CHAPTER 66

1481 Words
Hendr Kyro William (King) Nag tungo na kami sa kusina at nadaanan namin si Vanessa sa living room, napansin ko na tila sanay na sa kanya ang kanyang mga kasama sa bahay kaya hinahayaan na lang ito na umalis alis ng walang paalam sa isang lugar. “Kumain na kayo, tamang tama dahil luto na rin ang gulay na isinalang ko kanina,” sabi ni Butler Shun habang nag lalagay ng isang bowl ng gulay sa gitna ng hapag kainan. “May carrots,” malamig na sabi ni Vanessa habang nakatingin sa gulay na niluto ni Butler Shun. “Nakalimutan ko, hayaan mo at ipag luluto kita ng bago,” magalang na sabi naman ng kanyng Butler sa kanya. “Hindi na, ito na lang ang iuulam ko,” malamig na sabi ni Vanessa at agad na kumuha ng inihaw na karne na nakahain sa lamesa. “Ano bang problema sa carrots, Vanessa? Mas magiging maayos ang lagay mo kung kakain ka ng gulay,” hindi ko na napigilang sabi dito dahil nakaramdam ako ng bahagyang awa sa kanyang Butler. Imbis na sagotin ay tiningnan lang ako ni Vanessa sandali at ipinag patuloy ang kanyang pag kain, habang ang lahat naman ay tahimik na at hinayaan na lang si Vanessa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, kumuha ako ng isang kutsara at nag lagay ng gulay na niluto ni Butler Shun. Nakita kong napatigil ito sa pag kain ng ito ay ilagay ko sa kanyang plato at pumaibabaw pa ito sa inihaw na karne na kinuha niya kanina para iulam. “Anong ginagawa mo?” malamig niyang tanong sa akin. “Kumain ka, hindi p’wedeng hindi ka kakain ng gulay lalo na at ganyan ang kalagayan mo,” seryosong sabi ko sa kanya. “Ayaw ko,” matigas niyang sabi bago tumayo at umalis. Napanganga naman ako dahil sa kanyang ginawa, napatingin ako kay Peitho at Aikka na parehas nakatingin sa akin, sabay silang nag kibit balikat at pinag patuloy ang kanilang pag kain. “Hayaan mo na, kumain ka na at dadalhan ko na lang ito ng pag kain niya mamaya,” sabi naman ni Butler Shun kaya naman muli na akong umayos ng aking upo at kinuha ang aking kutsara at tinidor. Nag umpisa na akong ipag patuloy ang aking pag kain, tila ba may nakabarang kung ano sa aking lalamunan dahil nahihirapan ako lunukin ang aking kinakain. Nakaramdam ako ng bahagyang konsensya, dapat pala ay hindi ko na pinakialaman pa ito. Hindi ko naman akalaing ganun na lang ang pag kaayaw niyang kumain ng gulay. -- “Maraming salamat, Butler Shun,” sabi ko dito habang nakaharap sa kanya. “Maraming salamat po sa haponan, Butler,” nakangiting sabi naman ni Zane. “Walang anuman, mag iingat kayo sa daan niyo pauwi,” seryosong sabi nito. Ngayon ay kasalukuyan kaming naririto sa harapan ng gate ng bahay nila Vanessa, ihinatid kami ni BUtler Shun dito pag katapos naming kumain dahil gumagabi na at tumawag na rin si Mommy. Simula nang umalis si Vanessa kanina ay hindi na ito bumalik pa sa baba, kaya ganun na lang ang aking nararamdamang konsensya dahil sa pakiramdam ko ay may nagawa akong mali sa kanya. Akmang tatalikod na sana si Butler Shun ngunit ito ay tinawga ko. “Butler Shun, ayos lang kaya si Vanessa?” hindi ko napigilang tanong sa kanya. Tumigil siya at tumingin sa akin bago nag salita, “Huwag mo siyang alalahanin, ako na ang bahala sa kanya, hindi ko siya pababayaan.” Ngumiti naman ako kay Butler Shun at tumango, “Maraming salamat, Butler Shun.” Tumango siya sa akin kaya naman pumasok na ako sa aking sasakyan, nakita kong hinintay muna nitong makapasok ako bago siya tuluyang tumalikod at pumasok sa loob. Pinaandar ko na ang aking sasakyan, ngunit bago tuluyang mag maneho ay pinauna ko muna ang sasakyan ng aking mga kaibigan at saka lamang ako nag maneho at sumunod sa mga ito. Charlotte “Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon, may pamysterious effect pa ang bruhang nerd na ‘yon, ano bang purpose ng pag tatago niya ng buhok niyang binleach?” naiiritang sabi ko habang nakatingin sa aking malaking salamin na naririto sa aking silid. “Akala mo ba maaagaw mo sa akin si King dahil lang sa ginawa mo?” nakangising sabi ko sa malaking salamin. Kinuha ko ang akin cell phone at nag dial ng numero dito. “Hello, Maam