Third Person “Akala ko ba napaliwanag n’yo na kay King, just kidding, oo cell phone at account mo gamit ni Vanessa,” nakangiting sabi nito kay King, walang nagawa si King kundi ang mapamaang at mapailing. Tumingin na lang si King kay Vanessa na tulad ng dati ay malamig pa rin ang ekspresyon at nanatiling blanko ang muka. “Sigurado ka bang first time mo mag laro nito?” hindi makapaniwalang tanong ni Zane kay Vanessa. “Oo,” malamig na sagot ni Vanessa. Napiling na lang si Zane, kahit anong gawin niya kanina habang kalaban si Vanessa ay nagagawa pa rin siyang matalo nito. At ngayong ang kalaban naman nito ay si Noah, nakikita nila na nahihirapan si Noah dito, ilang beses ng napapatay ni Vanessa si Noah kaya naman tutok na tutok ang lahat sa magandang laban ng dalawa. “AISH!” sigaw ni

