Vanessa Lavender Smith (Queen) “Ano ka ba, Queen, magtago ka nga baka makita ka sa side mirror,” sabi naman ni Peitho at saka ako hinila sa kanyang tabi upang magtago din. Wala akong nagawa kung hindi ang gayahin sila hanggang sa sila ay magsawa ng magtago at lumabas na mula sa likuran ng halaman. “Nakita n’yo ba ‘yon?” hindi makapaniwalang sabi ni Aikka. “Oo, AIks, hindi naman kami bulag,” sagot ni Peitho dito. “Sabi ko nga,” sagot naman ni Aikka at inirapan si Peitho. Hindi na lang ako nagsalita at akmang mag papatuloy na sa aking pag lalakad patungo sa garden ngunit pinigilan naman ako ni Peitho. “Nakita mo ba ‘yon? Mukang may date ang Butler natin, ah?” sabi sa akin ni Peitho. Hindi ako nagsalita, tiningnan ko lang siya gamit ang aking malamig na tingin. “Sabi nga namin wa

