Hendrix Kyro WIlliam (King) KInilabutan ako pag katapos nitong tumingin sa ccctv camera, ang lakas naman yata ng pakiramdam nito para mapansin pa ang cctv samantalang ito ay hindi mahahalata ng sinumang estudyante dahil ito ay pinadya upang hindi malaman ng mga estudyante na nakikita ni Mommy ang bawat galaw nila sa loob ng paaralan. “Kung ganun, bakit mo ako pinatawag Mommy?” tanong ko sa kanya at inalis na ang tingin sa laptop niya. Muli niyang ihinarap ang kanyang laptop sa kanya at yumuko, tila may kinukuha sa ilalim ng kanyang lamesa at pag angat ni mommy ay may hawak hawak na itong isang basket ng prutas. Ipinatong niya ito sa kanyang lamesa at tumingin sa akin bago nag salita. “I called Shunrie already and siya pala nag doctor ni Vanessa right now, nasa bahay lang sila ngayon

