong natatandaang sinabi o hinayaang mangyare na ganito? Mukang may impostorang nag panggap na ako at gustong makaranas ng grand entrance, ah? Napangisi na lang ako at isinara ang laptop, binitbit ko ito at tumayo mula sa malambot na sofa na aking inuupuan. Mukang magandang ideya ang mag pakita ngayon sa underground arena, titingnan ko lang naman kung sino ang imposturang darating mamaya para mag pakilala bilang ako. Hendrix Kyro William (King) “Narinig mo na ba ang balita?” tanong sa akin ni Zane. Kasalukuyan kaming nasa bar ngayon at tulad ng dati ay nasa iisang VVIP table kami. Umorder na si Zane ng alak at pag balik nito ay ito na nga ang kanyang ibinungad sa akin. “The Queen is coming to underground arena, walang nabanggit kung kasama ang kagroupo niya pero hindi ba’t kaabang abang yun?” nakangising sabi ni Zane sa akin. “Baka naman fake news yan?” sabi ko sa kanya at napatingin kay Liam na nag salita sa aking tabi. “Hindi, totoo yung balita, King,” seryosong sabi nito at ihinarap sa akin ang kanyang laptop. Napaseryoso naman ako dahil sa nakita kong naka-pin na announcement sa website. Tama nga ang sinabi ni Zane, darating nga ang tinatawag nilang Queen. Walang patumpik tumpik akong tumayo. “Mag handa kayo, pupunta tayo doon at itatanong ko sa kanya kung may kinalaman ba siya sa nangyare sa parking lot,” seryosong sabi ko at umalis ng bar na ‘yon. Third Person Abala ang lahat ng gangsters at stuff sa underground arena para sa pag salubong sa pag dating ng Queen. Hindi din akalain ng mga stuff na papayag ito sa kanilang imbita at ito pa ang nag kusang mag sabi sa kanila na siya ay naag parito sa pilipinas. Kaya ngayon ay abala ang lahat at talagang pinag hahandaan ang pag dating ng Reyna. Habang sa tagong lugar naman, mayroong isang lalaki na nakatingin sa paligid, nakasuot ito ng kulay itim na maskara na mayroong gintong disenyo habang may hawak gintong kupeta na may lamang alak. Ang lalaki ay mayroong malalamig na pares ng mga mata at bagsak na buhok, mataas rin ito at maganda ang pangangatawan. Ibinagsak ng lalakia ng folder na hawak hawak at tila nawalan ng gana na mag basa. Hindi tama ang impormasyon na kanilang nakuha, dahil kilala ng lalaki ang Reyna at hindi ito basta basta mag papakita kaya minabuti na lang nitong maupo at uminum ng alak. Nasa lugar siya kung saan kitang kita niya ang buogn arena ngunit hindi naman siya makikita ng mga taong naroroon. Axel Nakangiti lang ako habang abalang umiinum kasama ang aking mga kaibigan na bago ko lang nakikilala. Ngayon ko lang nalaman na sa iisang bar alng din pala mag pupunta sila Aikka at Peitho. At ngayon ay kasalukuyang mag kakasama ang groupo ng kalalakihan na aking sinamahan at ang mga kababaihang kasama nila Peitho. Mukang nag sasaya naman ang mga ito maliban sa isang tao, luampit ako dito at naupo sa kanyang tabi. “Bakit ang lungkot ata ng Aikka namin?” tanong ko dito. Nakita ko siyang nagulat, mukang kanina pa ito wala sa sarili kaya hindi niya napasnin na may nakatingin sa kanya at lumapit ako. Mukang masyado yatang okyupado ang kanyang isipan. “Nag aaalala lang ako kay Queen, dahil sa nangyare kanina sa parking lot,” sabi niya at huminga ng malalim. “Sa tingin niyo ba, tama lang na iwan natin siya after being humiliated at nadamay pa yung mama niya sa pinag gagawa ng mga estudyante,” nakayuko at mahinang sabi ni Aikka sapat na para marinig ko. “Anong gusto mong gawin? Gusto mo na bang umuwi?” tanong ko dito. “Oo, pero ayaw ko namang iwan si Peitho,” sabi niya at sabay naming tiningnan si Peitho ngunit nag lalakad na pala ito palapit sa aming dalawa. “What happen?” tanong niya pagkalapit na pagkalapti sa aming dalawa ni Aikka. “Worried lang ako kay Queen, we all know na kahinaan niya ang magulang niya especially her mother and yung nangyare sa parking lot kanina, we all know na nadamay doon ang mama niya,” malungkot na sabi ni Aikka kay Peitho. “Actually, I’m also worried about Queen, but I think she’s fine, so, you don’t have to worry,” nakangiting sabi ni Peitho kay Aikka at tinapik ang balikat nito bago bumalik sa kumpulan ng kababaihan na masayang sumasayaw habang umiinum. “Gusto mo bang ihatid na kita?” tanong ko kay Aikka pero umiling ito sa akin. “Can I borrow your laptop na lang?” tanong niya sa akin. “Sure,” sabi ko at ibinigay ang aking laptop. “Go, enjoy yourself I’m okay with this,” nakangiting sbai ni Aikka kaya naman tumango ako sa kanya at umalis na sa lugar na ‘yon at nag tungo sa aking mga kasama. Aikka Binuksan ko agad ang laptop ni Axel, kung hindi ako nag kakamali ay nag lalaptop si Queen kanina bago kami umalis. Kaya naman hiniram ko ang laptop ni Axel para makaface time ito. Excited kong cinontact si Queen, unti utnti namang nawala ang aking ngiti dahil hindi ito sinagot ni Queen. Inulit kong conatckin si Queen at makailang ring lang ay sinagot na niya ito. Napahawak ako sa aking bibig nang makita ko si Queen. “Omg! Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya bago lumingon sa paligid kung may nakakita ba. Agad kong hininaan ang brightness ng laptop sa takot na may makaalam na kilala ko ang Queen. Sino nga naman hindi magugulat kung makikita mo si Queen na nakabihis at mukang sasabak sa isang laban? Tama, nakabihis siya at ang higit sa lahat ay suot suot niya ang kanyang maskara. “I need to go,” rinig kong sabi niya kaya nabalik sa kanya ang aking atensyon. “Teka la-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil ibinaba na ito ni Queen. Nanlalaki ang aking mga mata, hindi pa rin magawang iprocess ng aking isipa ng aking nnakita. “Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?” tanong sa akin ni Peitho na mukang napagod na kaya muli ng naupo. “Nakausap ko si Queen,” mahinang sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya, “ Edi mabuti, hindi ka na mag aalala dahil nakausap mo na siya, o siya, bitawan mo na yang laptop ni Axel at mag party party ka na rin.” “Pero, nakita ko si Queen-” “Malamang finace time mo hindi ba? Makikita mo talaga ‘yon, okay ka lang ba, Aiks?” natatawang sabi sa akin ni Peitho. At dahil mukang hindi naman siya interesado sa sasabihin ko ay hindi ko na lang pinilit sabihin ang aking nakita. ‘Kaya pala hindi siya sumama, kasi may lakad siya… ang daya!’ sabi ko sa aking isipan. Vanessa Lavender Smith (Queen) ‘Siguradong sasabihin ni Aikka kay Axel at Peitho ‘yon,’ sabi ko sa aking isipan. Isinara ko na ang laptop at dali dalig bumaba. Nag tungo ako sa underground parking lot at kumuha ng isang susi ng isa aking mga motor. Sumakay ako sa aking motor at agad na umalis sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD