Vanessa Lavender Smith (Queen) Unti unti kong binuksan ang aking mga mata pag katapos kong maramdaman ang pag bukas ng pinto nbg aking silid. Labis na sakit ng ulo ang aking nararamdaman ngayon matapos, kinuha ko ang aking cell phone at nakitang nakasaksak pa ito sa aking power bank. Pag tingin ko sa screen nito, nakita kong buhay pa rin ang tawag ni Kyro. Tama, dahil sa dami ng kanyang sinasabi hindi ko na nagawa pang mapatay ito at nakatulogan ko na rin siya. Sa tingin ko naman ay ganun din ang nangyare sa kanya kaya hindi na niya nagawa pang patayin ang tawag. “Good morning, Queen, nakahanda na ang almusal sa baba,” sabi sa akin ni Butler Shun. Tumango lang ako kay Butler Shun at hindi inalis ang tingin sa screen ng aking cell phone dahil nakita kong gumagalaw na ito. Mukang gisin

