CHAPTER 33

1481 Words
Hendrix Kyro William (King) Hindi na ako mapakali, kanina pa umalis si Vanessa pero hanaggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Tumayo na ako sa aking office chair at kinuha ang aking cell phone, inilagay ko ito sa aking bulsa at nag handa ng sumunod kay Vanessa dahil baka kung ano na ang nangyare dito. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng aking opisina, ngunit bumukas na ito at pumasok na si Vanessa. “Anong nangyare sa’yo?” nag aalalang tanong ko kay Vanessa matapos makita ang kanyang itsura. “Oh,” sabi niya sa akin at ibinigay ang isang supot na hindi manlang nadumihan o nasira, hindi katulad ng kanyang damit na sobrang dumi at halatang napagulong sa lupa dahil sa lupa ang dumi nito. “Sinong may gawa niyan sa’yo?” tiim na tanong ko dito habang nakatingin pa rin sa kanya. “Ikaw,” tipid niyang sabi bago ako tinalikuran at nag punta sa printing machine. Nanatili akong naakatingin sa kanya, hindi ko maiwasang mapakuyom ng kamao habang nakatingin pa rin sa kanya. Tama siya ng sinabi, kahit ipag kaila ko. Unang una, ako talaga ang dahilan kung bakit siya nahihirapang ganito, kung hindi ko lang sana siya binigyan ng card ay hindi siya mag kakaganito. Lumapit ako kay Vanessa, hinila ko ang braso nito at agad na hinila siya paupo sa sofa. “Bakit?” tanong niya pag kaupong pagkaupo niya sa sofa. “Hintayin mo ako,” matigas na sabi ko sa kanya bago siya tinalikuran at nag tungo sa comfort room. Agad kong hinanap ang first aid kit, napansin ko kasi agad sa kanyang braso ang isang dugo at mukang nahiwa siya o hiniwa siya. Malamang ay masakit ito, sadyang hindi lang talaga marunong mag pakita ng emosyon ang babaeng yun. Mabilis ko namang nakuha ang first aid kit dahil nasa bunga dlang ito ng pinto at naka- attached sa dingding. Dali dali akong lumabas ng comfort room at lumapit kay Vanessa. Naupo ako sa sofa na nasa tabi niya at inilagay sa aking lap ang firstaid kit. “Akina ang braso mo,” sabi ko kay Vanessa. Imbis na ibigay ay tiningnan niya lang ako ng walang emosyon kaya naman napahinga ako ng malalim at saka ko kinuha ang kanyang braso at tiningnan ang sugat nito. “Sinong gumawa nito?” tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang sugat kung ito ba ay malalim. “Ikaw,” muli ay tipid niyang sagot sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Seryoso ako!” sabi ko sa kanya, ngunit nanatili pa ring blanko ang kanyang muka. “Sinong gumawa?” ulit kong tanong sa kanya. “Bago lang ako dito, hindi ko kilala,” walang emosyon na sabi niya kaya naman ang muka siyang robot na nag sasalita. “Ipag tanggol mo naman sarili mo, Vanessa,” nafru-frustrate na sabi ko dito habang sinisimulan ng lapatan ng gamot ang kanyang sugat sa braso. “Paano…” mahinang sabi niya na naging dahilan para matahimik ako. ‘Tama, paano nga naman niya ipag tatanggol angs arili niya kung isa lang siyang hamak na nerd at mahina?’ sabi ko sa aking sarili. Hindi na langa ko nag salita pa, tinapos ko na ng ginagawa kong pang gagamto sa kanyang braso ng biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. “King- Nerd? Nandito pala kayo,” sabi ng taong pumasok. Tumingin ako dito at nakita ko si Henry at nasa tabi niya si Liam at Zane habang si Luke naman ay nasa kanialng likuran ngunit nakikitingin na rin. ‘Chismoso amputa!’ sabi ko sa aking isiipan. “Bakit anong kailangan niyo?” tanong ko sa kanila bago ko ibinalik ang aking tingin sa braso ni Vanessa na ngayon ay malinis na ang sugat at lalagyan na lang ng bandage para hindi mapasok ng kahit na anong dumi. “Pinapasabi ng mommy mo na mamaya na yung birthday ng tita mo, baka daw kasi makalimutan mo,” sabi naman ni Zane. Hindi na ako ang salita pa sa kanila dahil abal akao sa pag babalot ng bandage sa sugat at braso ni Vanessa. “Napaano nga pala siya?” tanong naman ni Luke. Doon ko lang napansing lahat pala sila ay nakaupo na sa sofa na mahaba at nakatingin sa ginagawa ko sa braso ni Vanessa. “Binugbog siya kanina ng mga tauhan ni Charlotte,” natigilan ako ng marinig kong mag salita si Liam. “Nakita mo?” tanong ko agad sa kanya. “Oo, King, baka kung hindi ako dumating ay mas malma at lalong masam ang lagay ni Vanessa ngayon,” paliwanag nito sa akin. Napakuyom ako ng kamao, kung ganun ay sila pala ang may gawa g mga ito kay Vanessa. “Tapos na,” sabi ko at inayos ko na ang aking mga gamit. “Ayos ka lang ba, Vanessa?” rinig kong tanong ni Liam dito habang abala ako sa pag aayos ng aking mga ginamit sa pag gamot sa kanyang braso. “Hindi,” seryosong sabi nito. Napailing na lang ako, hindi ko alam pero nakkaradmam ako ng pag aalala dahil hindi ko alam kung saan pa ba sa parte ng kanyang katawan may sumasakit. “Ano pa bang masakit sa’yo?” rinig kong tanong ni Henry. ‘Thanks, bro!’ sabi ko sa aking isipan. “Ulo,” tipid na sagot ni Vanessa kay Henry. “Baka nagugutom ka lang, nag almusal ka na ba o nag tanghalian manlang?” tanong naman ni Luke. ‘Mukang alam ko na kung saan patungo ang usapan nilang ito, ah?’ sabi ko sa aking isipan habang nag papanggap na inaayos ang aking ginamit kahit na naayos ko naman na ito. “I haven’t eat dinner also,” sagot naman ni Vanessa kaya naman nagulat ako. Kung hindi pa siya nag lulunch, hindi pa rin nag uumagahan at hapunan… “Papatayin mo ata sarili mo, Vanessa?” inis na sabi ko sa kanya na naging dahila para mag tinginan sila sa aking lahat. “Mag didinner na sana kami noong sunduin mo ako kagabi,” walang emosyong sabi niya sa akin kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. “Ipag luluto kita,” sabi ko kay Vanessa na naging dahilan para mag tinginan sila Luke, Liam, Henry, at Zane sa akin. “Si Vanessa lang?” halos sabay sabay na tanong nila sa akin. “Tsk,” sabi ko sa kanila saka sila tinalikuran at nag tungo na lang sa kitchen sink. Tiningnan ko kung may stock pa ba akong lutuin sa aming refrigerator, nakita ko namang may pasta pa doon at ilang sangkap na sapat na para makagawa ng lasagna. Kinuha ko agad ang mga ito upang ihanda na ang aking mga gagamitin sa pag luluto. Vanessa Lavender Smith (Queen) Ngayon ay naiintindihan ko na ang nais ipahiwatig ng kindat sa akin ni Zane habang tinatanong nila ako kanina kung kumain na ba ako. Gusto lang nilang matikman ang luto ni Kyro, pero bakit naman tila ganun sila? Naipag luto na kaya sila ni Kyro ngunit hindi na naulit? “Alam mo kasi Vanessa, kahapon lang ulit nag luto yan, noong nandito at mukang sinolo lang niya, masarap siya mag luto, Vanessa,” nag tataas baba ang mga kilay na sabi ni Zane sa akin. ‘Kahapon?’ sabi ko sa aking isipan. Kahapon niya ako ipinag luto, at hindi alam nila Zane na natikman ko na ang luto ni Kyro. Hindi naman sila nag sisinungaling tungkol sa pag luluto ni Kyro dahil totoong masarap nga ito mag luto, medyo nabitin pa ako kahapon pero nahiya na akong humingi pa. “Mga hintay kayo diyan, libangin niyo si Vanessa,” sabi ni Kyro habang nakatalikod sa amin at abala sa kanyang apg luluto sa kitchen sink. “Marunong ka ba mag laro ng mobile legends, Vanessa?” nakangiting tanong sa akin ni Zane. Umiling ako sa kanya, hindi naman talaga ako maurnong. Wala akong ibang gusto kundi ang matalo ang emperor. Hindi ko gusto ang mag aksaya ng oras para lang sa mg amobile games na yan. “Huwga niyong turuan ng mga mobile games yan si Vanessa, baka bumaba grades ng nerd na yan,” natatawang sabi ni Luke habang inilalabas ang kanyang cellphone. “Palibhasa ikaw mababa grade mo,” sbai naman ni Zane dito. “At least hindi ako nang iiwan ng babae tapos mag sisisi,” nakangising sagot naman ni Luke dito. Nakita ko kung paanong nagusot ang muka ni Zane, tama nga naman si Luke. Iniwan niya si Peitho, tapos ngayon ay mag sisisi siya. “Tigilan mo ako, Luke, wala kang alam,” sabi naman ni Zane dito. “Hindi ba’t kaibigan mo yun, Vanessa?” tanong ni Henry na nasa tabi ko. Tumango ako sa kanya bilang pag sagot. “Bakit hindi ka mag patulong kay Vanessa, Zane? Malay mo, maiblaik mo ba si Peitho sa’yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD