Third Person Nakarating agad si Vanessa sa sinasabing bar ni Zane sa kaniya. Agad siyang bumaba ng kanyang sasakyan at madaling pumasok sa loob ng bar. Pag pasok pa lang niya ay kitang kita na niya ang tumpok ng mga tao, sa tingin nito ay naroroon ang nag wawalang si King. Nag lakad papunta doon si Vanessa, hindi nga siya nag kamali. Nakita niya si King na sinisira ang mga gamit habang nakikipag bugbogan sa malaking tao. “Tumabi kayo,” malamig at matigas na sabi ni Vanessa. Hindi napansin ni Vanessa na ang pinatabi niya pala ay ang mga kaibigan ni King, walang emosyon ang muka ni Vanessa nang siya ay pumasok sa eksena. Habang si King naman ay walang kamalay malay na nasa likuran na pala niya ang babaeng kaniyang gusto. Nagulat na lang ang lahat dahil sa biglaang pag hawak ni Vaness