Charlotte,” bungad sa akin ng isang boses ng lalaki sa kabilang linya. “May ipapatrabaho ako sa’yo,” nakangising sabi ko dito. “Mukang magugustohan ko ang ipagagawa niyo, Maam,” magalang na sgagot nito sa akin. “Talagang magugustohan mo, sigurado ako,” sagot ko sa kanya bago ibinaba ang tawag. Agad kong hinanap ang picture ni Vanessa na isinave ko sa aking cell phone, isinend ko ito sa lalaking tinawagan ko. Pag katapos kong gawin yun ay napangisi ako at napatingin sa salamin habang hawak hawak ang aking cell phone. “Siguradong wala ka ng mukang maihaharap sa lahat pag katapos ng mangyayare sa’yo, hahahahaha!” sabi ko sa salamin. Vanessa Lavender Smith (Queen) “Umalis na sila,” bungad kong tanong kay Butler Shun nang maramdaman ko ang presensya nito mula sa aking likuran. “Yes, Queen,” sabi nito sa akin. Naamoy ko naman bigla ang isang nakakatakam na amoy, tumingin ako sa kanya at nakita kong may dala dala itong tray na mayroong lamang gulay, inihaw na karne at kaunting kanin, mayroon din itong inumin kaya naman hindi ko na napigilan ang aking tiyan ng ito ay kumulo. Nagugutom na ako. Tumayo ako sa aking inuupuan at binitawan ang papeles na aking hawak hawak at maging ang ballpen na aking ginagamit sa pag pirma ng mga papeles na ‘yon. “Mainit pa ba yan?” hindi ko maiwasang tanong sa kanya habang tinitingnan ang pag kain na dala dala niya. Nakita ko siyang ngumiti habang inilalapag ang pag kain sa bet table na ipinatong niya sa aking kama. “Lahat ito ay bagong luto, naubos nila Aikka at Peitho ang inihaw kanina kaya naman nag salang ako ng panibago at nag luto na rin ako ng gulay dahil makakatulong ito sa’yo,” mahabang paliwanag niya. “Tinanong ko lang kung mainit,” malamig kong sabi. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa. “Kumain ka na, Queen, hindi magandang pinag hihintay ang pag kain,” nakangiting sabi nito sa akin. Malamig ko siyang tiningnan bago naupo sa aking kama at kinuha ang kutsara at tinidor na nakalagay sa gilid ng plato. Umayos ako ng aking upo at nag umpisa ng kumain habang si Butler Shun naman ay marahang nag lakad palapit sa aking lamesa at pinatay ang ilaw na naroroon. “Ipag pabukas mo na lang ang iba dahil mas mabuting mag pahinga ka na lang muna ngayon at baka makasama sa’yo ang mag puyat dahil kagabi ka pa hindi natutulog,” sabi niya sa akin bago nag lakad pabalik sa aking harapan habang dala dala ang mga papeles na aking napirmahan na. “Huwag mong kapwersahin ang sarili mo, Queen,” nakangiting sabi nito bago siya tumalikod sa akin at lumabas ng aking silid. Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at nag patuloy na sa aking ginagawang pag kain. Kanina pa ako nagugutom at natatakam sa inihaw na karne, pero may malaking umepal na bigla na lang nilagyan ng gulay na may carrots ang plato ko, at sa ibabaw pa talaga ito ng inihaw ng karne inilagay. Dahil ayaw ko ng nakikipag talo sa harapan ng pag kain ay minabuti ko na lang na umalis na lang doon at mag tungo dito sa aking silid at pumirma ng mga papel na kailangan ng aking pirma. Hbanag kumakain ay kinuha ko ang aking cell phone dahil nakita ko ang pag liwanag nito. Nakita ko na mayroong dumating na mensahe kaya naman agad ko itong binuksan. ‘I’m sorry,’ basa ko sa laman ng message. Tiningnan ko kung kanino ito nag mula at nakita kong kay Kyro ito nanggaling, hindi ko siya nireplyan at binura lang ang kanyang mensahe, hindi ko alam kung bakit siya nag sosorry, marahil ay dahil sa ginawa niyang pag epal sa aking pag kain kanina. Muling nag bukas ang aking cell phone at mensahe na naman ito mulasa kanya. ‘I’m not sorry sa ginawa kong pag papakain ng gulay sa’yo, kailangan mo ‘yon sa katawan mo kaya huwag matigas ang ulo,’ basa ko sa mensahe niya sa akin. Tulad kanina ay binura ko lang ulit ‘yon, itinaob ko na ang aking cell phone upang makakain na ng maayos. Dahil doon ay mabilis kong naubos ang aking pag kain, ininum ko na ang inumin na isinama ni Butler Shun pagkatapos ay inilagay ko ang tray na may lamang pinag kainan ko sa tabi ng aking kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD