Hendrix Kyro William (King) Imbis na dumeretso sa bahay, dumeretso kaming lahat sa bar ng isa kong kakilala. Total maagap pa naman at hindi ko rin alam kung bakit pakiramdam ko ay kailangan kong uminum. Pag pasok na pag pasok namin sa Bar ay bumungad ang napakalakas na tugtogan, iba’t iba at nakakahilong ilaw, amoy usok ng sigarilyo at nag kalat na babaeng may kahalikan at halos mag hubad na lalo na ang mga nag sasayaw sa dance floor. Agad na may sumalubong sa amin na mga kababaihan, hindi ko pinansin ang mga ito at nag diretso lang sa bar counter. “King!” nakangiting sabi sa akin ni James, isa sa bartender na kilala rin dito sa bar. “10 shots of margarita,” sabi ko sa kanya at naupo sa stool ng bar counter. “King, doon muna ako,” paalam naman ni Zane. Tumango ako dito habang si

