CHAPTER 63

1483 Words
Luke Pamilyar sa akin ang lalaki, tila nakita ko na ang muka nito sa kung saan pero hindi ko matukoy kung saan ito. Hindi ko maalala, pero sigurado akong nakita ko na ang muka ng lalaking ‘yon. “Ayos ka lang ba, Luke? Kanina ka pa tulala,” tanong sa akin ni Henry habang kumakain ng cake. Tumango ako sa kanya, kinuha ko ang aking baso na may lamang juice at agad na ininum ito. Napatingin kami sa hagdan dahil sa narinig namin. “Aiks, sigurado ka bang nag luto na si Butler?” Sabay sabay kaming napatingin kay Zane, habang si Zane naman ay nakatutok ang tingin sa babaeng pababa kasama ang dalwa pang tao. “Sigurado ak- ow, may tao pala,” sabi ni Aikka pag katapos kaming makita nito. Third Person Nag tungo si Aikka sa silid ni Peitho at ito ay tinawagan, upang sabay sabay na silang bumaba. Dinaanan na rin nila si Axel na abala ngayon sa kanyang cell phone dahil may denidevelope itong panibagong virus. “Aiks, sigurado ka bang nag luto na si Butler?” tanong ni Peitho kay Aikka habang pababa ang tatlo sa hagdan. “Sigurado ak- ow, may tao pala,” sabi ni Aikka pag katapos mapatingin sa living room. Naalis ang tingin ni Axel sa kanyang cell phone habang si Peitho naman ay natuod sa kanyang kinatatayuan dahil nag tama ang kanilang tingin ng kanyang dating kasintahan na si Zane. Hindi nila alma kung bakit naririto ang groupo ni King, nag katinginan si AIkka at Peitho at iisa lang ang nasa kanilang isipan. “We’ll be right back!” sabay na sabi ni Aikka at Peitho bago tinapik ang balikat ni Axel. Sino ba namang hindi makakaramdam ng hiya kung ang suot niyong dalawa ay nighties na? Manipis na tela at parehas pa silang nakaapak. Kaya naman ganun na lang ang naramdamang hiya ng dalawa ng pumasok sa kanilang isipan na hindi lang si Axel at Butler Shun ang lalaki sa loob ng bahay. Pag kaalis ng dalawa ay dumeretso na ng baba si Axel na tila walang nangyare. “Sinong nag papasok sa inyo dito?” tanong ni Axel sa mga ito. “Si Shunrie,” sagot naman ni Liam dito dahil napansin ni Liam na mukang walang balak sumagot ang kanyang mga kasamahan. “Ganun ba… saan siya nag punta?” simpleng tanong ni Axel. “Umakyat siya kani- kanina lang,” sagot naman ni Zane dito ng ito ay makabawi na sa nakita, “Hindi ko akalaing nasa iisang bahay lang pala kayo,” nakangiting sabi ni Zane habang kumakamot sa batok. “Enjoy your stay here, this house is ours we have our own contribution in this house,” sagot ni Axel skay Zane. “Ahhhhh, parehas lang pala sa amin, may sarili din kaming bahay para sa aming mag babarkada,” naiilang na kwento ni Zane upang mawala ang masamang hangin na pumapalibot sa kanyang mga kasama. Tumingin si Axel sa isang basket ng prutas bago muling tumingin kay Zane. “I assume na bibisitahin niyo si Van?” simpleng tanong ni Axel. “Ah, oo, kakamustahin sana namin dahil nakita namin na malma yung nangyare sa kanya,” sabi naman ni Zane dito. Tumango si Axel, wala ng sumunod na nag salita. Mabuti na lang at mabilis na nakabalik si Peitho kasama si Aikka, sabay sabay silang napatingin sa hagdan dahil narinig na nila ang maingay na yabag ng dalawa na kaslaukuyang bumababa sa hagdan. “Careful!” hindi maiwasang sabi ni Axel ng makitang madudulas si Peitho dahil sa kakahigit ni Aikka dito. “Anong dahil at kayo ay naligaw dito?” mataray na tanong ni Peitho sa groupo nila King ngunit ang mata nito ay nakatingin lamang kay Zane. “Bibisitahin sana namin si Vanessa,” sagot ni Zane habang nilalabanan ang titig ni Peitho. “Talaga? After what happened to her dahil sa pagiging childish ninyo?” nakataas ang kilay na sabi ni Peitho kay Zane. Napaiwas naman ng tingin si King dahil tinamaan siya sa sinabi ng babae. Totoo nga naman ito, pag katapos ng nangyare kay Vanessa ay bibistahi nila ito? Para saan? Itanong kung okay lang ba ito? “Manahimik ka Pito, nag mamalasakit lang naman sila,” sangat naman ni Aikka at hinila si Peitho sa kanyang tabi. “Pag pasensyahan niyo na itong si Pito, mainit lang talaga ang dugo sa kaibigan niyo kaya nadamay kayo,” nakangiting sabi ni AIkka at tiningnan isa isa ang muka ng mga kaibigan ni King, bigla itong sumimangot at tinaasan ng kilay si Henry. “At ikaw anong ginagawa mo ditong isip bata ka? Walang candy dito, p’wede ka na umalis!” mataray na sigaw ni Aikka dito. Naramdaman naman ni Butler Shun na lumabas na sa kanya kanyang silid ang mag kakaibigan kaya minadali na niyang linisin ang sugat ni Vanessa upang mapuntahan agad ang mga ito. “Nandiyan na sila sa baba at sa tingin ko ay bumaba na rin sila Aikka,” sabi ni Butler Shun kay Vanessa na nakikiramdam lang sa ginagawa ni Butler Shun. “Bakit ba kailangan pa yang linisin maya’t maya? P’wede namang hindi na lang,” malamig na tanong ni Vanessa kay Butler Shun. “Kailangan ito, Queen, upang hindi tumagal ang sugat at hindi ito mag iwan ng hindi kaaya ayang peklat sa iyong balat,” mahinahong paliwanag ni Butler Shun kay Vanessa, Hindi na lang ang salita pa si Vanessa, wala naman siyang laban dito pag dating sa kanyang kalusugan at sarili. Lahat ay ginagawa ni Butler Shun upang si Vanessa ay mapanatiling maayos ang kalusugan at maging ang pamumuhay. Ganun katapat si Butler Shun sa kanyang Reyna. “Ayan, tapos na, huwag mong kakamotin dahil baka dumugo ang tahi mo,” sabi niya kay Vanessa at sunod na kinuha ang kamay nito, tiningnan ni Butler Shun kung ang kuko nito ay mahaba at mabuti na lang ay hindi. “Tapos na yun?” tanong ni Vanessa dito. “Oo, sasabay ka na ba pag baba?” tanong sa kanya ni Butler Shun. “Ayaw ko, mamaya na,” malamig na sagot ni Vanessa bago pumaling ng harap sa kabilang gildi ng kanyang silid. Tumayo naman si Butler Shun pag katapos linisin ang kanyang mga ginamit, kinuha niya ang box at nag lakad na palabas ng pinto ng silid ni Vanessa. Isinara niya dahan dahan ang pinto ng silid nito upang hindi maistorbo si Vanessa, pag katapos ay dumeretso na ng pag lalakad pababa ng hagdan habang dala dala pa rin ang lalagyan ng mga ginamit niyang pang linis sa sugat ni Vanessa. Nakita niyang nakaupo na rin si Aikka at Peitho sa sofa, ganun din si Axel na muling abala na sa kanyang cell phone at walang pakialam sa mga taong nasa harapan niya. Masama ang titigan ni Peitho at Zane at kung ililipat ang tingin kay Aikka ay makikitang masama din ang titigan nilang dalawa ni Henry. “Mabuti na lang at nandito na rin kayong tatlo, tamang tama dahil maraming cookies akong ginawa,” sabi ni Butler Shun ng ito ay makalapit na sa living room. Napatingin naman sila sa hawak hawak ni Butler Shun. “Anong nangyare kay Vanessa? Bumuka ba ulit ang tahi?” tanong ni Aikka kay Butler Shun. Tumingin si Butler Shun sa hawak niyang lalagyan at tumingin kay Aikka. “Hindi, kinailangan ko lang linisin upang hindi mag mantsa nag dugo nito sa kanyang buhok at agad na gumaling ang sugat niya at maiwasang mag iwan ng marka,” mahabang paliwanag ni Butler Shun kay Aikka. “Ah, Sir, yung buhok ba ni Vanessa ay tunay niyang buhok?” tanong ni Luke kay Butler Shun. “Ha? Sir? Hahaha don’t call him Sir, hindi ka ba nag pakilala Shun?” natatawang sabi ni Peitho kay Luke. “Nakalimutan ko,” sagot naman ni Butler Shun, “Anyway, I am the head butler here and you can call me Butler Shun or just Shun,” seryosong sabi ni Butler Shun. Nagulat naman si Liam dahil doon, alam niya na tapos ito sa medisina at kung gaano karaming Master’s degree ang hawak at natapos ng taong kaharap nila ngayon, pero hindi niya akalain at hindi niya alam na ito pala ay Butler nila Vanessa. ‘Gaano ba sila kayaman para maging butler ang almost-perfect- guy na si Mr Shunrie?’ Ang tumatakbo sa isipan ng mag kakaibigan, maliban na lang sa isipan ni Henry dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nito inaalis ang masamang tingin kay Aikka at ganun din naman si Aikka kay Henry. “P’wede niyo ba silang dalhin sa pool side? Doon ko na lang kayo dadalhan ng inyong mamemeryenda,” pakisuyo ni Butler Shun kay Axel dahil alam niyang ang lalaki lang ang kanyang maasahan ngayon, base sa kanyang nakikitang kinikilios nila Peitho at Aikka sa mga kaibigan ni King.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD