Third Person “Hindi, para sana dito sa cute na ito,” sagot naman ni King at itinaas ang pusang kanyang hawak hawak. Nakita ni King kung paanong lumiwanag ang muka ni Butler Shun, hindi lingid sa kaalaman ni King na mahilig ito sa pusa at unang kita pa lang nito sa kanyang pusa ay naantig na agad ang puso ni Butler Shun. “Napakagandang pusa, anong pangalan niya? Sandali ay ikukuha ko lang siya ng gatas na p’wede sa pusa,” sabi naman ni Butler Shun kay King. Naiilang na napangiti si King at saka ito tumango kay Butler Shun, tumalikod si Butler Shun sa kanya at nag lakad patungo sa isang pinto. May inilabas si Butler Shun na isang susi at binuksan ang pintong ‘yon, nakita ni King ang mga laman nito at ganun na lang ang naramdaman nitong gulat. Sino ba namang hindi magugulat, kung ang

