CHAPTER 65

1488 Words
Vanessa Lavender Smith (Queen) “Kung ganun ay papasok ka na bukas?” tanong sa akin ni Kyro habang kami ay mag katabing nakaupo sa magkatabing upuan. “Oo,” malamig kong sagot sa kanya habang nakatingin sa swimming pool kung saan parehas na nakaupo si Liam at Axel na kanina ko pa napapansin na laging magkausap. “Hindi ba dapat mag pahinga ka na muna?” tanogn sa akin ni Kyro. “Hindi naman malala ang nangyare sa akin,” muli ay malamig kong sagot dioto. HIndi ko na siya narinig pang mag tanong, inilipat ko ang tingin ko kay Peitho at sa kaibigan ni Kyro na si Zane. Nakatingin si Peitho ng walang emosyon dito habang nilalabanan naman ito ng tingin ni Zane. “WALA AKONG PAKIALAM!” naagaw ang atensyon ko sa kabilang dako. Doon ay nakita ko si Aikka at si Henry, nag lalaban ito ng mga ginawa niyang bangka. Nakalagay ito sa tubig at nag papaunahan ang dalawa at ang mahuli sa kanilang bangka ay siyang tunay na isip bata. Kanina pa sila ang tatalo dahil may isa sa kanila ang paminsan minsang nandaraya at nakikita naman ito ng isa kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila mag kasundo. “Nasa iisang bubong lang pala kayong mag kakaibigan,” biglang sabi ni Kyro. Tumango ako sa kanya dahil ramdam ko namang nakatingin ito sa akin, hindi ko inalis ang aking tingin sa paligid at inilibot lang ito. Natigil ang tingin ko kay Luke na seryosong nakatingin kay Butler Shun na ngayon ay abala sa pag iihaw ng mga karne dahil ito ang gustong iulam ni Peitho at AIkka. Mukang naramdaman naman ni Luke na may nakatingin sa kanya kaya ito ay tumingin sa gawi ko, hindi ko inalis ang aking titig at nakipag labanan sa kanya ng tingin. Bigla siyang tumayo at huminga ng malalim. “Saan ang CR?” tanong niya kay Butler Shun. Mukang itinuro naman agad ni Butler Shun ang CR, nag lakad na ito palayo kaya inalis ko na sa kanya ang aking tingin. ‘Sino ka ba talaga Luke?’ tanong ko sa aking isipan dahil kanina ko pa talaga ito napapansing tulala o minsan ay titig na titig kay Butler Shun. Wala naman akong nakikitang dahilan para tumigtig ito dito, hindi naman madumi ang damit ni Butler Shun at wala din dumi ang kanyang muka, kaya naman ano kaya ang dahilan bakit kanina pa siya titig na titig dito. “Ako kausap mo pero sa iba ka nakatingin,” nabalik ako sa aking sarili at natigil ang aking pag iisip dahil sa sinabi ni Kyro, “Joke lang, hehehe,” tumatawang dagdag pa nito bago ang iwas ng tingin pag katapos ko siyang tingnan gamit ang aking malalmig na mga mata. “Type mo ba si Luke?” tanong niya sa akin na siguro ay hindi na mapigilan ang sarili. “Hindi,” matipid kong sabi sa kanya. “Mabuti naman,” wala sa sariling sabi niya kaya napatingin ako dito. “A-ah, ang ibig kong sabihin ay mabuti hindi mo siya type kasi alam mo, ‘yang lalaking ‘yan? Hindi iyan napipirmi sa iisang lugar o bansa, madalas siyang ipadala sa kung saan saan at nitong huling alis niya bago siya manatili dito nanggaling pa yan sa Korea,” tumataas baba ang kilay na sabi nito. Natigilan naman ako dahil doon, kung hindi ako nag kakamali, si Luke yung tinutukoy nila noong nakaraan sa loob ng opisina ni Kyro na siyang utusan at madalas mabigyan ng misyon mula sa Emperor. At ngayon bago kami mapunta dito sa Pilipinas ay nanggaling din muna kami sa Korea. Hindi p’wedeng coincidence lang ang lahat, kailangan ko ng makuha ang impormasyon ni Luke mula kay Axel mamaya din pag alis nila. “Bakit natahimik ka? Siguro crush mo nga ‘no?” sabi sa akin ni Kyro. “Hindi,” muli ay tipid kong sabi sa kanya, “Si Luke… kagroupo ninyo rin ba siya?” dagdag kong sabi dito. Umiling ito sa akin bago nag salita, “Hindi, pero mag kakababata kami at mas pinili niya na mag isa, pero wala namang kaso sa amin ‘yon dahil madalas din naman namin siyang kasama kaya sa lahat ng Head quarters namin, mayroong extra room para sa kanya, dahil sa tuwing umuuwui siya ng pinas ay talagang hindi siya nahiwalay sa amin.” “Ganun ba…” sabi ko sa kanya at hindi na nag tanong pa dahil baka kung ano na namang isipin ng