Vanessa Lavender Smith (Queen) Tuloy tuloy lang ako sa aking ginagawa sa printing machine, bahagya kong tiningnan si Kyro at nakita ko itong seryosong seryoso sa kanyang ginagawa kaya naman hindi ko na ito inabala pa. Ilang sandali pa ay napnaisn ko itong tumayo at pumunta ng bath room. “s**t!” narinig kong sigaw nito saka ito lumabas ng bath room. “Vanessa, pakiayos nga nung tubo sa loob,” sabi nito sa akin kaya itinigil ko ang aking ginagawa at pumasok sa loob ng bath room. At dahil wala naman akong alam sa mga ganitong bagay ay hindi ko ito ginalaw, mas pinalala ko pa ang ayos nito bago ako lumabas, agad namang tumayo si Kyro nang makita akong lumabas na. Pumasok ito sa bath room habang ako naman ay akmang mag lalakad na pabalik sa printing machine upang ipag patuloy ang aki

