Vanessa Lavender Smith (Queen) Mabilis akong nakarating sa bar kung saan ang daan papasok ng underground arena. Ipinark ko ang aking motor at nag lakad na papasok ng bar ngunit hinarang ako ng isang lalaki. “Ilang taon?” seryosong tanong nito. “20” serysong sabi ko dito. “Pasok,” sabi niya at umalis sa aking daraanan. Pag pasok ko ay isang typical na bar ang bumungad sa akin, maraming umiinum at mga kabbaihang halos mahubaran na sa kanilang suot, mayroon ding makakapal na usok na madaraanan, kaya naman hindi na ako ang patumpik tumpik pa. Agad akong nag tungo sa isang lugar kung saan naroroon ang daan papunta sa ibaba kung saan nag lalaban laban ang mga gangster. Bumaba na ako at bumungad sa akin ang sobrang liwanag na paligid, may karamihan na rin ang mga tao kaya walang na