lalaking ito. “A-ako, hindi mo ako tatanungin ng tungkol sa buhay ko?” naiilang na tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya saglit ngunit nasa malayo ang kanyang tingin kaya naman kitang kita ko ang kanyang tenga na namumula mula. “Bakit ikaw ang leader nila?” tanong ko sa kanya. “Aba, syempre, ‘yon ay dahil napakalakas ko!” proud na sabi niya sa akin. “Ganun ba…” sagot ko dito at hindi na nag salita pa. “Yun na yun? Wala ka na itatanong sa akin? Tanongin mo pa ako, tulad ng anong paborito kong pagkain o kulay, dapat ganun!” parang batang sabi niya sa akin kaya hindi ko maiwasang titigan siya gamit nang malalamig kong titig. “W-wag mo naman akong titigan ng ganyan, naiilang ako,” vocal na sabi niya sa kanyang nararamdaman kaya hindi ko maiwasang mapailing. ‘Bakla,’ sabi ko na lang sa aking isipan dahil kapag sinabi ko pa ng malakas ‘yon ay siguraodng hidni ito papayaga at kukulitin akong bawiin ang aking sinabi. Inalis ko na lang ang titig ko sa kanya at tumingin kay Butler Shun, seryoso ang muka nito habang ang hahanay ng mga karne na namarinate na. Hindi ko maiwasang mapailing kapag naalala ko yung nangyare kanina, kahit na nagawa sa akin ni Butler Shun ‘yon ay wala pa rin akong makuha o mahanap sa aking kalooban na kahit na anong galit dahil sa ginawa niya. Natuwa pa ang aking damdamin dahil ngayon ay magagamot na niya ako ng hindi pinapatulog o kung ano pa man. Tama, yung nangyare kanina ay hindi lang iisang beses nangyare. Paulit ulit ‘yon nangayre, ngunit pinatulog lang nila ako at pinag tulongan tapos magigising na lang ako na mayroong ng tahi o bandages ang mga sugat. Natatakot ako sa karayom, tama si Butler Shun. Natatakot ako sa karayom pero sa tama ng bala ng baril at sa hiya ng patalim ay hindi ako natatakot, sinasalubong ko pa ito ng buong puso, dahil para sa akin, wala ng kwenta ang buhay ko. Hihintayin ko lang na matapos ang pag hihigante ko at aalis na ako sa lugar na ito, sa bansang ito, at iiwan ang masasakit na alaalang nangyare sa buhay ko dito. Pag katapos ng lahat ng pag hihiganti ko ay pipilitin kong maging masaya, saka pa lang lalaya ang aking kalooban kapag ako na mismo at sa harapan ko mismo mapatay at mamatay ang Emperor na dahilan kung bakit ako nag iisa ngayon at walang mga magulang. “Vanessa, okay ka lang ba?” napatingin ako kay Kyro na siyang nasa harapan ko. May pinunasan siya sa muka ko na sa tingin ko ay luha, hindi ko namayalang lumabas na pala ito mula sa aking mga mata. Miski ang mainit nitong dampi ay hindi ko maramdaman marahil ay dahil namamanhid na ako. ANg katawan ko, utak ko at maging ang puso ko ay namamanhid na dahil sa mga nangyaayre sa buhay ko. “Shhhh… everything will be alright,” nagulat ako ng yakapin ako ni Kyro. Kita ko kung paanong manlaki ang mga mata ni Peitho at Aikka pag katapos makita ang posisyon namin, mabuti na lang at wala na ang luhang tumakas mula sa aking mga mata nang ako ay makita ng mga ito. Bahagya kong itinulak palayo sa akin si Kyro. “Salamat,” mahinang bulong ko na siyang sapat na para kaming dalawa lang ang makarinig. ‘Salamat dahil ikaw ang magiging daan at tulay ko upang makamit ang pag hihiganting matagal ko ng ninanais,’ sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa muka ni Kyro na may pag aalala. “Luto na, p’wede na mag haponan,” anunsyo ni Butler Shun kaya nabaling sa kanya ang tingin ng lahat. Nakita ko ang langit, wala na pala itong araw at tanging malalaking ilaw na lang ang nag bibigay ng liwanag sa aming lahat na naririto. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan, ganund din naman si Kyro. “Sa loob na lang, nilalamig na ako,” malamig kong sabi kay Butler Shun bago ako ang lakad appasok ng bahay at iniwan silang lahat doon. Nanatili lang ako sa living room dahil dadaan naman ang mga ito doon bago makapasok sa kusina, kaya makikita ko ang mga ito. At ilang sandali pa nga ay pumasok na sila. Tulong tulong sila habang dala dala ang mga nalutong karne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD